"Have a great day, ma'am!" Naka-ngiting sambit ko matapos kong ibigay ang order ng customer. Bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya naman humanap muna ako ng mauupuan upang doon umupo. "Calli, are you okay? Bakit parang namumutla ka?" Lina asked. "I'm okay, don't worry..." usal ko. "Are you sure?" Tumango ako. "Sige, magpahinga ka muna riyan." Tinanguan ko ulit siya bago siya umalis sa harapan ko. Nakapikit kong hinihilot ang sintido ko at bigla na lang akong napatakip ng bibig ko nang maramdaman kong nasusuka ako. Dali-dali naman akong tumakbo papuntang cr upang doon sumuka. Matapos akong maghilamos ay napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin habang inaalala kung kailan ang huling dalaw ko. "Magto-two weeks na akong hindi dinadatnan," agad akong natigil nang may ma-realize. Hindi kaya... no, isang beses lang namin ginawa 'yon kaya imposible. Imposible itong iniisip ko. "Calli, ano'ng ginagawa mo riyan? Kanina ka pa namin hinahanap." Ani Lina. "L-Lina..." tawag ko rito,
"Ainsley, paki-gising na nga ang kapatid mo at kakain na tayo." Utos ko sa kaniya na agad din naman niyang sinunod.Kambal ang naging anak ko at iyon ay sina Ainsley at Aislinn. Hindi na ako nagtaka dahil may lahing kambal ang side ni papa. Nasabi rin sa akin si mama na may kakambal din sana ako kaso nagkaroon ng komplikasyon ang puso niya dahilan upang bawian siya ng buhay."Mama, pupunta po ba ulit kami kay mama-lola?" Tanong ng munti kong si Aislinn."Opo, kasi need mag-work ni mama para may pang bili tayo ng mga toys niyo." Paliwanag ko sa kaniya.Limang taong gulang na sila pero hindi ko pa sila pinag-aral. Ang plano ko kasi ay pagtuntong nila ng pitong taon ay ipapasok ko na sila sa first grade kaya naman tuwing uuwi kami ng bahay ay tinuturuan ko na silang magbasa at magsulat. Matapos kaming kumain ay pinaligo ko na sila habang ako naman ay maghuhugas ng pinagkainan namin."Ma, we're ready na po!" Sabay na sabi nila habang suot ang cute na pink dress nila na regalo ng ninang L
Sabado ngayon kaya nandito kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Natutuwa akong makita na aliw na aliw ang mga customer ni mama sa kambal dahil sa pagiging bibo nila."Ganiyan na ganiyan ka rin noong kasing edad mo sila," sambit ni mama sa gilid ko."Kanino pa ba sila magmamana, ma?" I chuckled. "Syempre sa lola," sumimangot naman ako na ikinatawa naman ni mama.Saglit pa kaming nagkulitan ni mama bago bumalik sa kaniya-kaniya naming trabaho. "Ainsley, Aislinn, kain muna kayo." Tawag ko sa kambal. "Mama, ang dami nating customer!" Natutuwang sambit ni Aislinn. "Masisipag kasi ang dalawang anghel ko eh," sabi ko sabay gulo ang buhok nila."Mama, kami na po," inagaw sa akin ni Ainsley ang kutsara saka siya na ang sumubo sa sarili, ganoon din si Aislinn.Ano ba 'yan, naiiyak tuloy ako. Hindi na talaga baby itong mga ito.Pinanood ko lang silang dalawa habang sarap na sarap sa pagkain. Tumayo ako saglit upang kumuha ng tubig nila at baka sila'y mabulunan.Halos sabay silang n
"Elara, wait..."Hindi ko alam kung haharap ba ako o ano. Hindi ko rin kayang maigalaw itong mga paa ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naningas ako sa kinatatayuan ko."Mama, tawag ka po no'ng guy." Uga ni Aislinn sa braso ko."A-Ah, let's go. B-Baka nagkamali lang siya." ani ko at nagmamadali nang hinila ang kambal.Gulong-gulo ako kung ano ang dapat kong gawin lalo na't nakita niya na kami. Paano ko maitatago ang kambal mula sa kaniya? Imposibleng hindi niya kami mahanap dahil alam kong marami siyang kilalang p'wede niyang mautusan upang hanapin kami.Pagkarating namin sa bahay ay pinapasok ko na ang kambal sa kwarto upang sila'y makapagbihis na. Habang ako naman ay nanginginig ang kamay ko habang dina-dial ang number ni Lina."Hello, Lina..." bungad ko nang sagutin niya ang tawag.["Oh? Bakit parang kinakabahan ka? May nangyari ba?"] Sunod-sunod na tanong nito."He saw us, Lina. What should I do?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.["What? How? Tsaka 'di ba
