“DEVINA!” Napahinto sa paglalakad si Devina dahil sa tumawag sa kaniya. Kilala na niya ang boses niyon at sigurado siyang si Valentine ito. Napatingin siya sa kaniyang gilid at nakita niyang nagulat ang secretary ni Valentine sa pagtingin niya. Binigyan niya ito ng isang ngiti na ikinabalik nito sa kaniya ng alanganing ngiti. “D-Devina, ikaw ba ‘yan?” Napairap siya bigla dahil doon. Ang point nga kaya siya nagpakita na ay para malito ito. Maya-maya ay nagulat siya ng biglang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Naramdaman niya ang pag amoy sa kaniyang leeg ng lalaki na ikinatayo ng kaniyang balahibo. Mabilis na kumilos ang kamay niya para sa lalaki ngunit naging maagap ito’t nasalo iyon na naging dahilan para magkaharap na sila ngayon. “Ikaw nga Devina, sawa ka na bang magpanggap bilang kapatid mo?” seryosong sabi ni Valentine habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Pinanliitan niya ng tingin ito dahil doon. “Kailan pa ako nagpanggap bilang si Adeline? Wala ako dito s
“WHAT?!” Bulalas na tanong ni Kristin na ikinatingin ng karamihan ng tao na kasama nila sa visiting area ng prisinto na kinaroroonan nila. “What are you looking at?!” Inis na sigaw nito na ikinaiwas naman ng mga tao. “Kristin kumalma ka. Baka lalong sumama ang public figure mo.” “Paanong ako kakalma attorney?! Ang lakas ng loob ng Devina na ‘yang kunin ang asawa ko! Ipapakilala pa ang anak nila sa labas! Hindi ko palalagpasin ‘yun! Ako ang asawa attorney! Ako si Mrs. Montoya!” Napailing nalamang ang attorney ni Kritin dahil sa narinig. Kumuha ang babae ng isang private investigator at ang kaniyang attorney ang nakikipag-ugnayan dito para magbigay ng balita sa kanila. At ngayon nga ay kakukuha lang nito ng impormasyon tungkol sa pagkikita ng mga ito. “Attorney hindi ako papayag! Hindi ako papayag na maging masaya sila habang ako nandito sa kulungan! Ang bwisit na Devina na ‘yan!” napakuyom ng kamao si Kristin sa sobrang galit niya. “Anong gusto mong gawin natin? Kapag nahu
DEVINA “DEVINA, calm down okay? Calm down.” “P-Paano ako kakalma Valentine?! Anak ko ang nawawala! Bakit hindi pa ‘rin siya makita hanggang ngayon?!” Iyak kong sabi kay Valentine dahil simula ng puntahan ko siya sa restaurant na pinag-usapan namin ay kaagad naming hinanap si David. Hindi ko na alam ang gagawin, Isang oras nang nawawala si David at kahit kaunting clue tungkol sa kaniya ay wala. Hindi ‘rin namin makuha ang CCTV footage dahil mayroon ‘daw nagbura nito. Sigurado akong si Kristin ang may kagagawan nito! Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at pilit na hinarap ang muka ko sa kaniyang muka dahilan para magkatitigan kami. “Look at me Devina, he will be found. Makikita ‘din natin si David okay?” Napatitg ako sa mata ni Valentine dahil doon. Sa unang pagkakataon ay nakita kong muli ang Valentine na nakausap ko noong panahon na malaman kong buntis ako. “Do you understand me? Mahahanap ‘din natin si David.” Hindi ko alam kung bakit tumango ak
“SIGURADO ka na ba dito Devina? Paano kung umasa ka lang at hindi naman pala iyon totoo?” “Wala akong pakialam Jeydon. Gusto ko ay makakuha ng impormasyon, o kung siya ba talaga si Arabelle.” Rinig ko ang buntong hininga ni Jeydon habang nagmamaneho. Hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang address na ibinigay saakin ng private investigator ko. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang orphanage at napakaraming bata sa labas ng bahay na iyon. “May mag-aampon!” “Sabihin niyo kay sister bilis!” “Hello po!” Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa sobrang bibo nila. Nakikita ko na gusto na nilang magkaroon ng pamilya, pamilya na tatratuhin sila na totoong pamilya. Bigla akong nalungkot dahil doon. “Hello there kids, gusto lang namin makausap ang namumuno sa orphanage na ito. Pwede ba namin siyang makausap?” Ngiting tanong ni Jeydon sa mga ito. “Opo! Dito po tayo!” Hinila kami ng mga ito papasok sa loob at maya-maya pa’y nakita namin ang nasa limang sister at hinarap kami.
