Share

Chapter 4

Nakatulala ako habang iniisip ang sinabi sa akin ng lalaking iyon, na Harris pala ang pangalan. Pakiramdam ko ay hindi ito makatotohanan. There's something in my heart that's unusual. Ngayon lamang ako nakaramdam ng gano'n.

Lumulutang lamang ang utak ko habang kinakausap ako ng aming guro. Iniisip ko kung hihintayin ba talaga ako ni Harris sa labas o hindi.

"Ano ka ba Ava, 'wag mo na isipin 'yung lalaking 'yun. Malay mo umuwi na 'yun kanina pa. Umaasa ka naman," sabi ko sa sarili at biglang na tauhan sa sinasabi ni ma'am. 

"Ava hija, mawawala ako ng tatlong araw. And as a class president i want you to handle your classmates tomorrow. Is it okay?" tanong ni ma'am sa akin. 

Tumango lang ako at sumagot, "Yes ma'am, don't worry. Mauna na po ako," pagpapaalam ko at umalis na.

Dali-dali akong naglakad papunta sa upuan ko kung saan doon nakalagay ang aking bag. Napalingon naman ako sa katabi nitong upuan dahilan upang bumalik na naman sa aking utak ang sinabi ni Harris kanina.

"I'll wait for you later outside."

Hanggang sa nakalabas na ako ng aming silid-aralan ay nanatiling nakayuko lang ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, may parte sa utak ko na iniisip na nagbibiro lang ang lalaking iyon ngunit may parte rin na sana totoo ang sinasabi niya. Pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Mayamaya pa ay may kamay na humawak sa pulsuhan ko na ikinagulat ko ng sobra at dahil doon ay agad akong napasigaw.

"Palakang buntis!" sigaw ko at agad na hinanap kung sino man ang humawak sa akin. Gulat na gulat ako ng mapagtantong si Harris ito.

 "Harris? A-anong ginagawa mo rito? Kanina pa uwian, ah?" agad namang tumawa ng malakas si Harris na ikinakunot ng noo ko. Naghintay ba talaga siya?

"Tarantado to, ah! Tinatanong ko tatawanan lang ako, may sapak ba 'to?" bulong ko sa aking isip.

"Nakalimutan mo agad? I said i will treat you and i will wait for you here," sabi nito habang natatawa. Pilit na tumawa ako at nagsalita ulit

 "Ah, hindi, akala ko nga hindi mo tutuparin. Saka bakit ka ba kasi nanggugulat?" tanong ko at inialis ang kamay niya na nakahawak pa rin sa akin.

"Of course i will do what i said," sabi niya habang natawa pa rin. 

"Baliw ba 'to?" bulong ko. 

"Hmm?" takang tanong naman nito. 

Umiling lang ako at naglakad pababa ng hagdan. Agad naman akong hinabol ni Harris. 

"Hey! I thought we were gonna eat?" tanong na naman niya. 

"Kalimutan mo na iyon, uuwi na ako baka hinahanap na ako ni mama."

Gusto ko sanang pumayag ngunit baka magalit lang ang mama ko. Medyo pagod na rin kasi ako dahil naging mahirap para sa akin ang itago ang kilig habang nasa tabi ko ang lalaking ito. Kahit na hindi naman ako dapat kiligin.

"Ganu'n ba? Sayang naman," malungkot na sabi niya. 

"Hatid na lang kita, and i will talk to your mom to have permission to go out with you tomorrow. Okay ba?" sambit na naman nito habang nakangiti. Bakit ba ang kulit niya? Mukha namang hindi siya seryoso, at saka ang mga lalaking katulad niya ay hindi naman dapat nag aaksaya ng oras sa mga babaeng katulad ko. 

Kinabahan at kinilig ako. Kung sakali ito pa lamang ang unang lalaking ipapakilala ko sa aking ina. Wala rin kasi akong kaibigang lalaki. Ngunit natigilan ang kilig ko dahil naisip ko na baka lalo lang magalit ang mama ko. Naisip ko na baka isipin nito na hindi ako nag-aaral ng mabuti at kumakareng-keng na. I Instantly felt guilty. I don't want my mom to think that I already want to have a boyfriend and I'm not focusing on my studies. 

"N-naku wag na, s-saka may ipapagawa sa'kin si ma'am," utal utal na sabi ko. 

Napansin ko naman na malungkot ang mukha ni Harris. Ngunit ngumiti ito ng pilit at kumaway sa akin.

"I see, it's okay. I understand. See you tomorrow!" sabi nito, halata sa tono nito na nalungkot ito. Ngunit humirit na naman ito.

