MATAPOS ang maghapong trabaho ni Devina ay kaagad siyang umuwi sa bahay kung saan alam niyang pagdadalhan sa kaniyang Lolo. “Where is he?” Agad na tanong niya kila Jeydon ng sumalubong sa kaniya ang dalaga. Halos sabay sila na dumating ni Sophia sa private house ng mga Cullen. Pinasunod sila ni Jeydon dito at huminto sa isang kwarto sa ibaba ng bahay. Sinadya nila na sa ibaba lamang ilagay ang kwarto para hindi ito mahirapan. “Kanina ay umiiyak siya. Medyo na-late kasi kami ng dating dahil kay Sophia,” Sinamaan ng tingin ni Sophia si Travis dahil sa sinabi nito. “Anong ako?! Ikaw kaya! Masyado ka kasing mayabang! Akala mo alam mo na ang lahat,” Napailing nalamang si Jeydon dahil sa pag-aaway ng dalawa. Nagmula ng maging close nila ang mga ito ay hindi na natigil sa pag-aaway ang dalawa. Si Devina naman ay hindi sila pinansin at deretsyo siyang lumapit sa Lolo niya. “G-Grandpa...” kusang tumulo ang luha niya’t lumuhod siya upang mahalikan ang kamay nito. Hinding-hindi ni
DEVINA HINDI ako papayag na mabali wala lahat ng plano namin. Tumayo ako ng maayos at blangkong tinignan si Valentine. “Dahil lang sa amoy ko’t nakita mo kaming magkasama ni David ako na agad si ate Devina? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako si ate Devina! Gusto mo ba ay tawagan ko siya ngayon ‘din para maiharap ko siya sa’yo?” Kita ko ang naguguluhang muka ni Valentine hanggang sa mapasabunot siya sa kaniyang buhok. Anong nangyayari sa kaniya? Ibig sabihin totoo na mahal niya talaga ako? Totoo lahat ng sinasabi niya saakin tuwing nagtatanong siya tungkol saakin? How pity. “H-Hindi... Alam ko na ikaw talaga ‘yan Devina... Magkausap kayo ng daddy mo—” “Kausap niya ako dahil sa asawa mong si Kristin. Sinampal niya ako dahil sa ginawa ko sa asawa mo. Swerte pa nga ako na hindi ako sinampal ng asawa niya diba?” natahimik si Valentine dahil sa sinabi ko kaya nalangisi ako ng palihim, napaniwala ko siya. “Mag-isip ka ng mabuti Valentine, magkaiba kami ni ate Devina. Kung Ma
“’Yun lang Papa?! Hindi pwede! Tanggalin niyo na ‘yan! Ang dami-daming architect jan!” “Tama ang anak ko Mr. Montoya, hahayaan niyo ba na palampasin ang ginawa niya sa anak ko na asawa ng anak mo?! Alam niyo bang kalat na kalat na ito sa buong opisina?! Nakakahiya!” Napakuyom ako ng kamao dahil sa aking naririnig. Ngunit kahit ganoon ay taas noo pa ‘rin akong naglalakad at hindi nagpapakita ng kahit na anong kahinaan. “Sandali ho, bakit po kayo nandito—” napahinto sa pagsasalita ang secretary ni Valentine ng iharap ng pulis ang dala nitong warrant of arrest. Dere-deretsyo ito sa pagpasok sa loob at naiwan ako sa labas at kita ko ang gulat na tingin saakin ng secretary ni Valentine. He knows me huh? “This will take a munite Mr.Secretary,” ngiti kong sabi at narinig ko na ang cue ko para pumasok kaya iniwan ko na siya doon. “B-Bitawan niyo ako!” “Bitawan niyo ang anak ko! Wala siyang kasalanan!” Nakita ko na nagwawala si Kristin at si Daddy, kapwa pinipigilan ang tatlong
“DEVINA!” Napahinto sa paglalakad si Devina dahil sa tumawag sa kaniya. Kilala na niya ang boses niyon at sigurado siyang si Valentine ito. Napatingin siya sa kaniyang gilid at nakita niyang nagulat ang secretary ni Valentine sa pagtingin niya. Binigyan niya ito ng isang ngiti na ikinabalik nito sa kaniya ng alanganing ngiti. “D-Devina, ikaw ba ‘yan?” Napairap siya bigla dahil doon. Ang point nga kaya siya nagpakita na ay para malito ito. Maya-maya ay nagulat siya ng biglang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Naramdaman niya ang pag amoy sa kaniyang leeg ng lalaki na ikinatayo ng kaniyang balahibo. Mabilis na kumilos ang kamay niya para sa lalaki ngunit naging maagap ito’t nasalo iyon na naging dahilan para magkaharap na sila ngayon. “Ikaw nga Devina, sawa ka na bang magpanggap bilang kapatid mo?” seryosong sabi ni Valentine habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Pinanliitan niya ng tingin ito dahil doon. “Kailan pa ako nagpanggap bilang si Adeline? Wala ako dito s
