proud father yarn
“What are you planning to do now?” mahinang tanong ng kanyang kapatid. “Hindi habang buhay ay matatago mo sa kanya ang tungkol sa kambal.” Napatingin siya sa kanyang kapatid at bumuntong hininga. Sa makatunayan ay hindi na niya alam kung paano sasabihin kay Leon ang tungkol sa mga bata. Lalo na nang masaksihan niya kung gaano kagalit ang mga mata nito nang malamang buntis siya. Hinimas niya ang kanyang tiyan at tumingin sa kawalan. “To be honest, Kuya, I don’t know. I’m confused. Natatakot ako na baka hindi niya tanggapin ang mga bata.” “Tinanggap niya nang buong-buo ang pinagbubuntis mo ngayon. For sure he will accept Leil and Eros as well. But don’t expect him not to raise questions, Chandria. Paniguradong maraming tanong ang kanyang ibabato sa ‘yo tungkol sa mga bata.” Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at bumuntong hininga. Hindi na siya sigurado sa kanyang mga magiging desisyon. She’s confused as hell. Natatakot siya sa mga maaring mangyari. May kumatok sa pinto kaya nama
“What are you doing here?” kunot noong tanong ni Marco kay Leon at tumingin sa kanya. “What is this man doing here, Chandria?” She’s lost for words. Hindi niya alam kung ano ang safe na salitang isagot sa tanong ni Marco. Pakiramdam niya ay nahuli siya sa aktong ito at wala ng paraan pa kundi sabihin ang totoo. “I should be the one to ask that,” saad ni Leon nang makatabi ito sa kanya. “What are you doing here? In the middle of the night? Hindi ka ba hinahanap ng asawa mong buntis?” Tulad ng tanong ni Leon, ganyan din ang tanong na nasa kanyang isipan ngayon. Malapit na maghating-gabi ngunit nakakapagtakang nandito ito at umiiyak. She’s curious. She wanted to know. Lalo na ang sinabi nitong alam na niya. Anong alam niya? “Don’t change the subject here, Leon.” Umigting ang panga ni Marco. “Why are you here?” Ramdam ni Chandria ang pamumuo ng tension sa pagitan ng magpinsan kaya naman wala sa sarili siyang tumikhim at mariing kinagat ang ibabang labi. Napatingin naman sa kanya si M
Nagising si Chandria ng bandang alas singko ng umaga. Gusto niya pa sanang matulog ngunit naalala niyang balak niyang pumasok ngayon sa trabaho. Gusto lang niya makita sa huling pagkakataon ang kanyang mga katrabaho bago siya umalis at magtungo ng Maynila. Kaya naman kahit na antok na antok pa siya ay pinilit niya ang sariling bumangon. She took a quick shower and changed. Ngunit paglabas niya ng kanyang silid ay nagulat siya nang makita si Leon na natutulog sa sofa. Matangkad ito kaya naman alam niyang hindi komportable ang pagkakahiga nito. Mahina siyang umiling at bumuntong hininga. Nilapitan niya ito at akmang tatapikin na sana ang pisngi nang masilayan niya kung gaano kahimbing ang tulog nito. Wala sa sarili niya itong tinitigan. Ano kaya ang magiging reaksyon ng lalaking ito kapag nalaman niyang may anak silang nauna bukod sa batang pinagbubuntis niya? She wanted to tell him now but something’s telling her to wait a little longer. Hindi niya alam kung ano pa ang inaantay niya.
