May tatlong araw pa kaming papasok sa school bago tuluyang magbakasyon. May ilan pa kaming gagawin tulad ng pagpi-pirma ng permit ng ilang students. "Last day na tomorrow! Vigan, wait for me!" Parang baliw na saad ni Amor."Saan kayo sa bakasyon?" Tanong sa akin ni Dennise. "I don't know." Nagkibit-balikat ako. Totoong hindi ko alam kasi alam kong may iba pa kaming pupuntahan bago pumuntang Manila. "Eh kayo ni Harold, saan balak niyo?" Balik kong tanong. "Baka mag-boracay na lang kami since may relatives naman siya roon." Tumango-tango naman ako."Wait a minute. Tama ba ako ng dinig na magbo-bora kayo?" Sabat ni Amor. Tumango naman si Dennise. "P'wede sumama? Kahit sa maleta niyo na lang ako pumwesto, ayos lang sa akin," dagdag pa niya."Akala ko ba sa Vigan kayo ni cupcake mo?" Ani ko at diniin ang salitang cupcake. Natatawa talaga ako sa call sign nilang dalawa.Hanggang alas dos lang ako sa school kaya dumi-diretso na ako sa karinderya pagkagaling kong school. Nasa loob ako s
Bago kami umalis ay sinabi ko kay Xzavier na dumaan muna kami kay mama para mag paalam. "Mag-iingat kayo sa biyahe, ha?" Garalgal ang boses ni mama.Napanguso naman akong lumakad palapit sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit."Kapag may kailangan po kayo 'wag po kayong mag-aalinlangan na tawagan ako, hmm?" Sabi ko."Mamimiss ko kayo ng kambal," naramdaman kong may tumulong basa sa balikat ko kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pag yakap kay mama saka hinagod-hagod ang kaniyang likod."O'siya, umalis na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan." Aniya at saka binalingan si Xzavier. "Ingatan mo itong mag-iina mo, ha?" "Opo, mama." Ani Xzavier at niyakap din si mama.Sunod namang nag paalam ang kambal at nang matapos ay sumakay na kami ng sasakyan at umalis na."Twins, matulog muna kayo at mahaba-haba pa ang biyahe natin." Sabi ko sa dalawang busy sa pagkain."Hayaan mo muna silang kumain d'yan, Hon," mabilis ko namang nilingon si Xzavier. Iba pa rin talaga ang epekto ng call sign na 'ya
Sa dalawang araw na pamamalagi namin sa Batangas ay puro ligo lang ang inatupag ng kambal pero kahit na ganoon ay hindi sila nangingitim."Xzav, tawagin mo na 'yong kambal at bibihisan ko na." Utos ko sa kaniya."Hayaan mo muna silang maligo and besides last day na natin ngayon kaya hayaan mo silang magsawa." Sagot niya."Anong hayaan? Look, pulang-pula na sila oh," turo ko sa dalawang tuwang-tuwang naliligo. "Kung ayaw mo edi ako na lang mismo ang tatawag sa kanila." Akmang lalakad na ako nang hawakan niya ang braso ko."Okay, fine. Tatawagin ko na sila," sambit niya at mabilis akong hinalikan sa noo.Inirapan ko na lang ito at sinundan na lang ng tingin palapit sa kambal. Akala ko tatawagin na niya ang kambal pero lumusong na rin siya sa tubig at nakipag-kulitan sa mga ito. Natampal ko na lang ang noo ko.Umiling na lang ako at napagpasyahang umakyat na muna at hayaan silang magpakasaya roon. Pagka-akyat ko ay agad na akong umupo sa hanging swing chair at doon pinagmasdan ang tatlon
Paggising ko kinaumagahan ay inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto ni Xzavier. Silver gray ang kulay nito at hindi siya masakit sa mata. "You're awake," napatingin naman ako sa may pintuan at nakita ko roon si Xzavier na nakasuot ng apron."Good morning." I greet. Ngumiti naman siya at saka lumakad papunta sa akin. "Good morning." Bati niya pabalik sabay halik sa labi ko."Gising na 'yong kambal?" Tanong ko, umiling naman siya."Gusto mong puntahan?" Tumango naman ako.Huminto kaming dalawa sa tapat ng purple na pintuan. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may maalala ako."Matagal na ba ito rito?" Tukoy ko sa kuwarto ng kambal."Nope. Guest room lang ito noon pero noong time na malaman kong anak ko nga sila agad kong tinawagan ang isa sa tao ko para ayusin ang kuwartong ito." Sagot niya.Tumango na lang ako at pumasok na sa kuwarto ng kambal. Namangha ako nang makita kung gaano ito kalawak at kaganda. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto at may dalawang kama i