 "But, sabay nalang tayo sa pagbaba. Is it too much to ask?" saad niya habang nagpapa-cute.

"Napaka gwapo niya, ang swerte siguro ng nililigawan o nobya niya," sambit ko na naman sa utak ko. 

"Sige, tara na?"

Agad na kaming naglakad pababa ng hagdan at naghiwalay kami sa labas ng gate ng eskwelahan namin. Nagpaalam ito sa akin habang nakangiti at ako naman ay tumango lang.

"I don't think it's okay to have a crush on him. Feeling ko pasaway siya," bulong ko sa sarili habang naglalakad. Kung kahapon ay palagi kong pinipigilan ang sarili ko na isipin siya, ngayon naman ay halos lumutang na lang ang utak ko sa kalangitan kasabay ng paglipad ng mga ibon dahil tanging ang lalaking iyon lang ang iniisip ko. 

Nakauwi na ako at agad naman akong nakaramdam ng sakit ng braso ko. Nakakaramdam na naman tuloy ako ng inis sa lalaking nakabunggo ko. Hanggang ngayon inis na inis ako, siya ang dahilan kung bakit masakit ang katawan ko ngayon. Ang akala ko ay pasa lang ang inabot ko sa braso, sasakit rin pala ang buong katawan ko dahil sa bungguan na iyon.

                             ...

"Done!" pagbubunyi ko pa dahil natapos ko na ang mga dapat kong tapusin. Dahil nawawala ang guro namin sa loob ng tatlong araw, ako ang naatasan sa iilang mga bagay.

Habang nililigpit ko naman ang mga gamit ko ay nakita ko ang papel na ginamit ko kanina. Naalala ko na naman tuloy ang pangongopya ng lalaking iyon.

Bakit ba palagi na lang siyang nasagi sa utak ko? Naiinis na ako! Paulit-ulit na lang, lalo lang akong naguguluhan. 

Hindi normal ang nararamdaman ko para sa taong iyon. I think it's bad for me, ayaw kong mawala ang focus sa pag-aaral. Hindi ko maipaliwanag kung anong ibig sabihin ng kaba at pagbilis ng tibok ng puso ko. At kung kilig man ang tawag doon, dapat kong pigilan ang nararamdaman ko.

Kumuha ulit ako ng isang papel at nagsimulang magsulat. Naisipan ko na lang na magbigay ng sulat kay Harris, kaysa ako mismo ang magsabi sa kanya. Marunong naman siyang magbasa 'di ba? Hindi naman yata siya walang utak.

Kumuha ako ng panulat at nagsimula na akong mag-isip kung ano ang sasabihin ko.

"I don't know you but it seems like we will be together since you and I will be classmates..."

Natigil ako sa pagsusulat at nag-isip pa. Parang masyadong mabait, pakiramdam ko ay kailangan ko maging prangka. Baka kasi hindi naman seryosohin ng lalaking iyon ang mga sasabihin ko.

"To be brutally frank, ayaw ko na kay kaklase akong bobo..."

Napangisi ako habang sinusulat ko ang pangungusap na iyon. Ano kaya ang mararamdaman ng lalaking iyon kapag sinabihan ko siya ng 'bobo'? 

"Nag-review ka, may test tayo sa Friday..."

Iyon ang huling pangungusap na inilagay ko sa sulat. Muli kong binasa iyon at muli rin akong natawa. Para bang nag-i-imagine ko ang reaksiyon ni Harris.

Tuluyan na akong nagligpit ng mga gamit ko at kasunod no'n ay nahiga na ako sa aking kama. Tinignan ko ang aking telepono, tahimik at mukhang tulog na rin ang mga kaibigan ko. Mukhang nakalimutan na agad nila ang pang-aasar nila sa akin kahapon.

"Bye, thank you again. See you later, love."

Biglang pumasok sa utak ko ang boses na iyon, ang boses ng lalaki na tinulungan ko na ngayon ay kaklase ko na. Agad akong tumayo at hinampas ko pa ang sarili ko upang matauhan.

Stop it, Ava! This is not the right time for you to feel this way! You need to focus your attention on learning. Mag-focus ka lang, focus.Dahan-dahan akong humiga at pinilit ko ang sarili ko na pigilan ang pag-iisip tungkol sa lalaking iyon.

                            ...

Ngunit mapipigilan ko ba talaga ang nararamdaman ko? Sa ngayon ay paghanga pa lamang ito ngunit paano kung lumalim pa iyon? 

I don’t know, it’s all up to me. If I want to suppress how I feel, I have to avoid Harris.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Honey Vanz
wag po sna masyadong o.a c Ava
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status