CHAPTER 27 Helena Kelandra's POVIsang buwan nang nandito sa amin si Michael. Nang malaman ito nila Eshaan at Yuki ay doon na halos umuuwi at nag-bonding ang mga pinsan ko kasama ito.Napakasaya ng bawat lakad namin, nalibot namin ang iba't ibang pasyalan sa kamaynilaan. Nandoon si Michael nang magtapos si Hanna sa kolehiyo. Tumayo itong parent at kaming dalawa mismo ang nagsabit ng mga medalya at award na natanggap ni Hanna.Nandoon din sina Sir Nathan, Sheena, at ibang kaibigan nina Hanna at Yuki. Kumain kami sa isang kilalang seafood restaurant. Napakasaya ni Hanna, lalo na nang magsibigayan ng mga regalo ang mga kaibigan niya, pati na rin si Michael at ako. Nakatanggap siya ng mamahaling bag, laptop, at ang pinakahihintay niyang trip kasama ang mga kapatid sa Korea. Iyon ang regalo ni Yuki sa kaniya.Habang ako naman ay niregaluhan ko siya ng kaniyang paboritong libangan. Isang drumset. Mahilig itong tumugtog, simula pa nang bata ito ay nakahiligan nitong magpukpok ng de latang
CHAPTER 28 Helena Kelandra's POVHinihingal ako sa pagtakbo. Malayo na ako sa kanila, malayo sa nakita kong hindi ko inaasahan.Sino ba ang babaeng 'yon? Ba't para siyang linta kung makayakap kay Michael? Magdidilim na.Wala akong maaninag na tao o kabahayan sa aking paligid. Nasa gitna ako ng gubat. Hindi ko alam saan ako galing, tanging naaalala ko lang ay ang mga nagkalat na sanga sa daan.Gumapang ang takot sa aking katawan, lalo pa't ang tanging suot ko lang ngayon ay two-piece. The hell, Helena! Ano bang naisip mo at tumakbo ka sa liblib na dako ng kagubatan ngayon pa't gumagabi na. Humilata ako sa isang puno, nilinga ko ang paningin.Tanaw ko ang mayayabong na puno habang naririnig ang mga huni ng kulisap at iba't ibang ingay ng insekto. Yakap yakap ko ang aking tuhod. Paano na 'to, baka kung magpatuloy pa ako sa paglalakad ay mas mahirapan akong makabalik. Giniginaw na ako.Tanging iniisip ko ngayon ay ang inis sa aking sarili, hindi ko pinakinggan si Michael. Napaiyak ako s
CHAPTER 29 Simon Alcantara's POVNakahiga ako sa aking kama at naghihintay na lamang ng aking oras. Alam kong malapit na, malapit na akong mamahinga, malapit na akong mamayapa dito sa mundong ibabaw. Natutop ko ang sariling noo, at mariing pumikit. Nagbalik ang diwa ko sa nakaraan, kung saan nagsimula ang iringan ng grupong matagal ko nang pinakaiingatan.***Flashback
CHAPTER 30 Michael's POVKinapa ko ang aking telepono na nasa tabi ng aking higaan. Nakita ko ang tumatawag, si Dorotina. Napabalikwas ako at dali dali ko itong sinagot."Hello, Dorotina," bungad ko."Mike! He's getting worse," saad nito sa akin. Mangiyak-ngiyak ang boses nito. Nalaman ko ang punto ng pagtawag niya sa akin. Patungkol kay Sir Simon, lumulubha na ang kalagayan nito. Nakausap ko si Dorotina na kararating lang sa Pilipinas para sa isang meeting ng legalities sa isang branch ng LCDDR Inc. na nasa Palawan.Gusto nitong makipagkita at personal na makausap si Helena. Gustong ipapirma ni Dorotina ang isang papeles na naglalaman ng mga ari-arian ni Sir Simon, isa itong transfer of casualties ng ilang negosyo ni Sir Simon sa Espanya. Sakto namang susurpresahin ko si Helena sa darating na makalawa.Gusto kong pumunta kami sa Palawan dahil naiayos na ang renovation ng isang investment
CHAPTER 31 Helena Kelandra's POV"Oh, saan ka galing, hija?" bungad ni tyang Lourdes sa akin.Galing ako sa labas ng kwarto ni tyong Simon. Nakita ko ang lahat lahat. May namamagitan pa rin sa kanila ni Dorotina. Niyakap ko lang si tyang Lourdes at inanyaya ako sa loob ng banyo. Nag-usap kaming dalawa."Anong problema, hija?" tanong niya sa akin. Umiling ako. "Hindi ka pwedeng makita ng tyong Simon mo na ganiyan ka. Namamaga ang mata mo. Mas lalong makakasama sa lagay ng tiyo mo na makita kang malungkot," dagdag na paliwanag ni tyang sa akin."Kasi po, tyang, si Michael," salita ko pero narinig namin ang pagkatok mula sa labas ng pintuan ng banyo."Helena, let me explain. Mali ang iniisip mo!" boses nito sa labas. Tumingin si tyang Lourdes sa aking mga mata."Hija, hindi kayo pwedeng magkatuluyan ni Michael," seryosong saad niya sa akin. Rumehistro ang pagtataka sa mukha ko. Bakit?