MABILIS AT MAHAHABA ANG hakbang ni Leon habang tinatahak ang opisina ng kanyang ama. Panay ang pagtatagis ng kanyang bagang habang naglalakad. He’s fuming mad. How dare he mention someone who is now resting peacefully on their grave? Nang makarating siya sa harap ng pinto ng opisina ng kanyang ama ay walang pagdadalawang isip niyang tinulak pabukas ang pinto. His father’s secretary tried to stop him but he didn’t listen. Dumapo ang tingin niya sa kanyang ama na ngayon ay prenteng nakaupo sa couch at humihithit ng sigarilyo. “What the fuck is that all about?” he roared. Wala na siyang pakialam kung ama niya ito. He flew all the way here from Boracay. Iniwan niya pa si Chandria. Gusto niya itong isama ngunit umaayaw ang dalaga kaya naman hindi na niya ito pinilit pa. The last thing he wants to is for Chandria to be afraid of him when he’s mad. “Just one name and that made you fly here,” kalmadong sambit ng kanyang ama at nag-angat ng tingin sa kanya. “It’s been decade but you still c
Tahimik na nakahiga si Chandria sa silid. Hindi niya lubos akalaing darating ang panahon na ito, ang panahon na unti-unti ng dadami ang mga nakakaalam na mayroon siyang anak. She’s aware that time will really come for this day to happen but she didn’t expect it to be this sooner. Minsan ay napapaisip siya kung tama ba ang desisyon niyang muling umapak sa lupa ng Pilipinas. Because the moment she took a step in this country again, her life started turning upside down. Her life became a bumpy ride for her. Pinikit niya ang kanyang mga mata at mariing kinagat ang ibabang labi. It would be really unfair for Leon if she introduces Leo first to her twins. Kasi mas may karapatan si Leon na makilala ang mga bata kaysa kay Leo. Wala sa sarili niyang dinilat ang mga mata at tumingin sa orasan. It’s already one in the morning but she’s still here, wide awake. Hindi man lang naisipan ng antok na dalawin siya o kamustahin man lang. Dilat na dilat ang kanyang mga mata at ni konti ay wala siyang n
Tumitig siya sa binata at bumuntong hininga. Buong araw silang nakatunganga rito sa silid. Leon kept asking her question and she has no other choice but answer them. Nakakatuwang isipin inaalam talaga ni Leon lahat ng gusto niya at paborito niya. She can really see that he’s making an effort.“How about pamangkin?” biglang pag-conyo nito na ikinaangat ng kilay niya. “Do you have any favorites?”Her forehead creased and chuckled. “Baka nakakalimutan mong only child ako? I don’t know if Zayn’s future wife is pregnant. I haven’t even meet her.”“So you have none?” he asked confusedly.Umiling siya. “Wala pa. Ikaw? Who’s your favorite pamangkin?”Nagkibit balikat ito na para bang sobrang obvious ng tanong. “It’s Cheska.”She nodded her head. Yeah, Crizel’s eldest daughter. Naaalala niya pa ang kinwento sa kanya ni Izzy, kung paano pahalagahan ni Leon si Cheska na kahit sa kalagitnaan ng kaniyang meeting ay aalis siya dahil kailangan siya ng bata.Chandria can also see how much Leon love C
Abala siya sa pagtitig kay Chandria. Yes, staring at Chandria makes him preoccupied. Hindi niya alam kung anong meron sa babaeng ito at kaya niyang titigan na hindi inaalintana kung gaano kalaking oras ang nasayang niya. Pero bakit naman masasayang? If it is Chandria, then his time is all gonna be worth it. Hindi sayang ang oras na kasama niya si Chandria. The company can wait. His business can function without him. But he doesn’t think he can function without her… without Chandria. Hindi niya maintindihan noon kung bakit siya nagkakaganito kay Chandria. But then the moment she came into his life, he saw how everything changed. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang tinatarayan siya pero kapag si Chandria ay aliw na aliw pa siya. There must be something wrong with him. There must be something wrong with his heart for feeling this way towards her. Dahan-dahang gumalaw si Chandria kaya naman napakurap-kurap siya. She slowly opened her eyes and looked at her. Hinanda niya naman ang ngiti dahi
HINDI PA RIN MAALIS ang pagkasimangot ni Chandria. Ilang beses na niyang nire-remind ang sarili na h’wag ma-stress sa mga bagay-bagay. Lalo na ito. Ngunit sadyang lapitin talaga siya ng stress, e. Stress na ang lumalapit sa kanya kahit anong iwas ang kanyang ginagawa. Leon’s still not back. Hindi niya alam kung saan na ito o kung ano ang pinag-uusapan nila. She wanted to know, okay? She wanted to know if she leaves or something. Nangangati na siyang lumabas ngunit ayaw niyang ma-stress sa pagmumukha ng letseng babaeng ‘yon. That woman is very confident to be Leon’s wife! The nerve! Pero hindi ba’t siya ang mas may karapatan? Because she’s the future bride, the fiancée. And her? Just the mother or Leon’s child who accidentally impregnated her. And that what makes her stay here and be silent. Kasi sa kanilang dalawa, siya ang may karapatan. In other words, she’s the mistress in this kind of situation. Tumulo ang luhang hindi niya inaasahan. Bakit kaya kapag may pinagtitripan ang tadh