Share

Chapter 1

Hermes

I'm pissed right now dahil sa sobrang bagal kumilos nang mga kambal ko 8:00 pm ang usapan ngunit lagpas isang oras na hindi parin tapos ang mga ito. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger group namin at doon nag type.

"5 mins" iyan lang ang isinent ko kung kaya't pagka seen ng mga ito nag uunahan na silang makababa. Napa ngisi naman ako dahil hindi nila gugustuhing magalit ako kung kaya't lagi kong napapasunod ang mga ito.

"Sorry we're late" ani ni Apollo na tinanguan kulang. "Let's go" sambit ko at nauna nang maglakad.

Isang kotse lang ginamit namin dahil tinatamad yung dalawa magdrive. Kamataran sa lahat, late na nga ang mga ito ako pa ang pinag drive ,ibang klase. Pasalamat sila kapatid ko sila.

Magkikita kita kaming magpipinsan sa Hayes bar, isa sa mag mamay-ari namin ngunit ang aming ama ang humahawak nito. Dahil kaming tatlo na ang humahawak sa kompanya, pumayag naman kami dahil ang dahilan ng aming magaling na ama mas gugustuhin nalang daw nya ang bar para daw pumasok sya kung gugustuhin nya lang.

Crazy old man.

Pagkarating namin sa second floor ng bar nakita na agad namin ang mga pinsan namin, at masasabi kong kumpleto kaming pito na kabilang sa Hayes Brothers.

"Ang tagal nyo naman kanina pa kami dito" ani ni Conner habang nagsasalin ng alak sa baso.

"Pasensya na traffic" sumbat naman ni Zeus na siyang kinataas ng kilay nito.

"Duda ako sa traffic na yan, imposible namang hindi ka makakausad ng isang oras" asik nito.

"Alam mo naman pala e, nagtanong kapa"

"Tangina wag mo nga akong kausapin"

"Ah pikon--"

Sumingit na ako para hindi na umingay pa. "Cole what's the deal?"

Hindi ako nito pinagtuunan nang tingin ngunit sumagot naman ito sa tanong ko. "They'll attend to your mother's runaway event in Paris"

"So?" takang tanong ko rito. Ano naman kung may event si mom sa Paris, as if we care.

"Idiot they want us to watch before to settle the deal!!" asik nito at inikutan pa ako ng mata. Tanginang mata yan ang gandang tanggalin.

Magsasalita pa sana ako nang may biglang umupo sa kandungan ko, what the heck.

Kunot noo ko itong tinignan, medyo hindi ko pa kita ang mukha nito dahil sa nakatungo ito at tinanggal ang blazer sabay hatak sa ponytail nito. Kaya naman bumagsak ang buhok nito, doon ko napasadahan ang katawan nito. Ang sexy.

"What are you--" tatanungin ko sana ito ngunit hindi na natuloy nang halikan pa ako nito sa labi ko. Fuck, ang lambot nang mga labi nito at hindi lang yun ang napansin ko ,dahil meron din itong angking kagandahan kung kaya't napatitig lang ako dito.

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto bago ito humiwalay sa akin, narinig ko nalang itong may kausap sa cellphone nito. Ramdam ko ang hiya nito nang makitang lahat kami ng mga pinsan at kapatid ko ay nakatitig lang sa kaniya.

Hindi ko sila masisisi dahil ibang iba ang ganda nito.

"Uhm s-sorry...for...disturbing you" paumanhin nito at nag iwas ng tingin sabay titig sa mukha ko. Napa ngiti ako nang kaonti dahil kita ko ang pamumula ng pisngi nito. Cute.

Mas lalo pa akong napangiti nang matagal nitong titigan ang mukha ko, kung hindi pa nagsalita si Zeus baka hindi pa ito tumigil.

"Hey gorgeous" napunta kay Zeus ang atensyon nito, kitang kita ko kung paano ito nagulat nang mapadpad ang atensyon kay Zeus at sa katabi nitong si Apollo.