“WHAT?!” Bulalas na tanong ni Kristin na ikinatingin ng karamihan ng tao na kasama nila sa visiting area ng prisinto na kinaroroonan nila. “What are you looking at?!” Inis na sigaw nito na ikinaiwas naman ng mga tao. “Kristin kumalma ka. Baka lalong sumama ang public figure mo.” “Paanong ako kakalma attorney?! Ang lakas ng loob ng Devina na ‘yang kunin ang asawa ko! Ipapakilala pa ang anak nila sa labas! Hindi ko palalagpasin ‘yun! Ako ang asawa attorney! Ako si Mrs. Montoya!” Napailing nalamang ang attorney ni Kritin dahil sa narinig. Kumuha ang babae ng isang private investigator at ang kaniyang attorney ang nakikipag-ugnayan dito para magbigay ng balita sa kanila. At ngayon nga ay kakukuha lang nito ng impormasyon tungkol sa pagkikita ng mga ito. “Attorney hindi ako papayag! Hindi ako papayag na maging masaya sila habang ako nandito sa kulungan! Ang bwisit na Devina na ‘yan!” napakuyom ng kamao si Kristin sa sobrang galit niya. “Anong gusto mong gawin natin? Kapag nahu
DEVINA “DEVINA, calm down okay? Calm down.” “P-Paano ako kakalma Valentine?! Anak ko ang nawawala! Bakit hindi pa ‘rin siya makita hanggang ngayon?!” Iyak kong sabi kay Valentine dahil simula ng puntahan ko siya sa restaurant na pinag-usapan namin ay kaagad naming hinanap si David. Hindi ko na alam ang gagawin, Isang oras nang nawawala si David at kahit kaunting clue tungkol sa kaniya ay wala. Hindi ‘rin namin makuha ang CCTV footage dahil mayroon ‘daw nagbura nito. Sigurado akong si Kristin ang may kagagawan nito! Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at pilit na hinarap ang muka ko sa kaniyang muka dahilan para magkatitigan kami. “Look at me Devina, he will be found. Makikita ‘din natin si David okay?” Napatitg ako sa mata ni Valentine dahil doon. Sa unang pagkakataon ay nakita kong muli ang Valentine na nakausap ko noong panahon na malaman kong buntis ako. “Do you understand me? Mahahanap ‘din natin si David.” Hindi ko alam kung bakit tumango ak
“SIGURADO ka na ba dito Devina? Paano kung umasa ka lang at hindi naman pala iyon totoo?” “Wala akong pakialam Jeydon. Gusto ko ay makakuha ng impormasyon, o kung siya ba talaga si Arabelle.” Rinig ko ang buntong hininga ni Jeydon habang nagmamaneho. Hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang address na ibinigay saakin ng private investigator ko. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang orphanage at napakaraming bata sa labas ng bahay na iyon. “May mag-aampon!” “Sabihin niyo kay sister bilis!” “Hello po!” Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa sobrang bibo nila. Nakikita ko na gusto na nilang magkaroon ng pamilya, pamilya na tatratuhin sila na totoong pamilya. Bigla akong nalungkot dahil doon. “Hello there kids, gusto lang namin makausap ang namumuno sa orphanage na ito. Pwede ba namin siyang makausap?” Ngiting tanong ni Jeydon sa mga ito. “Opo! Dito po tayo!” Hinila kami ng mga ito papasok sa loob at maya-maya pa’y nakita namin ang nasa limang sister at hinarap kami.
VALENTINE PAGKAHATID ko sa mag-ina ko sa kanilang bahay ay deretsyo akong bumalik sa condo ni Travis. Naabutan ko na andoon na si Vincent ngunit hindi mo muna siya pinansin at sinapak ko si Travis. “What the hvck bro?!” Sabi ni Vincent ngunit diko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagsapak aa kaniya. Kung hindi pa ako inilayo ni Vincent ay baka bugbog sarado na talaga saakin si Travis. “Val, ano ba?! Tama na!” “Bitawan mo ako Vincent! He deserves it! Tinago niya saakin ang mag-ina ko!” Natigilan si Vincent sa sinabi ko kung kaya nabitawan niya ako. Muli akong lumapit kay Travis at pinagsusuntok ito hanggang mapahiga na siya sa sahig na hindi manlang lumaban. “All this time Travis?! Kayong dalawa ni Vincent ang nakaka-alam ng lahat! But look what you did!” Muli ay inawat na ako ni Vincent kung kaya nagpadala na ako habang tinitignan ng masama si Travis. “Subukan mo pang maglihim saakin, hindi ko na kikilalanin na kaibigan kita!” Kumalas ako sa pagkakahawak ni Vincent