Mendoza
Pagtawag ng isang malamig na boses mula sa speaker. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at inayos ang aking lamesa.
"Grabe ha, napapansin ko nitong mga nakaraan, trip na trip kang pahirapan ng boss natin," may panggigil na sabi ni Serah.
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ganyan talaga ang life minsan masarap madalas puro hirap." Pagsusumubok kong magbiro.
Napangiwi siya habang naiiling naman si Feya sa kanyang tabi.
"Hanga rin ako sa tatag mo, kung ako 'yan lilipat na ako sa ibang kumpanya," aniya.
I stood up from my seat and forced a smile again. "Wala naman kasi akong mataas na pinag-aralan kaya wala rin akong makikitang trabaho na malaki magpasahod katulad nito," mapait kong usal at namaalam na tumingin.
Naglakad ako patungo sa opisina ni Achetbir, kumatok muna ako ng tatlong beses 'tsaka marahang binuksan ang pinto. Nakita ko
Tulala akong naglakad patungo sa 'king pwesto at pabagsak na umupo."Uy, ayos ka lang?" tanong ni Serah.Marahan akong lumingon sa kanya at napalunok kasabay nang pamumuo ng aking luha. "H-Hindi ko alam," garalgal kong sagot.Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, si Feya naman ay napalingon din sa aking gawi sa gitna ng kanyang pagta-type sa kompyuter. Mabilis na tumayo ang dalawa 'tsaka ako mahigpit na niyakap."Nandito lang kami, Jandie," bulong ni Serah.Naramdaman ko ang paghagod ni Feya sa aking likod dahilan para pumatak ang mga luha kong pinipigilan mula pa kanina. Tahimik akong napahikbi kasabay nang pag-alala sa nakaraan nami
"Jands. Uy, Jandie."Nagising ako sa marahang pagtapik sa aking balikat. I opened my eyes slowly and saw Serah curiously looking at me."Okay ka lang?" may pag-aalala niyang tanong.Nangunot naman ang aking noo 'tsaka unti-unting pumasok sa aking isip ang lahat. Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa aking relong pambisig."Fvck!" mahinang pagmumura ko nang nakita na malapit nang mag-uwian."This past few weeks palagi ka nalang inaabot ng antok dito sa opisina. Nagpupuyat ka ba?" kuryosong tanong ni Feya.Mabilis kong inayos ang mga natitirang papeles sa aking lamesa at binuhay ang aking PC upang i-encode 'yon."Hindi ko rin alam kahit ako naninibago sa sarili ko, hindi naman ako nagpupuyat," sagot ko habang nanatili ang tingin sa aking kompyuter."Baka naman bumababa ang dugo mo kaya ka nagiging antukin," sambit n
Puting silid ang una kong nakita sandaling iminulat ko ang aking mga mata. Sa amoy palang ng paligid ay nasisiguro kong ospital ang lugar na 'to."Hey," someone spoke beside me.Marahan kong ibinaling ang aking paningin sa kanyang direksyon. "Caster," namamaos kong sambit.Matipid niya akong nginitian bagamat bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "How are you feeling? May gusto ka bang kainin?" magkasunod na tanong niya.Umiling ako 'tsaka sinubukang bumangon mula sa pagkakahiga. Agad naman s'yang tumayo at inalalayan ako sa aking pagkilos. Isinandal ko ang aking katawan sa headboard ng hospital bed at saglit na pinasadahan ng tingin ang sarili ko."Anong nangyari?" usisa ko at inangat ang kamay kong may nakatusok na s'wero."You passed out last night because of too much fatigue and stress," he started exp
