Share

Chapter 21

Confirmed, may trauma si Collete. Mas pinili ng kaniyang nanay na lumipat ng tirahan, inaayos na rin ang kaso, hindi namin alam kung kailan ipapasok sa kulungan ang Papa niya. Nakakalungkot man, kailangan humiwalay ni Collete sa amin. Sandali lang naman daw iyon, if she'll get better, she can come back here. 

Nagpasko kami ng hindi kumpleto. That was our plan, masaya pa rin naman. Nagiging maayos na si Devika, what surprise us the most. She became their ace, muli siyang tumutok sa academic at nangibawbaw siya sa klase nila. 

"Anong gagawin niyo this week?" 

"Uuwi?" ani Lyndsey. Malungkot ako para sa kaniya, paniguradong wala siyang makakasama sa kanilang mansion.

"Sasama ako kay Xav," sagot ko kay Ivory. 

"Shet, sana all na lang," sabi ni Eleanor. 

"Isa ka rin kasing torpe, e," sumimangot siya, naghalakhakan kami. 

"Kawawa ka naman," Devika teased. "Hanap ka na lang ng talong d'yan sa lidgi!"

"Tse!" 

"Saan kayo mag e–enroll pagkatapos natin sa shs?" 

"Saint Joseph?" sabi ni Ivory. Hindi ko pa alam kung saan ko saan ako mag college, kailangan ko pang kausapin ang magulang ko, ayaw ko rin na mahiwalay sa kanila. 

"Walang magpapa Manila sa inyo?" tanong ni Lyndsey. 

"Ikaw? Mayaman naman kayo, e," Lyndsey sighed. 

"I think my parents won't take me away from here. Mas gusto nila na kasama ko kayo."

"We will see," ani Ivory. 

Natulog kami ng madaling araw, sa bagong taon na lang ako uuwi sa bahay. Alas nuebe ng umaga nang magising ako, tulog pa si El kaya kami na ang naunang nag almusal. Pagkatapos ay naligo na ako, paniguradong nasa daan na si Xavion. Tatlong araw kami sa Batangas, I'm nervous. Nabanggit niya kasi na kasama ang pamilya niya. 

"Kalma lang," hinalikan niya ang kamay ko. On the way na kami sa kaniyang condo.

"E? Paano kung ayaw nila sa'kin?" 

Natahimik siya, kalaunan ay tumikhim. "Huwag mong alalahanin 'yan. Besides, you got my siblings heart. Tumutol man ang magulang ko, suportado naman tayo ng mga kapatid ko."

I sighed. Hindi ako mapakali sa kinauupuan, mas tumindi ang kaba ko noong huminto na ang kotse. Iniwan muna namin sa kotse ang mga gamit saka umakyat. Si Xashna ang nagbukas ng pinto para sa amin. 

"Ate Yvonne!" she squealed and hugged me. Alanganin akong ngumiti at gumanti ng yakap. 

"Thanks, Kuya," kumindat sa kaniya si Xavion. 

Kumapit sa braso ko si Xashna at hinila papasok. Lumingon muna ako kay Xavion para humingi ng tulong pero sinenyasan niya lang ako na tumuloy na. The first one I spotted was Xion, katabi ang isa pang babae na mas matured tignan kaysa kay Xashna. They're talking about something, nahinto lang nang makita ako. 

"Oh! Yvonne!" tumayo si Xion at nakipagkamayan sa'kin, nakatingin naman sa akin ang babae, noong mapansin iyon ni Xion, mahina niya akong tinulak paharap. 

"Ate, this is Yvonne. Girlfriend ni Xav," ngumiti ako, pinagtaasan ako nito ng kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. 

"Really?" sarkastiko niyang sabi, napalunok ako. "Shet! Jackpot ka, bro!" 

Nagulat ako nang tumayo ito at nakipag fist bump kay Xavion pagkatapos ay nakangiting humarap sa akin. 

"Hi!" kumaway siya. "I'm Xyrile! Ate nila." 

"Where's Asha?" tanong ni Xavion, kumunot ang noo ko. 

"Alam mo naman ang batang 'yon, hilig matulog," umiiling na sabi ni Ate Xyrile. Pinigilan kong huwag magulat. All this time, I thought Asha was around our age, nagawa kong pag initan ang isang bata. 

"What? She said she wants to meet Yvonne?" napabuntong hininga siya. 

"She'll wake up, anyway," He shrugged his shoulders, pinaupo nila ako, kung ano anong inalok nila sa'kin pero tumanggi ako. 

"I'll go get Mom," paalam ni Xavion, sinundan ko siya ng tingin hanggang kusina. 

"So? Xavion said you're planning to take medicine," tumango ako kay Ate Xyrile. 

"That's great! Para mas madagdagan ang lamang mo kay Phenny, at para magising na rin si Papa sa katangahan!" asik niya. 

"Ate, he's still our father, huwag ka magsalita ng gan'yan!" parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan, hindi ko kilala ang binanggit nilang pangalan pero gano'n naman kalakas ang pagtibok ng dibdib ko. 

"Who's Phenny?" pag uusisa ko, kumunot ang noo nilang tatlo sa akin. 

