Share

Chapter 2

Ela

"Ay bruha ang bobo mo" bulyaw sakin ni Juvie nang ikwento ko yung naganap kanina.

"Luh? Ano na naman ang ginawa ko"

"Bruha n*******n mo yung isa sa mga Hayes Brothers tapos nakasama mo pa yung dalawang kapatid nito. Dapat pala hindi nalang ako umalis doon edi sana nakita ko kahit isa man lang sa kanila"

"Pano yun hindi man lang ako nakapag pasalamat tapos hindi pa ako nakapag paalam" hindi ko pinansin ang reklamo nito at nagtanong nalang dito, napalabi rin ako habang nilalaro ang kamay ko.

"Hayaan muna after ng runaway event uuwi din lang tayo sa pinas" saad nito na syang nagpalaki ng mata ko.

"Na naman?" hindi makapaniwalang tanong ko. Paano ba naman kakarating lang namin dito sa Paris tapos pupunta na naman sa Pilipinas.

"Bruha ka talaga, hindi kaba nakikinig kanina kay manager? Sabi nya pwede na daw tayong magbakasyon ng 2 months after nun balik rampa na naman ang mga bruha"

Tanging ngiwi nalang ang tinugon ko dito at napatitig nalang sa ceiling. Kanina pa kami nagk'kwentuhan ng kaibigan ko dito sa kwarto ko, magpapahinga dapat kami kaso nga lang masyadong madaldal ang isang to kaya tanging higa nalang ang magagawa ko.

Naalala ko ang triplets, ang gaan gaan ng pakiramdam ko nung sila yung mga kasama ko. Hindi ko ramdam yung awkward kahit na kakakilala palang namin. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila at ganun nalang ang nararamdaman ko sa mga ito, hindi naman kasi ganun ang pakikitungo ko sa iba.

Alam yun nang lahat dahil kahit mga co model ko na mga lalaki hindi masyadong malapit sa akin. Nakikipag usap lang ako kung kailan kailangan lang.

"Kailan nga pala ulit yung runaway event?" tanong ko kay Juvie, aminado akong hindi ako nakinig kanina dahil ang laman lang ng isipan ko ay yung tatlo.

"Ayts pasalamat ka wala dito si manager kung hindi naratatat kana naman"

"Hindi ko ramdam, nandito ka kasing nagraratatat sa akin" pamemelosopo ko.

"Ano suntakan nalang!" pang aaya nito sakin kaya natawa nalang ako. Sinabayan naman ako nito sa pagtawa, ganyan yan pag kaming dalawa magkatitigan automatic na matatawa nalang kami. "Bukas ng isa daw yun gaganapin"

"Then pahinga natin bukas"

"Let's go party?" pandedemonyo nito sa akin.

"Gaga magpahinga naman tayo, hindi pa ako nakakatulog sa sobrang daldal mo"

"Ito naman itulog mo nalang yan pagdating natin sakto nun nakainom ka edi masarap ang tulog mo nun" pangungumbinsi nito sakin.

"Tapos kinabukasan sasakit lang din ang ulo ko, loka ka baka nakakalimutan mong hindi mataas ang alcohol tolerance ko baka pag uminom ako may maka one night stand na ako. Naku malilintikan ka talaga sa akin" angil ko dito.

"Wow naman bruha ang advanced mo namang mag isip, hindi palang tayo nakakapunta nag iimagine kana agad ng mga mangyayari sayo. Syaka don't worry pag mangyari man yang sinasabi mo sisiguraduhin kong gwapo ang makaka one night stand mo para naman hindi kana lugi kung maisuko mo si bataan"

"Hoy bunganga mo masyadong pasmado na" saway ko dito.

"Nahiya naman ako sayo, pareho lang naman tayo dito. Wag nang magpaka birhen, oo at hindi pa naman naisusuko si bataan pero ang utak natin napapalibutan na yan ng masamang--" kumunot ang noo ko nang pinutol nito ang sasabihin.

"Masamang?" tanong ko.

"Masamang kababalaghan" sabay tawa nang malakas. Parang timang talaga to.

Nag ayos at nagbihis na kami, oo napapayag na naman ako ng babaeng ito. Naisip kong wala din namang gagawin bukas kaya naman pwedeng pwede matulog nalang maghapon ang ganap ko.