"So what's your plan?" Caster asked as we entered his car.Tulala lamang ako na napasandal sa aking inuupuan. "Tell me, trinaydor ko ba ang bansa natin noong past life ko?" tanong ko sa kanya imbis na sagutin siya.He chuckled and disheveled my hair. "Silly, malay mo sadyang pinagbubuhol ng kapalaran ang tadhana niyong dalawa," aniya.Napangiwi naman ako at napailing. Hindi ko pa rin lubos maisip na nangyayari ang lahat ng 'to, para kaming mga aktor at aktres sa pelikula na pinagagalaw ng isang direktor."Biruin mo 'yon. Hindi niya nga ipinutok, itinurok naman sa akin," I murmured."May sinasabi ka ba?" tanong ni Caster habang abala sa pagpapaandar ng kanyang sasakyan."Wala, sabi ko anak ko rin 'to hindi ba? I mean, my egg cell and his sperm united," paliwanag ko.His lips twitched. "Was t
"Ano'ng trip mo?" nakangiwing tanong sa akin ni Serah."Gan'yan ka pala magbuntis, Jandie," segundang wika ni Feya.Napahagikhik pa silang dalawa at nag-apir sa isa't isa."Sige na, hindi na namin ang babasagin 'yang trip mo. Sabihin mo na, it's a prank!" tumatawang panunuya ni Serah.I rolled my eyes at them and got my phone out. Nagpatuloy sa tawanan ang dalawa habang ako naman ay busy sa pagkalikot ng aking telepono."Sige na kasi, Jandie, share mo na sa 'min kahit hindi mo kilala, gusto lang naman namin malaman," usal ni Feya.I gave out a deep sigh and face my phone at them. Tiningnan naman nila 'to hanggang sa unti-unting namilog ang kanilang mata kasabay nang pag-awang ng kanilang bibig."Hindi edit 'to, girl?" Serah asked and snatched my phone.Patukoy sa litrat
Isang buwan na ang lumipas ay ganoon pa rin ang sistema naming dalawa ni Achetbir. Uutusan niya ako ng kung anu-ano at tatambakan ng sandamakmak na papeles sakaling wala na siyang maiutos na ipabili. Laking pasasalamat ko na lamang at nakahanda palagi sa pagtulong si Serah at Feya.Jandie, pumasok ka rito sa opisina.Pagtawag ni Patriza sa speaker. Umirap ako at tiningnan ang mga kaibigan ko na salubong ang mga kilay dahil sa inis."Taray ha, feel na feel pagiging fiancee," singhal ni Serah kasabay ng kanyang pag-irap.Tipid nalang ako na napangiti sa attitude niya at sinimulang linisin ang aking mesa. Ugali ko na 'to sa tuwing ipapatawag ako ni Achetbir o Patriza, ayaw ko kasi na iiwanan ko 'tong magulo o nakakalat. Napahigab naman ako pagkatapos kong itabi lahat ng aking gamit. Mukhang nagsisimula na n
"HINDI MO BA MAGAWA NANG MAAYOS ANG TRABAHO MO?!"Malakas na sigaw sa 'kin ni Achetbir habang naliligo sa kape ang iba't ibang papeles na nasa ibabaw ng lamesa niya. Napayuko nalang ako at nakagat ang aking ibabang labi upang mapigilan ang nagbabadya kong luha."Sorry po, Sir," I murmured.Aksidente ko kasing natabig ang kapeng ipinatong ko sa gilid ng mesa niya dahil sa biglang pagsumpong ng aking liyo. Simula noong dinalhan ako ni Caster ng mangga ay lalo siyang nanlamig sa akin, mas lalo ring dumami ang kaniyang mga pinagagawa kaya hindi nakakapagtaka na madalas akong maliyo ngayon. Hindi lamang dahil sa aking pagbubuntis kung hindi sa pagod na rin."You fvcking ruined everything!" he yelled.Mariin kong kinurot ang aking daliri habang nanatili na nakayuko."Labas!"Marahan ko s'yang tin
Sa ikal'wang pagkakataon ay nagising ako sa pamilyar na amoy ng ospital. Puting kisame ang unang bumungad sa paningin ko sandaling iminulat ko ang aking mata. I roamed my eyes and saw Achetbir sitting on the side of my hospital bed, staring at me without any emotion in his eyes."H-How's my baby?" I asked worriedly."The baby's fine," he answered.Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon."Bakit hindi mo sinabi sa akin?" he asked coldly.Kinabahan naman ako sa kanyang tanong. "A-Anong hindi ko sinabi?" paglilinaw ko."That you're pregnant."Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi. Damn! Akala ko ang pagiging ama n'ya ang kaniyang tinutukoy."Naghahanap lang ako ng tiyempo." Tumingin ako sa labas ng bintana upang iiwas ang atensyon ko sa kanya."Why?" he asked suddenly out of nowhere.