Naka-ilang balikwas ako sa kama dahil hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano at saan niya nakuha ang number ko. At saka bakit niya gustong makipag-kita? Tatanungin niya 'yong about sa kambal? No way! Kahit na ano pang sabihin niya, hinding-hindi ako magsasalita about sa kambal.Bumangon muna ako upang uminom ng tubig at pagbalik ko sa kuwarto ay himbing na himbing pa rin ang tulog ng kambal. Tinabihan ko na lang ulit sila at saka pinilit nang matulog.Kinaumagahan, maaga ko silang hinatid kay mama at doon na pinakain."Sigurado ka bang hindi ka na kakain?" Tanong sa akin ni mama.Umiling naman ako. "Doon na lang po ako kakain sa school," sagot ko.Matapos akong makapag-paalam sa kambal ay nagtawag na ako ng tricycle at saka nagpababa sa coffee shop na malapit lang sa school. Maglalakad na lang ako mamaya.Pagpasok ko sa coffee shop ay agad na akong nag-order ng isang espresso at isang cinnamon roll. Humanap na agad ako ng mauupuan nang makuha ko na ang order ko.Tahimik lang akong
Nang matauhan ako ay dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na idinial ang number ni Lina."Lina, pick up the phone..." bulong ko sa sarili. ["Hello? Napatawag ka?"] Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin na niya ang tawag."Lina, alam na ni Xzavier kung saan kami nakatira ng kambal." Saad ko.["What? P-Paano? Kasama mo ba ang kambal?"] Sunod-sunod na tanong niya. "I-I don't know how. Iyong kambal, naroon sila kay mama ngayon."["Good to hear that."]"Kailangan namin ng bahay na malilipatan dahil alam kong babalik at babalik dito si Xzavier."["Don't worry, may alam akong bahay na malilipatan niyo. I'll text you the address na lang,"]"Tsaka Lina, natatakot ako na baka malaman niya na hindi totoo 'yong sinabi ko sa kaniya." Usal ko.["Ano bang sinabi mo sa kaniya?"]"Sinabi ko na hindi sa kaniya 'yong kambal," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.["What if sabihin mo na sa kaniya 'yong totoo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh, tsaka hindi ka ba naaawa sa
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam nang magluluto na ng kakainin namin. Naghintay na lamang ako sa sala habang hinihintay siyang matapos magluto.At matapos ang ilang minuto ay tinawag niya na ako mula sa kusina."Let's eat, the food is ready." He said then smiled at me.Tahimik lang akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin. While him, tingin nang tingin sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko."May sasabihin ka ba?" I asked.He shook his head. "None, na-aamaze lang ako sa kagandahan mo," nasamid naman ako sa sinabi niya. What the heck?Natatawa naman niya akong inabutan ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pagtawa."May picture ka ba ng kambal?" Tanong nito, tumango naman ako. "Yeah, sobrang dami," sagot ko. "Ipakita ko sa 'yo mamaya after nating kumain. " I added."May extra akong toothbrush doon sa banyo, iyon na lang ang gamitin mo." Saad niya, tumango na lang ako at saka ngitian muna siya bago tumungo sa banyo.He said
Since sabado ngayon, narito ulit kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Kasama ko ang kambal sa pagkuha at paghatid ng order ng mga customer."Tawagin mo na muna ang kambal at kumain muna kayo." Sabi ni mama kaya naman tinawag ko na muna 'yong kambal.Wala pa naman masyadong customer dahil alas diyes pa lang. Ganitong oras kami kumakain dahil pagpatak ng alas onse ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga customer. "Mama," pagtawag sa akin ni Aislinn."Ano 'yon, anak?"Umiling naman siya. "Wala po pala," usal niya bago mag patuloy sa pagkain."Tell her na, Aislinn." Wika ni Ainsley sa kapatid."Ikaw na kasi magsabi, nahihiya ako eh," natawa naman ako sa binulong ni Aislinn kay Ainsley."Bakit ka naman nahihiya?" Balik namang bulong ni Ainsley. "Ano ba kasi 'yong sasabihin niyo?" Napunta naman sa akin ang tingin nila."P'wede po ba nating isama si papa bukas mag simba?" Sabay na tanong nila."P'wede naman but we need to ask him muna kung gusto ba niyang sumama,""I'm sure papaya