Share

Chapter 12

Nang makarating kami ng sabay kung saan ang grupo niya ay tinitigan ko siya ng mabuti. Ngayon ko lang ito nakitang nagalit ng husto at napakaseryoso ang kaniyang mukha. Para bang napakalalim ng kaniyang iniisip. 

"Petrus, bakit mo ginawa 'yon?" nag-alala kong tanong sa kanya at may halo ring pagtataka.

Kinuha ko ang face towel niya at binigay sa kaniya. Inabot niya naman ito sa akin at mabilis na pinahid ang mga pawis niya. 

Kahit anong isipin ko ay wala akong makitang dahilan para makipag-away na lang siya ng ganu'n-gano'n lang. 

Alam kong mainitin ang ulo niya, masungit at suplado pero hindi ko pa siya nakitang nakipag-away kahit kailan. Hindi niya rin ugaling makipagbasag ulo. Hindi ko rin lubos na inakala kung bakit siya bigla-bigla na lang naubusan ng pasensiya. Lahat naman ng mga kasama niya ay nakikita kong nag-aalala rin. Lumapit sila amin at tinapik ang balikat ni Petrus. Ngunit hindi tumugon sa kanila si Petrus. 

"Capt

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status