VALENTINE PAGKAHATID ko sa mag-ina ko sa kanilang bahay ay deretsyo akong bumalik sa condo ni Travis. Naabutan ko na andoon na si Vincent ngunit hindi mo muna siya pinansin at sinapak ko si Travis. “What the hvck bro?!” Sabi ni Vincent ngunit diko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagsapak aa kaniya. Kung hindi pa ako inilayo ni Vincent ay baka bugbog sarado na talaga saakin si Travis. “Val, ano ba?! Tama na!” “Bitawan mo ako Vincent! He deserves it! Tinago niya saakin ang mag-ina ko!” Natigilan si Vincent sa sinabi ko kung kaya nabitawan niya ako. Muli akong lumapit kay Travis at pinagsusuntok ito hanggang mapahiga na siya sa sahig na hindi manlang lumaban. “All this time Travis?! Kayong dalawa ni Vincent ang nakaka-alam ng lahat! But look what you did!” Muli ay inawat na ako ni Vincent kung kaya nagpadala na ako habang tinitignan ng masama si Travis. “Subukan mo pang maglihim saakin, hindi ko na kikilalanin na kaibigan kita!” Kumalas ako sa pagkakahawak ni Vincent
“SAAN niyo ako dadalhin?!” Hindi pinansin ng dalawang pulis si Kristin kung kaya kulang nalang ay sampalin niya ang mga ito dahil sa sobrang inis. Kung wala lang siyang posas ay malamang ginawa na niya ito. Pumasok sila sa isang silid at doon ay nakita niya ang isang nakatalikod habang nakaupo sa isang swivel chair at ng tinignan niya ang paligid ay mukang kwarto iyon ng isang mataas na opisyal sa pagkapulis. “Devina?!” Ngunit laking gulat niya ng humarap ito sa kaniya ay ang nakangising muka ni Devina ang nakita. “Ako nga Kristin, wala ng iba pa. Maupo ka,” pag-aya nito sa kaniya ngunit nagmatigas siya dito. “No way! Bakit mo ako pinadala dito?! At bakit nakaupo ka jan?!” Nakita niya ang pagtango ni Devina na ikinataka niya. Hindi siya nakakuha ng sagot dito bagkus nagulat siya ng sapilitan siyang iupo ng dalawang pulis sa harapang upuan nito. “Ano ba ito?! Lalabas na ako dito!” tatayo na sana siya ngunit hinawakan siya sa magkabilang balikat ng dalawang pulis kaya napaba
MALAKAS na sampal ang natamo ni Kristin sa kaniyang ina. Napabagsak ito sa sahig dahil sa lakas habang siya ay umiiyak. Nasa loob sila ngayon ng isang kwarto kasama ang kaniyang ama at ina. Kung kanina ay siya ang nakaposas ngayon ay ang ama na niya. “M-Mommy... Sorry po! H-Hindi ko ginusto—” “Anong hindi ginusto?! Hindi mo ginusto na ilipat sa daddy mo ang kaso?! Pinatunayan mo lang sa lahat na siya ang masama!” Napayuko si Kristin at napakuyom ang kamao. Tumayo ang daddy niya’t pinigilan ang asawa na tumabi naman. Napansin ni Kristin ang pares ng paa nito kung kaya dali-dali siya muling tumayo at humingi ng tawad dito. “D-Daddy... Sorry po! H-hindi ko po ginusto—” Muli ay napabagsak si Kristin sa sahig pero this time ay may dugo ng lumabas sa kaniyang bibig dahil sa paghampas nito ng kamay na mayroong posas. “Hindi ko inakalang uto-uto ka pala Kristin. Alam kong inulit niya ang nakaraan at nagpadala ka naman? Ang laki mong tanga. Hindi kita pinalaki para maging tanga at su
“VALENTINE!” Sigaw na tawag ko ng bigla nalang niyang suntukin si Travis na yakap ako kanina. Parang na-udlot tuloy ang luha ko dahil sa nangyari. Agad akong lumapit kay Travis upang tulungan ito na makatayo. “Ano bang problema mo?! Bakit bigla-bigla ka nalang nanununtok?!” Muli kong sigaw sa kaniya habang masama pa ‘rin ang tingin kay Travis. “Anong problema ko?! Siya! Ikaw Travis! Pinagkatiwalaan kita pero bakit pati si Devina ay inaagaw mo saakin?!” Kusang napakunot ang noo ko dahil sa narinig. Kailan pa ako naging kaniya? “V-Val, hindi totoo—” “Hindi totoo ito?! At itong kakikita ko palang sa inyo?! Alam mo ang totoo Travis noon pa!” mayroon siyang isinaboy na larawan saamin kung kaya pinulot ko ang isa. Lalong napakunot ang noo ko ng makita ko ang larawan nitong mga nakaraang araw. Noong mga araw na down na down ako dahil sa balitang nakuha namin. Ilang araw na ang nakakaraan ng mahanap namin si Arabelle. Ang akala ko’y magiging masaya na kami sa oras na makita na nami