Chapter 26Ilang araw matapos kong makatanggap ng invitation para sa kasal ni Liam at Luna ay ang siyang pagdating ng araw ng kanilang kasal. Hindi ko na kinailangan pang maghanap ng masusuot na sapagkat nakatanggap ang buong pamilya namin nang damit para sa tema ng kasal. I didn't wear the one they gave me, sa halip ay isinuot ko ang long v-neck kong dress na kulay itim. I want them to know that I'm against their wedding. “You’re so tense, calm down okay?” Iwinaksi ko ang kamay ni Tyler, nakasandal ito sa kaniyang kotse habang matamang nakatingin sa akin. “Anong gusto mong gawin ko? Magsaya habang nakikita kong miserable iyong kapatid ko ngayon?” Palakad lakad ako habang nasa labas kami ng simbahan. Nasa loob na ang ibang bisita ngunit hindi ko magawang pumasok din sa loob. I want to see Luna, baka mapigilan ko pa siya. “Bakit ba ang tagal niya?” Kasasabi ko pa lamang noon ay dumating din ang isang puting limousine kung saan lumabas ang kapatid ko hawak ang isang puting bouqu
Chapter 27Mapanglaw ang buong lugar. Makulimlim ang langit at mahihinuha mo ang sakit sa mga puso ng taong naroon. Lahat ng tao ay nakasuot ng kulay itim, nagsisilbing senyales nang kanilang pagluluksa sa yumaong kapamilya. May ilang nakapayong sapagkat walang tigil ang pagambon mula sa langit, habang ang ilan ay hinayaan ang sariling mabasa kasama ng kanilang mga lungkot. “H-Hindi . . . hindi p’wede. Bakit mo naman ako iniwan ng ganito?” Walang humpay ang naging pagpalahaw ni Nerissa Hernandez habang nakayakap sa puting kabaong na nasa harapan ng lahat. Hawak naman ng umiiyak na si Luna ang balikat nito para bigyan ng kaunting suporta ang kaniyang ina. “Mario! Mario!” patuloy na sigaw ni Nerissa. Napatingala si Luna para pigilan ang sariling umiyak. She have cried enough, simula noong malaman niya ang pagkamatay ng kaniyang ama. Wala ang kaniyang Ate Misha sapagkat nasa ospital ito at hindi pa rin nagigising. “Shh tahan na, ma,” mahinang wika ng kaniyang kuya Mico na katabi
Chapter 28Maingat na ipinatong ni Luna ang isang mainit at bagong timplang gatas sa lamesa katabi ng kaniyang ate. Iniiwasan niya ang gumawa ng malakas na ingay, sapagkat makarinig lamang ng kahit na anong malakas na tunog ang kaniyang ate ay natatakot na ito. “Ate, inom ka muna. Sabi ng doktor pupuwede ka na raw sa mga ganito.” Pinaalis niya ang buhok na tumatabing sa nakatulalang mukha ni Misha. Matapos ng insidenteng nangyari sa ospital ilang linggo na ang nakararaan ay hindi na kailanman pa niya nakausap ang kapatid. Para bang naging pipi ito at palagi na lamang nakatunghay sa kawalan. “Hindi ka p’wedeng maging ganito habang buhay, ate. Hindi ko alam kung gaano kasakit, wala akong karapatan para maliit iyang nararamdaman mo. Pero paano naman iyong mga anak mo? Paano naman kaming nagaalala sa ’yo?” Hindi mapigilang mapaiyak ni Luna ngunit kahit pa siguro ilang daang beses niyang ipaalala ang kaniyang ate na bumalik sa reyalidad ay hindi niya ito maabot. Dahan-dahang umangat
Chapter 29Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na nagmumula sa labas. Hindi na ako nagatubili pang bumangon mula sa pagkakahiga at tumayo. Wala na ang swero sa pulso ko. Ito na rin ang huling araw ko rito sa ospital. I immediately made my way to the restroom. Matapos maligo at magbihis ay lumabas na ako. Itinali ko pataas ang mahabang buhok. Tiningnan ko pa ang itsura ko sa salamin. “Should I cut my hair short?” pagkausap ko sa sarili. Nagkibit balikat ako bago ibinalik ang salamin sa bag. Inimis ko na rin ang mga gamit sa loob ng kwartong pinaglagian ko.Alam kong pupunta rito ang mga anak ko kasama si Luna at Tyler para sunduin ako pabalik sa bahay. Alam kong magaalala sila kapag nakita nila akong wala rito. But, I think is for good. Isinarado ko na ang pinto nang makalabas. May nakasalubong pa akong naglalakad lakad na mga pasyente na siya ko namang binati pabalik. “I guess ito na ang discharge day mo, Mrs. Montero?” tanong sa akin ni Doc Cleofe ang doktor na siy