Maagang nagpaalam sa akin si Xzavier na papasok muna dahil may kailangan daw siyang i-meet na bagong kliyente."Ako na ang bahalang magsasabi sa kanila. Ingat ka, I love you." Nakangiting sabi ko."I love you, too." Tugon niya saka mabilis akong hinalikan sa labi bago siya sumakay ng sasakyan. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay pumasok na ako sa loob para ipaghanda ng pagkain ang kambal. At nang matapos ay tumungo na ako ng kuwarto nila para sila ay gisingin."Nasaan po si papa?" Tanong ni Ainsley habang lumilinga sa paligid."May importante lang muna siyang pinuntahan, 'nak," sagot ko."Kailan po siya uuwi?" Tanong pa niya. "Mamaya, pero hindi ko alam kung anong oras." Sabi ko. "Kumain na kayo para makapaghugas na ako," saad ko sabay lapag ng gatas nila.Habang pinagmamasdan ko ang kambal sa pagkain ay may narinig akong nagdo-doorbell sa labas kaya naman nagpaalam muna ako sa kambal upang tignan kung sino 'yon."Ah hello po, sino po sila?" Magalang na tanong ko sa babaen
Maaga kaming nakarating ng kambal sa lugar kung saan namin kikitain si Lina."Mama, why Ninang Lina took so long?" Tanong sa akin ni Ainsley habang pinaglalaruan ang straw ng milkshake niya. "Darating na rin 'yon maya-maya, be patient, okay?" Nakanguso naman siyang tumango."Calli!" Hingal na hingal si Lina nang makalapit siya sa amin."Bakit hingal na hingal ka?" Tanong ko sa kaniya."Tumakbo ako kasi nasiraan 'yong taxi na sinasakyan ko." Sagot niya at saka binalingan ang kambal. "Hello, mga bebe! I have something for you!" Aniya at nilabas ang dalawang maliit na box saka binigay na sa kambal."Wow, thank you po!" Wika ng kambal at parehong hinalikan sa pisngi si Lina."You're always welcome, mga bebe ko." Aniya saka bumaling ulit sa akin. "May gift din ako para sa 'yo pero mamaya ko na ibibigay," saad niya.Lumipat kami ng lugar at ang pinili niya ay 'yong may palaruan sa loob para raw makapaglaro ang kambal at para maibigay na niya 'yong 'gift' niya kuno sa akin. "Ano ba kasi 'y
Pumasok muli kinabukasan sa trabaho si Xzavier. At gaya nga ng sabi niya ay araw-araw na pumupunta si Manang Carla rito sa bahay para maglinis.Hindi raw siya pupunta ng puwesto nila ngayon kaya naman dumito muna siya para may kasama at kakwentuhan ako."Kaedad mo lang po 'yong isang anak ko at mayroon na rin siya tatlong anak." Pagkwento niya.Nandito kami ngayon sa likod-bahay dahil naliligo na naman sa swimming pool ang kambal."Ilan po ang anak niyo?" Tanong ko."Dalawa po, 'yong panganay ko ay nasa ibang bansa kasama ang asawa niya." Sagot niya."Ah, so 'yong isang anak niyo lang po ang kasama niyo sa buhay?" Tanong ko pa."Opo. Eh ikaw po ba, may kapatid ka rin po ba?" Tumango naman ako."Actually, twin sister po pero wala na po siya ngayon eh. Baby pa lang kaming dalawa ay namatay na siya dahil nagkaroon na kumplikasyon ang puso niya." Sagot ko."Ay hala, pasensiya na po kayo at naitanong ko pa," paumanhin niya."It's okay po, matagal naman na po 'yon eh," ani ko.Magsasalita s
Paggising ko ay wala na sa tabi ko si Xzavier kaya naman inayos ko na ang higaan namin at nang matapos ay nagtungo na sa banyo para maghilamos. Nadatnan ko siyang nagluluto kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod."Good morning," bati ko. Napa-aray naman ako nang matalsikan ako ng mantika."Patingin nga ako," chineck niya kung namumula ba o ano. "Ayos lang ako, hindi naman masakit eh," ika ko pero kita ko kung gaano ito kapula."Sit here, kukunin ko muna 'yong ointment," aniya at saglit akong iniwan sa kusina.Nakatitig lang ako sa kaniya habang marahan niyang pinapahiran ng ointment ang braso kong natalsikan ng mantika."Gwapo mo talaga," mariin akong napapikit nang masabi ko nang malakas 'yon. Shit naman eh, dapat sa utak ko lang sasabihin 'yon."I know, kaya nga baliw na baliw ka pa rin sa akin until now," hinampas ko naman ang braso niya."Ang kapal mo naman talaga eh 'no?" Ani ko."Hindi ba totoo?" Natatawang tanong niya sa akin."Hindi, kas