Share

CHAPTER 2 - Miss Beauty and Brain

Caloy's Pov

"Mabistahan nga mamaya kung gaano kaganda yang chicks na sinasabi ninyong Beauty and Brain. Nakakaintriga eh." ngisi ni Gab habang nakapangalumbaba at nagsasalin ng alak sa baso nito.

Habang ako tahimik lang di nila alam naencounter ko na ang pinag-uusapan nila. Pero natigilan ako sa mga sumunod na sinabi ni Gab. Sa aming apat na magkakaibigan ito ang babaero parang nagpapalit lang ng damit kung makahanap ng babaeng kasama wala namang sineseryuso.

"Ang tahimik mo naman Caloy." pansin ni Gab sakin. "Pero pwera biro. Kapag nakita kong maganda yang chicks na sinasabi ninyo at pumasa sa panlasa ko. Babakuran ko na agad bibigyan ko kaagad ng trabaho at siya naman ang bahala sakin." dagdag pa ni Gab na nagpakulo ng dugo ko.

Naibagsak ko ang bote ng alak na hawak ko sa mesa na bahagya pang naalog buti nalang hinsi nabasag ang bote.

"Naku huli na ka na, I meet her kanina and she's already mine." tiim bagang na wika ko. "At Gab, akin yon wag mo nang ibilang sa mga babae mo, baka malint***n ka sakin." dagdag pa ni Caloy." duro ko sa kay Gab.

"Buds buds, easy lang okay?" pagpapakalma ni Arcie sakin dahil ito ang nasa tabi ko. "Magkakakampi tau dito, ano ka ba naman."dugtong pa niya.

"Ayun oh, nakita mo na pala tatahi-tahimik ka lang dyan? Madali naman akong kausap." natatawang sabi pa ni Gab pero naaalibadbaran pa rin ako sa kanya. "Mga buds mukhang may nakabingwit na sa pihikang uso ni Caloy ah mas malala pa ang pagka possessive nito kaysa dati sa ex niya." sabi pa sa mga kaibigan namin at sinabayan pa ng halakhak at palakpakan nila.

"Parang mga baliw lang, hindi nga kasi naging kami ng babaeng yon." irap ko sa kanilang na hindi lang nila pinansin.

"Pero matanong ko lang buds since nakita mo itong si Miss Beauty and brain Brain, totoo bang maganda at ano nga palang pangalan? Care to share naman." si Dwayne na halatang iniingatan ang pagtatanong baka nga naman maupakan ko kapag hindi inayos.

Pero natigilan ako sa tanong niya. Ano nga palang pangalan ng Honey my love so sweet ko?

"Sayang nga e, hindi ko na nagawang hingin. Tinawag na kasi ako ni Mang Ambo kanina at may buyer na naghahanap sakin. Pero malalaman ko rin ang pangalan niya, one of this days."

"Hina pala ng manok natin mga buds, pero matindi parin, mantakin mo, hindi pa alam ang pangalan sobrang possessive na." sabi pa ni Arcie habang tinatapik tapik ako sa balikat.

" Kaya ikaw Dwayne" tumingin pa ito kay Dwayne "Hindi na kailangang itanong kong maganda ba c Beauty and Brain na to kasi sure na yan, sa ikinikilos palang netong kaibigang natin e, isa nang malaking proof. Kasi tingnan mo nga mukhang tinamaan talaga itong si Caloy, partida hindi pa daw niya kilala kaya malamang hindi rin siya nakapagpakilala pero lakas na ng tama." Natatawa pang pahayag nito.

At nag apiran pa itong mga pasaway kong kaibigan. Nakisali narin ako. Ewan ko ba tong nararamdaman ko mukhang tama nga sila tinamaan talaga ako ng karisma ng babaeng yon, parang ginayuma yata ako. Ano kayang pangalang niya kasing amo at ganda kaya ng mukha niya. Sayang hindi man lang ako nakapagpakilala sa prinsesa. Hindi na ako makapag hintay na makita siyang muli kong pwede lang hilahin ang oras.

"Walang magpapakalasing ah, may mga trabaho pa tayo bukas." paalala ko sa mga kasama kong ako ang napagtripan.

.

.

.

.

.

.

.

Third Party Pov

"Magandang hapon po Aling Bing. Pabili nga pong softdrinks ."

