KINAKABAHAN si Jeydon habang nakasunod kay Devina at sa mga kasamahan nito na nakasunod sa taong gustong tumugis sa huhay ng kaniyang pamangkin. Ayaw niyang mag-isip ng masama ngunit bakit tila ganoon ang nararamdaman niya. Tila mayroong mangyayaring masama na hindi niya magugustuhan. Tanging ang liwanag ng buwan ang kaniyang nagagamit sa pagsunod sa anino ng mga ito. Sunod-sunod ‘din ang putok ng silencer ng kaniyang naririnig kaya mas lalo siyang kinakabahan at baka madagdagan ang tama ng baril ng babae. Samantalang si Devina naman ay napahinto ng makitang mapabada ang kaniyang hinahabol matapos niya iyong tamaan sa binti. “Wala ka ng takas!” sigaw ng kasama niya at pinalibutan ang taong iyon. Wala siyang buhay na bakatingin sa taong gustong tumugis sa buhay niya at kita niya itong mayroong takip sa muka habang ang mga mata nito ay matalim na nakatingin sa kaniya. “Sinong nag-utos sa’yo? Alam kong kabilang ka sa grupo namin!” sabi ni Devina sa taong iyon na ikinagulat ng mg
SHEILA “BAKIT mo naman binaril?!” Napapitlag ako ng sumigaw si Travis saakin habang inaasikaso si Devina na wala ng malay ngayon at puro sugat ang katawan. “H-hindi ko alam na tinamaan ko pala siya! Madilim kasi at kinakabahan ako! Nandoon si Jyedon eh!” Hindi ko talaga alam! Basta ang alam ko dumulas ang kamay ko niyon at natigilan nalang ‘din ako ng makita ko siyang duguan. Ang plano namin ay magpapaputok lang ako sa paligid nila at tatakbo papunta sa may bangin kung saan andoon si Travis na naghihintay saamin. Dahil na ‘rin sa madilim alam ni Devina na hindi kami makikita kung sakaling may sumalo saaming dalawa. Ang kaso nabaliktad ang lahat! Tinamaan ko siya. Napahigpit ang kapit ko sa dalawang kamay kong nanginginig dahil sa aking nagawa. “T-travis magiging ayos naman siya diba?” tayong tanong ko ng lumapit ako sa kinalalagyan nila. “Masyadong malalim ang tama niya at marami ng dugong nawala. Mahihirapan ako pero alam kong kaya kong alisin ang bala,” Napatango ako sa
“Valentine tama na! Kung nawawala si Devina hindi maganda na pati tayo ay mag-away-away! Walang kasalanan kahit na sino saatin dahil biglaan ang nangyari. Alam na natin na hindi ligtas ang paligid kaya ang mahalaga ngayon ay mahanap natin agad siya!” Mukang natauhan naman ni Valentine dahil sa sinabi ko. Napasabunot pa siya sa kaniyang buhok habang ako ay agad na inalalayan si Jeydon. “Ayos ka lang?” alala kong tanong na ikinatango naman niya saakin. “Master Jeydon! Master Jeydon!” sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok ang isang lalaki doon. “May natagpuan na isang sunog na katawan! At nakita namin itong gamit na ito,” Dali-daling kinuha ni Jeydon ang nasa isang plastic na lalagyan at napatakip naman ako ng bibig dahil doon. “J-jeydon—” napatigil ako sa pagsasalita ng humarap siya saakin at umiling. “Hindi! Hindi si Devina ‘yun Sheila!” “Tama si Jeydon. Hindi ang asawa ko ‘yan! Dalhin mo kami sa katawan,” napatingin ‘din ako kay Valentine ng sabihin niya iyo
VALENTINE “SUSUNDAN ko si Sheila,” Napaangat ako ng tingin kay Jeydon ng bigla itong magsalita. Nakatingin siya ngayon sa pinto kung saan dumaan si Sheila kanina. Nagpaalam saamin ito na mayroong aasikasuhin. Muli akong napatingin kay Jeydon at binigyan siya ng nagtatakang tingin. “Kilala ko si Sheila, Valentine. Kilala namin siya ni Devina,” tama naman ang sinabi niya. Katulad ng kwento niya saakin noong araw na dalhin niya ako dito. Nagpasiya kami na magtulungan upang matalo si lolo. Noong malaman ko na siya ang leader ng Guild kasama si Devina ay hindi ako makapaniwala. Bakit nga ba masyado kong minaliit ang mga Cullen, kasama sila sa mga mayayamang pamilya na kilala sa mundo. “A-ano pa bang gusto mong alamin Jeydon?! Wala na si Devina! Wala na ang asawa ko!” napatingin siya saakin dahil sa sinabi ko. Hindi ko nanaman napigilan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. “Tayo lang ang nakaka-alam na nawawala si Devina at dalawang araw na siyang nawawala magmula ng mawala
