“ANONG sinasabi mo Aria?! Ang sabi mo saakin mayroong kinuhang mahalaga sa’yo ang mga Cullen kaya gusto mo silang labanan!” Napatingin sila kay Thomas ng bigla nalamang itong sumigaw. “Mayroon nga, si Jeydon ang tinutukoy ko Thomas. Hindi ko sinabi sa’yo dahil alam kong hindi ka maniniwala saakin dahil puno ng galit ang puso mo,” Napakunot ang noo ni Thomas dahil sa sinabi ni Aria na siyang ikinatayo ni Sophia. Alam niya ang kwento tungkol sa nakaraan ng kaniyang nobyo kaya alam niya na kapag tungkol doon ang usapan ay ma-ti-trigger ito at baka hindi makontrol ang kaniyang sarili. “Mahal, kumalma ka… Pakinggan muna natin si Aria,” pigil na sabi niya dito habang hawak ang braso ng kaniyang nobyo ngunit umiling lang sa kaniya ang lalaki at deretsyo pa ‘rin na nakatingin kay Aria habang masama ang tingin. “No! Kailangan kong malaman ang totoo! So, you have been deceiving us all this time?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Aria na ikinabuntong hininga naman nito. Hindi na nap
(FLASHBACK OF THOMAS PAST) NAPADILAT ako nang maramdaman ko ang kakaibang bagay na nakadikit sa aking katawan. Pakiramdam ko ay wala akong lakas, namamanhid ‘din ang aking kamay at hindi ko maigalaw. Ang aking paa naman ay maayos kong nagagalaw ngunit hindi sapat para ako ay makatayo. Nakita ko ang Liwanag sa aking itaas, ang mga ilaw na iyon ay kakaiba. Bigla nalamang akong nakaramdam ng takot ng maalala ang nangyari. Kusang tumulo ang luha ko at wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Ilang beses nang nangyayari saakin ang ganito pero ngayon kakaiba na dahil naaalala ko na ang lahat, naaalala ko na kung sino ako. Ako nga pala si Thomas Cullen, ilang buwan na ako dito sa lugar na ito at noong unang magising ako wala akong maalala. Pero ngayon na nakaka-alala na ako sana pala hindi nalang bumalik ang ala-ala ko. Sa totoo lang hindi talaga ako isang Cullen pero dahil kasal si mommy at si daddy Saint ay naging opisyal na Cullen na ‘din ako. Anak ako ni mommy sa ibang lalaki na ini
ANG sabi saakin ni Jeydon ay babalikan niya ako. Hindi ‘daw ako basta-basta pwedeng umalis dahil marami ang nagbabantay sa paligid. Nagtiwala naman ako sa kaniya dahil mas alam niya ang nasa labas keysa saakin. Ang alam ko lang ay itong mahabang hall way na ito at sa dulo niyon ay hindi ko na alam kung anong meron. Lumipas pa ang ilang araw at sawakas dumating na si Jeydon. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ngunit nahalata ko agad ang kakaiba niyang itsura. “Ayos ka lang ba Jeydon? Bakit parang pinagpapawisan ka?” napatingin siya saakin at tila mayroon siyang gustong sabihin pero umiling lang siya at nauna nang maglakad. Tingin ko ay kinakabahan lang ‘din siya tulad ko kaya ganoon kaya hinayaan ko nalang siya at tahimik kaming naglakad sa mahabang hallway. Maya maya ay nakalabas kami doon kaya napangiti ako ng malaki ngunit nawala iyon ng makita ko ang mataas na pader. “Paano tayo dadaan dito Jeydon?” lumingon ako sa likod ko pero nagulat ako ng mayroong mga lalaki na nakatutok
“Dahil kayo ang susunod na emperor at empress. Si Valentine ang tuturuan ko sila Thomas naman sa’yo, tyaka hindi sa pagsasanay na ganoon ang focus natin kundi kung paano umiikot ang underworld,” Literal na napanga-nga si Devina dahil sa sinabi ng lolo ni Valentine. Napatingin siya sa kaniyang katabi ngunit hindi tulad niya na gulat ang reaction nito kundi seryoso lamang. Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ni Valentine sa kaniyang kamay kung kaya napabuntong hininga siya. Bakit nga ba hindi agad pumasok sa isip niya na si Valentine ang susunod na tagapagmana ng underworld? Ngayon gets na niya kung bakit siya isinama ng lolo nito doon sa lugar na iyon noong panahong kalaban pa nila si Jules. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng isang tawag kung kaya kinuha niya ang kaniyang cell phone at sinagot iyon. “Hello?” biglang sumeryoso si Devina ng marinig niya ang sinabi ng nasa kabilang linya kaya natahimik ang nasa paligid niya. “Okay, tell her that I am coming home,” ibinaba na niya
