Share

Hayes Brothers: Triplets
Hayes Brothers: Triplets
Author: emalasan37

Prologue

I was walking here at the club kaya meron napapatingin sakin, naagaw kopa tuloy lalo ang atensyon ngunit pinagpatuloy kong maglakad hanggang sa makarating ako ng counter. Nilibot libot ko ang tingin ko upang makita ang sadya ko rito bigo naman ako at hindi ko magawa yun nang maayos nang dahil sa iba't ibang kulay na nanggagaling sa ilaw.

I'm still with my black satin dress that hugs my body na pinatungan lang ng black din na blazer dahil kagagaling kulang ng photoshoot. Napalingon ako sa hawak kong cellphone nang mag vibrate ito, tanda na may tumatawag sa akin kaya agaran ko naman itong sinagot.

"Hey Ela, where are you?" boses palang nito ay alam kunang isa ito sa mga kaibigan ko nasyang sadya ko rito sa bar.

"I'm here already, where are you?" balik kong tanong dito habang nililibot ang paningin, nagbabaka sakaling mahanap ko ang mga ito.

"What?! I thought you're just joking since you have a photoshoot"

"Madaling natapos" banggit ko rito nang may mga naaninag akong mga taong naglilibot din na parang may hinihanap. Napaatras ako nang magtama ang mata namin nang isa sa mga ito.

"Shit" bulalas ko sabay takbo kung kaya't hinabol din ako nang mga ito.

Nang lumiko ako ay agad agad naman akong naghanap ng pagtataguan ngunit wala akong mahanap kaya no choice ako kundi pumunta sa isang table ng mga lalaki sabay upo doon sa kandungan ng lalaking malapit sa akin.

Tinanggal ko ang blazer na suot kong pampatong sa dress ko binuhaghag ang buhok na kaninang nakatali. Ramdam na ramdam ko na nakuha ko ang mga atensyon ng mga nandito ngunit hindi na ako nag abalang lumingon.

"What are you--" magsasalita na sana ang lalaking inupuan ko ngunit hindi kuna ito pinatapos nang hinalikan ko agad ang labi nito.

"Tangina pre biglang nawala!" sigaw nang mga lalaking humahabol sa akin na nasa tapat na namin.

"Nandito lang yun, hanapin pa natin!" sigaw din ng isang kasamahan nito.

Nang maramdaman kong wala na sila ay nilingon ko ang mga ito na sinisipat isa isa ang mga tables para hanapin ako. Nagvibrate ulit ang phone ko kaya sinagot ko ang tawag.

"Saan kana? Hindi kaba nahuli?" pag aalalang tanong nito sa akin

"No but they're still here. Madaming bantay kaya hindi ako makakatakas" mahinang tugon ko rito.

"Damn! We have a flight, we have 1 hr left sabi ng manager"

"Fuck, I don't think I can make it Juv. But I'll try" sagot ko bago binaba ang tawag.

Napatingin naman ako sa mga lalaking nandito at doon kulang naramdaman ang hiya. Shit. Mas nakakahiya ito kaysa matapilok habang rumarampa. Napabuntong hininga muna ako bago magsalita sa mga ito.

"Uhm s-sorry...for...distubing you" paumanhin ko sa mga ito at nag iwas agad ng tingin. Titig na titig naman ako sa lalaking nasa harap ko dahil sa kaniya ako napaharap. And I'm speechless dahil sa sobrang gwapo nito, marami na akong nakitang mga lalaki dahil na din sa trabaho ko ngunit ibang iba ang angking kagwapuhan nito.

"Hey gorgeous" sambit naman nang katabi nito kaya doon napunta ang atensyon ko. Doon naman ako nagulantang nang makita ko ang mukha nito pati na din yung isa pang katabi nito. Magkakamukha sila.

"Triplets?" I asked habang palipat lipat ang mata ko sa tatlo.

"Yes missy"

"Tangina talaga! Tignan natin doon sa dance floor at ang iba maghintay sa harap ng club para hindi makatakas" rinig kong sigaw ng lalaki. Oo nga pala hinahanap parin ako, mga bwesit na yan.

Tumungo ako para mapalapit sa tatlong ito. "I know it's too much to ask this but can you help me? I have a flight kasi" pakikiusap ko sa tatlo.

"Then anong makukuha namin pag tinulungan ka namin?" tanong ng lalaking inupuan ko.

"Uhm...anything?"

"Okay then, let's go" hinawakan nito ang bewang ko para makatayo kami.

"Alis na kami pre, just email the details" paalam nila sa ibang lalaking narito sabay hatak sa akin.

Napahinga naman ako nang hindi sa entrance kami dumaan, kundi sa may kabilang pinto na sila lang din ata ang nakakaalam sapagkat wala naman akong nakitang ibang tao.

"What's your name?" tanong nang isa nang makasakay kami sa kotse nang mga ito.

"Ela, what's yours?"

"Zeus is the name, ito naman si Apollo at yang nasa driver seat si Hermes" wow. Bagay na bagay sakanila yung mga pangalan nila.

"Bakit ka nila hinahabol?" tanong naman ni Apollo na katabi lang si Zeus.

"They are a paparazzi kaya magiging laman ako sa balita kung sakali" sagot ko dito.

"Are you an actress?" Hermes habang nakatutok sa pagd'drive.

"No, a model" napalabi nalang ako nang makita ko ang paghanga sa mga ito. Yes I'm proud since I'm a famous model together with my friends.

30 minutes bago kami nakarating sa airport, hindi naman naging awkward sa loob ng kotse dahil naging tanungan lang ang naging ganap. Nalaman kong sila pala ang Hayes Triplets kung saan sikat sa mga magazines dahil sa magandang reputasyon nang mga ito sa business industry plus na din ang mga nag gagwapuhang mukha at katawan ng mga ito.

Panganay daw si Hermes dahil siya ang unang lumabas pumangalawa si Apollo at ang huli si Zeus.

"Wait here" Hermes said at tuluyan nang umalis, pipigilan ko sana ito upang makapag paalam na nang hindi kuna ito nahabol. Nang tignan ko naman ang dalawa busy ito sa pakikipag usap sa mga cellphone nila.

Nagvibrate ang cellphone ko kung kaya't tinignan ko ito, agaran ko itong binuksan.

'Bruha dalian mo, nagagalit na si manager nagiging dragon na. Dito na kami'

Nang makita ko ang picture, bilis ko din itong nahanap at buti nalang hindi ako napagalitan ni manager nang lumapit ako dahil na din siguro sa mga taong nakapalibot sa amin.

"Bat ang bilis mo atang nakarating dito?" takang tanong ni Juvie nang makaupo na kami. Doon naman ako napatigil nang may maalala ako.

Shit. Hindi ako nakapag paalam sa triplets.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status