CHAPTER 32 Helena Kelandra's POVMag-aalas sais na ng gabi nang bumalik ako sa hospital. Napakagaan ng loob ko. Naibsan ang aking problema nang matapos kong iiyak at ipangumpisal sa simbahan ng Basilica ang lahat lahat ng aking saloobin. Matapos magsimba ay kumain kami nina Sheena at Steve sa isang restaurant na may Filipino Cuisine. Na-miss ko bigla ang paborito kong karekare ni Aling Bebang.Napasarap ang kain ko, parang gutom na gutom ako. Marami kaming pinag-usapan ni Sheena. Sa tagal ba naman na nagkahiwalay kami. Nalaman ko na sa Las Casas de Dios sila naka-check-in.Masaya ako para sa dalawa, sa susunod na buwan na pala ang kasal ng mga ito. Napili nilang maging beach wedding ang theme dahil pareho silang beach lover. Nakikita ko ang sarili ko at si Michael sa kanilang dalawa. Napag-usapan din namin ang hotel corporate business ng uncle Simon ko. Hindi sila makapaniwala na ang tiyo Simon ko ang n
CHAPTER 33 Helena Kelandra's POV Isang buwan na ang nakalipas nang maiburol at mai-cremate namin si tiyo Simon sa Espanya. Pinili niyang i-cremate ang katawan nito at isaboy sa kaniyang resort. Ito ang hiling niya bago siya bawian ng buhay. Sa pamamagitan nito, nasa lugar pa rin siya ng kaniyang minamahal, ang Espanya. Gayundin ang ginawa nila sa naging asawa nito. Sa mismong baybayin, sa kanilang paboritong lugar, ang Las Casas de Dios. Nasa bukana ako ng eleganteng veranda ng mini bar sa Las Casas.
CHAPTER 34 Michael's POVMasinsinan kaming nag-uusap noon ni mama. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman. Sumisikip ang loob ko dahil sa mga nalaman. And it's fucking annoying! Nakakainis!Nanatili akong wala sa sarili sa oras na iyon."I'm sorry, anak," saad ni mama sa bawat hikbi niya. Now I know the truth. Alam ko na ang mga sikreto ng aking pagkatao. Sinabi ni mama ang lahat lahat sa akin. Ang kwento ng una nilang pagkikita ni papa Damian. Ang sikretong itinago niya nang napakatagal na panahon."Anak, patawarin mo ako sa inilihim ko sa 'yo. Aaminin ko na ngayon, hindi mo tunay na papa si Damian. Nagsinungaling ako sa kaniya. Dalawang taon noon sina ate Charmaine at ate Charmelaine mo nang itinago ko sila sa papa mo. Iniwan ko sila sa probinsya ng Davao, sa lola Hermosa mo. Namasukan ako sa Manila, naging katrabaho ko sa kompanya si Damian, naging magka