Chapter 30“Bili ka na, Ineng. Mura na lang para sa ’yo.” Umiling ako sa nadaanan kong nagbebenta ng mga prutas. Marami pang nagalok sa akin ng kanilang mga paninda ngunit puro iling lamang ang isinagot ko. Ilang mga hakbang pa at natanaw ko na ang malaking arko na may kasulat na Santa Lucena. Sa totoo lang ay na-miss ko ang lugar na ito. This is where I always go whenever I'm having a hard time with dad. “Sa’n ka miss? Kinse na lang paloob,” “Sa kabisera, kuya sa may pulang gate,” saad ko sa tricycle driver na kaagad namang tumango at isinakay ako. Talaga namang nakaka-miss ang ganitong pamumuhay. Malayo sa polusyon ng maynila, at nakakarinding ingay ng mga sasakyan.Naglalakihang mga puno ang nadaanan namin. Pamilyar pa naman sa akin ang lahat ng aming nadaanan, kakaunti lang naman ang nagbago. Halos lahat pa rin ng makikita ay kulay berde, kaya naman masarap sa mata. “Dito na lang po, kuya.” Huminto ang tricycle dahil sa sinabi ko. Nagbayad na ako ng bente at hindi ko na ki
Chapter 31“Apo?” Napabalikwas ako at napalingon matapos makaramdam nang paghawak sa balikat. Sumalubong sa akin ang nagtatakang mukha ni Lola Felicidad. Malawak ang ngiti nito sa akin. “Tapos ka na ba? Halika na at para makapag-meryenda na tayo,” saad nito. Ibinalik kong muli ang paningin kung saan nakapwesto si Tyler kanina ngunit wala ng bakas niya roon. He disappeared as if he was just an imagination. “Ano ’yon? May hinahanap ka?” “Wala ho, baka namalikmata lang ako,” pagsasawalang bahala ko rito. Hinawakan ko na lamang si Lola at inalalayan siya pabalik sa binubunot kong kamote. Tinulungan na niya ako sa pag-ha-harvest kaya’t madali kaming natapos. Umabot din kasi ng ilang minuto ang pagkakaskas namin sa kamote bago pa namin iyon piniga, nalagyan ng asukal, gatas at palaman, hanggang sa huli ay napakuluan.Natapos ang araw na iyon na wala ng naging paramdam pa si Tyler. Siguro nga ay imahinasyon ko lang na nakita ko. I’ve been thinking about lately, I've been thinking a lot
Chapter 32Marahas at nanlalaki ang mga mata ko nang ako ay lumingon. Hindi ko alam kung madidismaya o makahihinga ako ng maluwag sapagkat ang inakala kong tao na nasa likuran ko ay iba pala. Salubong ang mga kilay ni Officer TM nang tingnan ako nito, sumisinghot singhot pa siya habang hawak ang isang baso ng mainit na kape at balot na balot ng isang kumot. “Ginagawa mo riyan?” Nakataas ang kilay niya nang tanuning ako. Imbis na sumagot ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at saka iyon hinila. “Aray!” pagrereklamo niya. Hindi gaya ng inaasahan ko, walang kahit na anong make-up o ’di kaya naman ay prosthetics. Natural ang kaniyang mukha, namula pa nga iyon dahil sa ginawa kong paghila at pagpisil. “Problema mo? May sakit na nga iyong tao, ginaganyan mo pa,” aniya. Nilampasan niya ako at isinarado ang nakabukas na kwarto. “This is my sister's room before, hilig noon ang arts at make-up. Kung ano-anong pinagagagawang nakakatakot na maskara.” Naglakad siya at sumunod naman
Chapter 33Marahas ko siyang itinulak nang matauhan. Kaagad akong umatras at tumayo. “I-I’m sorry, but this is wrong,” saad ko bago patakbong umalis sa lugar na iyon. Humahangos akong umakyat sa bahay nila Lola sandaling makabalik ako. Hindi ko nga alam kung paano ko nahanap ang daan. I just ran fast, trying to get away again. “Oh Apo? Anong nangyari sa ’yo at ganiyan ang itsura mo?” “Wala po, La. May kinailangan lang akong puntahan kanina. Pasensya na po iniwan ko kayo ng walang pasabi.” Umismid siya sa akin bago ginulo ang buhok ko. “Ano ka ba, ayos lang. Iyong Lolo mo na ang kumuha, halina na sa hapag. Kain na tayo, kanina ka pa namin hinihintay para makapag tanghalian.” Sumunod ako kay Lola. Natapos ang tanghalian, hapunan, at dumating na ang araw ng bukas. Isinukbit ko ang bag nang makababa mula sa kwarto. Nakita ko pa ang malamlam na mga tingin ni Lola sa akin. “Sigurado ka bang babalik ka na? Hindi ba p’wedeng dumito ka muna ng ilang buwan apo?” Tiningnan ko siya at sa