"Anong softdrinks?

"Yong dati parin po, malamig na malamig po please, salamat."

"May iba ka pa bang gustong bilihin?" nagtatakang tanong ng matanda kay Caloy habang sinusundan ng tingin nito kung ano ang sinisilip nito.

"Ah ... Ano po,,, wa-wala na nman na po." kandauta-utal na sagot ni Caloy .

"Ano naman sa tingin mo ang ginagawa mo?" naguguluhang tanong ulit ni Aling Bing habang makapameywang.

" Tingin ka ng tingin dito sa loob kanina pa, kulang nalang sabihin mong papasok ka eh. Ang totoo nahihiya ka lang siguro magsabing papasok ka sa loob, para namn hindi na magkandahaba ang leeg mo sa kasisilip, nakakahiya naman sayo."

Kakamot kamot ng ulo si Caloy sa sinabi ng matanda,marahil nahiya. "Pasensya na po, masyado po bang obvious??? ngumisi pa.

" Ay hindi nman, halata lang." Dumukwang sa estante upang maabot si Caloy saka binatukan.

"Ay Aling Bing ah mapanakit lang? Child abuse po yang ginawa ninyo baka po nakakalimutan nyo? Baka po makulong kayo...Lagot kayo wala na kayong makikitang kasing gwapo ko sa kulungan." nang aasar na wika ni Caloy

"Naku kang bata ka, kahit kailan ka talaga puro ka kalokohan."

"Hindi na po ako bata.... marunong na nga pong gumawa na bata." Halos pabulong na bigkas nong huling prase na sinabi nia habang tumatawa.

"Umamin ka nga Caloy, si Remy ba ang sinisilip mo sa kusina?" nakapameywang ang matanda na animo'y ini interogate si Caloy.

Umasim naman mukha ni Caloy,

"Naku, hindi po." mabilis niyang sagot dito mukha pang nagulat sa sinabi ng kausap. Hinahanap ko po kasi ang Honey my love so sweet ko bubulong bulong pa niyang dugtong pero sya nalang halos ang nakakarinig.

"Tiyang naman bakit naman po nasama pa ako sa usapan nio... Nananahimik po ako dito."

"Ikaw lang naman ang tao sa loob na pwedeng silipin ng lalaking ito." inginuso pa ang kinaroroonan ni Caloy.

"Pinupormahan mo ba itong pamangkin kong Si Remy ha Caloy." kumpirma ng matanda.

"Tiyang naman eh, alam ko pong maganda ako." inartihan pa ang pagbigkas at hinawi ang buhok. " Pero sigurado po akong hindi ako ang pakay nyang si Caloy, masakit man ang katotohanan pero hindi niya type ang beauty ko at mas lalong hindi ko rin naman sya type." sabay irap kay Caloy.

"Eh, kong hindi ikaw? sino?." palipat lipat na tingin ng matanda sa dalawa.

"Hoy, Caloy alam ko naman hindi ako ang sinisilip mo, kaya umamin kana. Hiyang hiya naman ako sa ginagawa mo."

"Paano naman po kasi Tiyang wala talaga siyang masisilip dito, nag aksaya lang ng pagpapahaba ng leeg yan, kasi wala pa dito ang hinahanap niya, parating palang po yon."

Nagyuko naman ng ulo c Caloy, nahiya dahil nabisto na siya.

"Ang ibig mong sabihin....Naku, Caloy yong pamangkin pala ni Rene ang hinahanting mong lalaki ka, off limit pa un, sinasabi ko sayo masasaktan ka lang." Nahulaan kaagad ng matanda ang ipinupunto ni Remy.

"Ito lang Caloy ang masasabi ko sayo, wag mong paglalaruan ang pamangkin namin mataas ang pangarap non, kaya kong makakasagabal ka lang, wag mo ng ituloy."pakiusap nito.

Lagot kang Caloy ka hindi pa nga nalaman ang pangalan, mukhang wala na agad pag-asa, kamalas-malasan mo talaga.

"Aray ko naman po." sapo ang dibdib na akala mo naman literal na nasaktan."wala pa nga po akong ginagawa, basted na agad ng walang kalaban laban" sinabayan pa ng pagkakamot ng ulo."

"Ni hindi ko pa nga po alam ang pangalan. Wala na agad pag-asa."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status