"Kuya didn't tell you about it, huh?" dimasyadong sabi ni Xashna, bumuntong hininga siya. 

"Phenny is his future fiancee." 

Napasinghap ako, napakapit ako sa upuan. Nag-aalala silang tumingin sa akin. Nagbabadya ang pagluha ko. 

"I'm sorry.." napayuko si Xashna, umiling ako. 

"Kung hindi niya pa nasasabi sa'yo, please! Don't tell him na kami ang nagsabi," ani Xyrile. "We broke our promise. And I also think that you deserve to know all about this, I'm sorry.." 

Pumasok sa isip ko ang mga sinasabi niya tuwing magkasama kami, hindi ko namalayan na sa likod ng mga salitang iyon ay may kadikit na sakit. Ilang daang punyal yata ang tumusok sa puso ko, ang hirap tanggapin. Bakit kami pa? Ako na naman ba ang kawawa? 

"Mi, si Yvonne, girlfriend ko," pasikreto kong pinunasan ang namumuong luha at humarap sa direksyon ni Xavion. Nakangiti siya sa akin, iyong ngiti na para bang ayos lang ang lahat sa pagitan namin. 

"Hija, Finally. I got a chance to meet you," his Mom smiled beautifully, nangingibabaw ang kagandahan niya. Lumapit siya sa akin at niyakap. Xavion was proudly starring at us. 

"Nice to meet you po," bati ko. 

"Napakaganda mo, hija," she caressed my cheeks, naramdaman ko ang pagkalinga niya bilang ina. 

"Kayo din po. Now I know, kung saan sila nagmana," sinulyapan ko silang magkakapatid, they all smiled at me, pero may bahid iyon ng lungkot. 

"I like you already." 

"I told you," kumindat sa akin si Xavion, ngumiti ako sa kaniya. 

"Aalis na ba tayo?" tanong ni Xion, tumango ang Mommy nila. 

"Tatawagin ko lang ang Papa niyo, Xash, pakigising si Asha," tumango ito at naglakad papasok sa kwartong malapit sa amin.

Naramdaman ko ang pag upo ni Xavion sa tabi ko, mahina niyang pinisil ang aking kamay. "I love you." 

Muling kumirot ang puso ko doon. "I love you too." 

"Pero, Ate. Antok pa ako!" lumabas si Xashna sa kwarto buhat ang isang maliit na batang babae, nakanguso ito habang nakahilig sa ulo ni Xashna. 

"Aalis na tayo, bebe girl!" nagningning ang mata ng bata, bahagyang tumagilid ang ulo nito nang magtama ang paningin namin, nginitian ko siya. 

"Ate, who is she?" itinuro niya ako, ngumiti si Xashna. "That's Kuya's girlfriend, Asha." 

Asha's eyes widened, pinilit niya si Xashana na ibaba siya at saka patakbong lumapit sa akin. Nakangiti itong naglahad ng dalawang braso pataas sa harapan ko. Hindi naman siya ganoon kabigat nang buhatin ko siya. 

"Pwede ng magka-anak si Yvonne," nakangisi si Xion kay Xav. 

"Bagal mo, bro," gatong ni Xyrile, sinamaan niya lamang ang dalawang kapatid. 

"Soon, kapag kasal na kami," nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Right, Yvonne?" lumingon siya sa'kin, binalik ko ang ngiti sa mukha at marahang tumango.

"Right."

"Let's go," salubong sa amin ng Mommy nila paglabas ng kwarto kasunod niya ang matipunong lalaki na kasalukuyang niluluwagan ang necktie. 

"Asher," nagbabantang sabi ng kanilang nanay. Bumuntong hininga ang lalaki at tumikhim, inilibot niya ang paningin hanggang sa huminto iyon sa akin. 

"I'm Xavion's dad. And you are his girlfriend?" 

I gulped, nailang ako bigla, tumango na lang ako bilang pagsagot. "Yes po, nice to meet you po." 

Tinanggal niya ang paningin sa akin, kita ang pagsama ng tingin sa kaniya ni Xyrile habang ang kanilang Mommy ay malungkot na ngumiti sa akin.

Sumakay kami sa itim na Van at may personal driver sila. Katabi ko si Xavion sa likuran, sa kanan ko naman ay si Asha na katabi ng bintana. Kahit anong pilit sa kaniyang tumabi sa kanilang magulo, mas pinili niya na tumabi sa amin ni Xavion. 

"Yvonne, are you okay?" tanong ni Xavion, I nodded. 

"I am, Xav. Bakit?" inayos ko ang pagkakahiga ng ulo ni Asha sa aking hita. 

"You're lying," I stiffened, umiwas ako ng tingin at dumako sa bintana. 

"Xav, ayos lang ako. Inaantok lang," malambing kong sabi, I heard him sighed.

"Alright, then. Matulog ka muna," isinandal niya ang ulo ko sa kaniyang balikat. Pumikit ako at dinama ang marahan niyang paghimas sa aking balikat.

Sana sa susunod pang araw, magawa pa rin kitang hawakan.

"I love you, Yvonne."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status