“MADAM, tama nga ang hinala mo,” Balitang sabi ni Cornor kay Amanda ng makapasok ito sa loob ng kotse. Kagagaling lang nito sa ospital at kinausap o tamang mas sabihin na pinagbantaan niya ang doctor ni Valentine kung kaya wala itong nagawa kundi ang umamin ng katotohanan nito. “Hindi totoo na may amnesia si Valentine at ang apo niyo na si Jeydon mismo ang nag request niyon sa doctor,” Napakuyom ng kamao si Amanda dahil sa sinabing iyon ni Cornor. Hindi nga siya nagkamali, nagkaroon na siya ng hinala noong pinuntahan niya sa ospital si Valentine para sana kunin na ang apo niyang si Jenjen ngunit nakauwi na pala ang mga ito. Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay wala pa ‘rin sila kaya nanghinala na siya at tinawagan agad si Cornor para kausapina ang doctor ni Valentine. Nagkakataka siya na saan naman pupunta ang mga ito lalo na’t walang maalala si Valentine. At kagagaling lang nito sa ospital kaya kahina-hinala iyon sa kaniya. Ang buong akala niya ay hindi magagawnag kumanta ng kan
Samantalang si Devina naman ay napatingin sa kaniyang cell phone ng bigla nalang mawala sa kabilang linya si Kristin. Tulad noong huling tawag nito ay sinubukan niya muling tawagan ang babae ngunit nag ring lang ito at maya-maya ay biglang out of coverage na. Malinaw na ayaw na siyang kausapin pa ng babae kaya nito pinapatay ang tawag. “Si Kristin ba ‘yun? Anong sabi?” tanong ni Valentine sa kaniyang katabi. Nagmamaneho kasi ito ngayon papunta kung nasaan ang mga lolo nila at kung saan andoon si Thomas. Kasama nila ang magulang niya maging ang mga kaibigan nila para pagplanuhan ang tungkol sa pagligtas kay Jeydon. Naipaliwanag na ni Devina sa mga ito ang dahilan kung paano sila nagkitang muli ni Kristin at kung ano ang mga sinabi ng mga ito sa kaniya. Nagulat pa sila ng malaman na ito ang pumatay sa ama niya, noong una may idea na sila pero kahit na ganoon nakakagulat pa ‘rin malaman iyon lalo na kay Kristin pa nanggaling. Hindi nila maiwasan na manghinala sa babae ngunit si Devina
“PAANONG nangyari na nalaman nila nandoon si Jeydon?!” Galit na sigaw ni Amanda sa kaniyang mga tauhan nang makatakas sila sa bahay nila. Bigla nalamang dumating sila Thomas kasama ang mga tauhan nila at iniligtas si Jeydon. Nawala pa nag access nila sa CCTV mabuti nalang at agad na nakaisip ng paraan si Amanda para makatakas ngunit ang iniisip niya ay si Jeydon, siguradong nakuha na ng mga ito ang apo niya. “Sino ang sumugod satin!?” muli ay galit na tanong niya at lumapit kay Cornor na busy pa ‘rin sa computer. “Si Thomas, siya ang nagligtas kay Jeydon. Kasama niya ‘rin si Aria,” “What?!” gulat na sabi ng matanda at tumingin sa computer at doon nakita nila sa CCTV mula sa ibang bahay kalapit ng bahay nila sila Thomas at Aria. “Paanong buhay pa ang babaeng ‘yan at magkasama pa silang dalawa?! Dapat doon palang sa private island ay pinatay ko na ‘yang Thomas na ‘yan!” Sa sobrang galit ni Amanda ay inilaglag nito lahat ng gamit na makita niya. Walang nagtangkang pumigil sa kaniya
Sabay silang napalingon sa nagsalita at doon ay nakita nila si Devina kasama si Valentine, dali-dali itong tumakbo papunta sa gawi niya at niyakap siya ng mahigpit na ikinangiwi naman nito dahil sa sakit. “Ops! Sorry, hehe na-excite lang ako! Kumusta ang lagay mo? Masakit pa ‘rin ba?” natatawang tanong ni Devina na ikinailing ni Jeydon. “Wala ka talagang consideration ano? Alam mo namang kagagamot ko lang makadamba ka sobra-sobra e,” huminto na ‘rin sa pag-iyak si Jeydon dahil alam niya na hindi na siya nag-iisa ngayon. Pero dahil doon ay bigla niyang naalala ang kaniyang kapatid. Hindi siya pwedeng magkamali, nakita niya si Thomas. “S-sandali, nasaan si kuya Thomas? Nakita ko siya bago ako mawalan ng malay,” tumingin siya sa paligid niya at napako ang kaniyang mata sa lalaking nakatayo sa likuran ni Valentine. “K-kuya Thomas,” akala niya ay hindi na siya iiyak pero napaiyak nanaman siya ng makita ito. Tumabi si Valentine at Devina para bigyan ng space ang dalawa, ganoon ‘din an