Black blazer dress na may fishnet sa pang ibaba ang isinuot ko para naman bumagay sa high boots ko. Inilugay kulang ang buhok dahil bagay naman ang curly hair ko. Light make up lang din dahil gabi naman.

"Sa dating bar ba tayo?" tanong ko habang nasa sasakyan kami.

"Yeah Amir Bar"

Fifteen minutes bago kami nakarating sa pupuntahan namin, as usual madami na namang tao.

"Sa may counter lang ako Juv" paalam ko at hindi na hinintay pa ang sagot nito.

Pagkaupo ko nag order na kaagad ako "Can I have a martini please, thanks"

Habang hinihintay ko ang order ko, naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya naman napalingon ako dito.

"Hey miss, you're alone?" tanong nito sa akin, gwapo din ito ngunit para sa akin mas malakas ang parin ang triplets.

"No" simpleng sagot ko, buti nalang at dumating na din ang order ko.

Nilagok ko agad ito. "Tangina" tanging nasambit ko nang maramdaman ko ang init sa lalamunan ko.

"Wow so pinay ka pala" ani ng katabi ko na inoobserbahan lang ako.

"Yeah half Filipino half American"

"Ah kaya pala, diba sikat ka?" nagdadalawang isip na tanong nito na siyang nagpataas ng kilay ko.

"Saan na ba kita nakita noon, model ata or actress" sabi nito sabay hawak sa batok.

Tinawanan ko nalang ito.

"Yup I'm a model, Ela Eshe Solace" pagpapakilala ko at kinamayan ito.

"Harold Lucas Evans, nice to meet you Ela"

"Same to you"

Lumipas ang oras nang kami lang ni Harold ang nag uusap, nakagaanan kuna ito nang loob dahil sa pagkmadaldal nito. Naalala ko tuloy si Juvie sakanya, hanggang ngayon kasi hindi pa nya ako pinupuntahan dito sa counter. Kung saan saan na naman yun nagpupunta.

Gulat ako nang maglahad ito nang kamay sa akin, ano na naman ang ganap nang lalaking ito.

"Can I have this dance miss Ela?" tanong nito, ang elegante namang pakinggan. Kinuha ko ang kamay nito sabay hatak papunta sa dance floor.

Pagkarating doon sinabayan namin ang slow dance na tumutugtog, naramdaman kong hinawakan nito ang bewang ko kung kaya't ikinulong ko din ang mga kamay ko sa batok nito.

"Did I told you that you're so beautiful?"

"Hmm kahit naman hindi mo sabihin, alam kuna na maganda ako" ang hangin ko diba ? Ganyan kasi ang confidence ko ang taas parang height ko.

"So cute, I like it" sabay matamis na ngumiti sa akin. Tumitig ito sa mga labi ko, wait mukhang alam kuna ito.

Lalayo na sana ako para hindi matuloy ang binabalak nito nang may humigit sa akin papalayo kay Harold. Gulat akong napatingin sa lalaking humigit sa akin. Bakit siya nandito? Nandito rin kaya yung mga kapatid nito?

Sinuntok nito sa panga si Harold kaya naman napasalampak ito sa sahig. Madami na ding gumilid kaya naman nasa gitnang gitna na kami, ayaw sigurong madawit sa gulo. Takot ang nanalaytay sa buong katawan ko nang makita ko kung gaano nito kasakit titigan si Harold, parang anytime ay makakapatay ito.

Susugudin nya na sana ulit si Harold nang yakapin ko ito mula sa likod. "Stop, please" bulong ko rito.

Hinila ako nito at napansin kong pinasukan namin ang isang kwarto, kung hindi ako nagkakamali. Isa ata itong vip room dito sa bar, namangha naman ako nang may makita akong billiards.

Napasinghap ako nang hawakan ako nito sa bewang sabay iupo sa billiards.

"Nice to see you again princess" hindi ko ito nasagot at tanging titig lang ang ginawa ko.

"So nice to see you that you're in other man's hand knowing that you left us in airport earlier"

Tumigil pa ang paghinga ko nang lumapit ito sakin sabay hagod pataas at pababa ng mga kamay sa hita ko. Fuck, calm down self.

"Since may utang ka sa amin, can we claim it now?" magsasalita na sana ako nang hinigit nito ang batok ko sabay siil ng halik sa mga labi ko. Napaka aggressive ng halik nito na halos hindi na ako makahinga.

"Silence means yes"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status