“Hayaan mo na siya, sisiguraduhin kong tatalunin natin siya sa labanan.” Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang at sumunod dito. Tahimik lang kami naglalakad pabalik sa kotse habang ako naman ay hindi na nagtanong pa dahil mukang alam ko na ang sagot. Nang makapasok kami sa loob ay tahimik lang na nagmamaneho si Jeydon. Napasandal ako mula sa kinauupuan ko’t napapikit. Ang laki ng kasalanan namin. Ang laki ng kasalanan namin kay lolo. “Si Sheila ang nagtangka sa buhay ni Devina, nakumpirma ko mismo sa kaniya,” napadilat ako dahil sa sinabi niya at napalingon sa kinauupuan niya. Kita ko ang higpit ng pagakakakapit niya sa manibela. “I can’t help but to get mad at her, I trusted her. I fvcking trusted her!” bigla niyang pinalo ang maniblea na ikinalaki ng mata ko dahil nawala sa kontrol ang kotse. “Gag* ka ba Jeydon?! Kung gusto mong magpakamatay ibaba mo muna ako! Ayusin mo nga pagmamaneho mo!” Mukang naintindihan naman niya ang sinabi ko dahil umayos na siya ng kaniyang
DEVINA “BAKIT hanggang ngayon wala pa ‘rin si tito?” Napatingin ako kay Sheila ng magsalita ito. Ibinaba ko ang iniinom ko na tyaa at umiling sa kaniya. “Wala ka bang tiwala kay lolo? Babalik ‘din ‘yun,” tinignan niya lang ako nang sabihin ko ‘yun kaya napailing ako at tumingin kay Travis na nakaupo sa tabi nito at mayroong kinakalikot sa laptop nito. “Travis, how is it?” “Wala pa namang ginagawang kilos si Jules,” napatango ako dahil sa sinabi niya. Inutusan ko kasi itong imonitor ang underground at baka mamaya magulat nalang kami kapag sumugod ito. Although alam ko na may tama siya ng bala sa kamay ngayon kaya siguradong hindi siya basta-basta susugod kahit na nabisto na siya ni Valentine. Napasandal ako sa aking kinauupuan ng maalala ko nanaman si Valentine. Siguradong iyak ng iyak ‘yun dahil akala niya wala na ako. “Naihanda ko na ang mga bomb,” napatingin akong muli kay Travis at napaayos ng aking upo. “Mayroon na tayong tatlo. Isa sa west, isa sa south at sa east. H
“HUSBAND, can you help me? Mayroon pa akong isang tao na kailangang hingan ng tawad,” “Of course, wife. Siguradong matutuwa siya kapag nakita ka,” Kanina pa ako kinakabahan habang nag-aabang dito sa kwarto namin ni Valentine. Nandito pa ‘rin kami sa bahay ni lolo at inaabangan ko siya na bumalik kasama si Jeydon. Nag-request kasi ako sa kaniya na dalhin niya dito si Jeydon para personal ko siyang makausap at humingi ng tawad. Napatayo ako ng biglang may kumatok at maya-maya ay bumukas ang pinto’t nakita ko si Valentine kasama si Jeydon. Katulad ni Valentine kanina ay natigilan siya ng makita ako kaya napangiti ako’t ibinuka ang aking mga braso. “D-devina! I knew it! You are alive!” tumakbo siya papunta saakin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya kung kaya hinagod ko naman ang likuran niya upang pakalmahin siya. “Sorry, Jeydon. Kinailangan naming gawin ‘yun ni Sheila para maniwala si Jules,” bigla siyang humiwalay saakin at pinitik ang noo ko
HINDI maiwasan ni na magtaka dahil ganoon kadali lang nilang natalo ang based ni Jules sa underground. At dahil na ‘rin sa gulong nangyayari ay lahat ng transaction ng araw na iyon ay natigil at maging ang ibang grupo ay hindi magawang makakilos ng maayos dahil sa grupo ng kanilang dating emperor. “Boss!” Parehong silang napalingon ng lolo ni Valentine dahil sa dumating. Kita nila na mayroon itong hawak na isang lalaki na bugbog sarado na at may tama sa tiyan ng bala in short naghihingalo na. “What is this?” malamig na tanong ng lolo ni Valentine. “Mayroon kaming nakuhang impormasyon sa kaniya, magsalita ka!” hinampas ng lalaki ang muka ng kaniyang bihag na ikinadura nito ng dugo at maya-maya ay tumawa ng malakas. Napatingin si Jeydon sa lolo ni Valentine dahil doon. “I can sense it, may mali…” mahinang bulong niya dito na ikinatingin lang sa kaniya ng matanda. Maya-maya ay naglakad ito palapit doon sa lalaking tumatawa. Pabalang niyang hinawakan ang buhok nito upang magpan