"Triplets?" tanong nito habang palipat lipat ang tingin sa aming tatlo.

"Yes missy" si Apollo na ang sumagot, himala at sumagot ito. Hindi kasi nito pinapansin ang iba bukod sa amin, sya ang dakilang snob sa aming pito. Kaya kataka taka rin na sumagot ito dito sa babaeng nasa kandungan ko.

"Tangina talaga! Tignan natin doon sa dance floor at ang iba maghintay sa harap ng club para hindi makatakas" sigaw ng lalaking nasa gilid lang namin, tumungo ang babae palapit sa amin ni Zeus sabay bulong.

"I know it's too much to ask this but can you help me? I have a flight kasi" may pagka conyong saad nito, hindi naman panget pakinggan sa kanya. Bumagay pa nga sa kanya.

"Then anong makukuha namin pag tinulungan ka namin?" tanong ni Apollo habang titig na titig sa babae.

"Uhm...anything?" hindi siguradong sagot nito.

"Okay then, let's go" hinawakan ito ni Apollo sa bewang upang makatayo ito. Tinignan ko ang kapatid ko sa mata na para bang nag uusap kami gamit ito. Nalilito ako sa ikinikilos nito, gaya na lamang ng ginagawa nito ngayon.

"Alis na kami pre, just email the details" paalam ni Zeus sa mga pinsan namin habang ako naman tinanguhan lang ang mga ito.

Sa kabilang pinto na kami lumabas, walang nakakaalam nang pintong dinaan namin kundi kami lang na Hayes Brothers at ang mga magulang namin.

"What's your name?" tanong agad ni Zeus nang makasakay kami sa kotse ko.

"Ela, what's yours?"

"Zeus is the name, ito naman si Apollo at yang nasa driver seat si Hermes" pakilala nito sa amin.

"Bakit ka nila hinahabol?" nagtatakang tanong nito, kahit ako nagtataka din kung bakit may ganoong ganap sa bar.

"They are a paparazzi kaya magiging laman ako sa balita kung sakali"

"Are you an actress?" ako naman ang nagtanong dahil gusto kong malaman kung ano ang propesyon nito. Dahil sa sinabi nyang paparazzi alam kong sikat ito hindi ko lang alam kung sikat lang ba dito sa Pilipinas or sa buong mundo.

"No, a model" kaya pala ganito sya manamit, now I know. Hindi ko tuloy maiwasang humanga.

Nagtanong tanong lang si Zeus about kay Ela, nagkwento din ito about sa aming magkakapatid.

"Wait here" I said at binilisan ang lakad papuntang office ng secretary nila Cole , ipapaalam kulang na gagamitin namin ang isa sa mga private jet namin para maihatid namin si Ela kung saan man sya pupunta.

"Call your pilot we'll use our private jet" utos ko nang makapasok ako sa office nito.

"Got it sir" sagot nito at may tinawagan sa telepono.

Lumabas din ako agad para mapuntahan si Ela.

Kumunot ang noo ko nang mabungadan kong aligaga ang dalawang kapatid ko at pansin kong wala na din si Ela na katabi ng mga ito.

"Where's Ela?"

"We didn't know, tumawag lang kami saglit sa secretary at magulang natin pagkakita namin wala na sya"

"Fuck!" Apollo hissed sabay sabunot sa buhok nito. Napabuntong hininga nalang ako at kailangan pagaanin ang loob ng isa sa mga kapatid ko para makaiwas na din sa gulo. Hahanap at hahanap kasi ito nang gulo pag mainit ang ulo nito.

"Don't worry I'll ask Cole and Conner's secretary para maipahanap natin sya" tumango na lamang ito sa sinabi ko.

Nang masiguro kong okay nang iwan ang mga ito bumalik ako sa office na kaninang pinuntahan ko.

Damn princess, umalis ka nang walang paalam. Get ready dahil hahanap at hanapin ka namin kahit saang lupalop kaman ng bansa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status