Share

Chapter 27.1

PITONG ARAW ang dumaan. Nababalisa at hindi mapakali si Vesper sa pag-iisip kung ano nang lagay ni Myla. Isang linggo na pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nahahanap. Mahalaga ang bawat araw kay Vesper dahil walang katiyakan kung ano nang nangyayari sa kanyang anak.

Halos araw-arawin niya ang pagkatok sa silid ng kanyang ama para humingi ng report tungkol sa kaso. Makulit na siya kung makulit pero hindi siya masisisi nito dahil kahit sinong magulang na nasa sitwasyon niya ay baka ganito rin ang gagawin. Besides, she kept his promise of helping her even if it means losing her freedom to choose the man to end up with.

Kumatok siya ng tatlong beses at hindi na hinintay pang bigyan siya ni Dominic ng pahintulot na pumasok at basta niyang binuksan ang pinto. Naabutan niya ang matanda sa mesa na nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo gaya ng lagi nitong ginagawa noon. Hindi man lang ito nag-angat ng tingin kahit pa alam nito na nasa loob siya ng kwarto.

"Dad, wala pa rin bang lead ang mga tao
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status