Share

Chapter 05

Nang matauhan ako ay dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na idinial ang number ni Lina.

"Lina, pick up the phone..." bulong ko sa sarili. 

["Hello? Napatawag ka?"] Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin na niya ang tawag.

"Lina, alam na ni Xzavier kung saan kami nakatira ng kambal." Saad ko.

["What? P-Paano? Kasama mo ba ang kambal?"] Sunod-sunod na tanong niya. 

"I-I don't know how. Iyong kambal, naroon sila kay mama ngayon."

["Good to hear that."]

"Kailangan namin ng bahay na malilipatan dahil alam kong babalik at babalik dito si Xzavier."

["Don't worry, may alam akong bahay na malilipatan niyo. I'll text you the address na lang,"]

"Tsaka Lina, natatakot ako na baka malaman niya na hindi totoo 'yong sinabi ko sa kaniya." Usal ko.

["Ano bang sinabi mo sa kaniya?"]

"Sinabi ko na hindi sa kaniya 'yong kambal," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

["What if sabihin mo na sa kaniya 'yong totoo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh, tsaka hindi ka ba naaawa sa kambal? Ang tagal na nilang nawalay sa papa nila, baka panahon na para ipakilala mo sila kay Xzavier. Deserve nilang makilala ang papa nila at deserve rin ni Xzav na makilala ang mga anak niya."] Mahabang litanya niya. Para naman akong sinampal nang malakas sa sinabi niya.

"Hahanap na lang ako ng magandang tiyempo para sabihin sa kambal, ayokong biglain sila." Sabi ko bago mag paalam sa kaniya.

Napabuntong-hininga naman ako. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila kung sakaling sasabihin kong si Xzavier ang tatay nila?

Napatingin naman ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Speaking of kambal, tumatawag si mama kaya agad ko na itong sinagot. 

["Mama!"] Masayang bungad ng kambal, pilit naman akong napangiti nang marinig ko ang boses nila.

"Mga anghel ko, kumusta kayo riyan?" Tanong ko.

["Okay lang naman po kami, mama, ikaw po ba?"] Balik na tanong ni Ainsley. 

"Okay lang din naman ang mama," tugon ko.

["I miss you na po, mama,"] natawa naman ako nang mahimigan ko ang malungkot na boses ni Aislinn. 

"I miss you too, mga anak. Bukas na bukas maaga akong dadaan diyan, okay?" Sabi ko.

["Yehey!"] Sabay na usal nila.

Gaya nang lagi nilang ginagawa ay kinewentuhan na naman nila ako kung ano ang ginawa nila buong mag-hapon.

["Mama, alam mo ba ang bait po noong isang customer namin,"] usal ni Ainsley. Habang nagluluto ako ay nakikinig ako sa mga kwento nila. ["Opo, mama,"] segunda naman ni Aislinn. 

"Anong ginawa?" Tanong ko.

["Binigyan po niya kami ng tip kasi masipag at mabait daw po kami,"] natutuwang sagot ni Ainsley. 

"Wow, pero next time 'wag niyo nang uulitin 'yon, okay? Huwag kayo basta-basta kukuha ng ibibigay lalo na't hindi niyo sila kilala." Bilin ko sa kanila. Nag 'opo' naman sila bago mag paalam na kakain na.

"I love mga anak, mwah!"

["We love you too, mama!"]

Matapos ang pag-uusap namin ay naghanda na rin ako upang makakain na ako. At nang matapos ay hinugasan ko na ang plato ko at tumungo na sa banyo para maglinis ng katawan bago matulog.

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa bahay gaya nang pinangako ko sa kambal.

"Mama!" Salubong sa akin ng kambal kaya naman niyakap ko sila nang mahigpit nang tuluyan na silang makalapit sa akin.

"Narito ka na pala, kumain ka na ba?" Nabaling naman kay mama ang atensyon ko.

"Opo, ma. Kumain na ako bago ako pumunta rito." Sagot ko, tumango na lang siya bago bumalik ulit sa ginagawa.

Magpapaalam na sana ako sa kambal nang bigla silang yumakap sa akin. Aww, grabe naman sila maka-miss. Nakipag-laro na lang muna ako saglit sa kanila bago pumasok.

"Babalik na lang mamaya si mama, hmm?" Sabay naman silang tumango. 

Napangiti naman ako at saka ginulo ang buhok nila bago ako tuluyang umalis.

Ngayong araw ay hapon ulit ang klase ko kaya naman buong umaga akong nasa faculty. Napatingin naman ako sa may pintuan nang makita ko si Dennise na humahangos at basang-basa. Eh? Umuulan? Ang ganda lang ng araw kanina ah?

"Badtrip! Mabuti na lang at hindi ko dinala 'yong laptop ko," rinig kong reklamo ni Dennise. 

"Sana mas lumakas pa para i-suspend 'yong klase," mayamayang sabi ni Harold. 

"Sira ulo ka ba, Sir? Paano ako uuwi niyan kung mas lalo mong pauulanin?" Irap naman ni Dennise. 

"Ano ang silbi ko rito kung hindi kita ihahatid?" anito saka kinindatan si Dennise. 

Tumikhim naman ako kaya napunta sa akin ang atensyon nilang dalawa.

"Baka nakakalimutan niyong may iba pa kayong kasama rito," namula naman silang dalawa sa hiya.

Natawa na lang ako nang pareho silang hindi makapagsalita. Mayamaya pa ay dumating na rin si Amor na basang-basa rin ng ulan.

"Nasalubong ko si ma'am principal kanina at ang sabi niya ay suspended na raw ang klase ngayon." Usal niya.

Pagkasabi niya noon ay mabilis ko nang inayos ang mga gamit ko. Balak ko sanang iwanan ang laptop ko kaso naalala ko na marami pa pala akong gagawin.

Hindi ko kasabay 'yong dalawa dahil si Amor sinundo noong boyfriend niya at si Dennise naman ay hinatid na ni Harold. Kaya naman mag-isa ako rito sa waiting shed na naghihintay ng masasakyang tricycle. 

Habang tumatagal ay napansin kong mas lalong lumakas ang ulan.

"Paano ako uuwi nito?" Bulong ko, sakto namang may humintong black BMW sa harapan ko.

"Hop in, hatid na kita." Sabi ni Xzavier nang maibaba niya ang bintana.

Aangal pa sana ako kaso naisip ko na baka gabi na tumila ang ulan.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas. Halos hindi na makita ang mga sasakyan sa lakas ng ulan. May bagyo ba?

Nilingon ko siya nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. "Sa condo ka muna magpatila ng ulan."

"What?! Ayoko!" Angal ko.

Pinigilan naman niya ako nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan niya.

"Where are you going?" 

"Malamang bababa."

"Nahihibang ka na ba? Kita mong ang lakas ng ulan oh," tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Kaysa naman sa condo mo ako mag-stay."

"Whether you like it or not, doon ka muna sa condo ko magpapatila ng ulan." anito saka pinaandar ulit ang sasakyan. Magrereklamo pa sana ako nang tignan niya ako nang masama kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumahimik na lang. 

Bwisit, alam na alam niya talaga kung paano ako mapapatahimik.

Nang makarating kami sa unit niya ay nilabas ko agad ang cellphone ko para idial ang ang number ni mama.

["Teka tawagin ko 'yong kambal,"] ani mama.

["Mama! Saan ka na po?"] Malungkot na tanong ni Ainsley. 

"Anak, hindi muna makakadaan diyan si mama. Ang lakas kasi ng ulan kaya hindi ako makakapunta." Paliwanag ko sa kanila.

["Eh, bukas po?"] Si Aislinn.

"Bukas, pupunta na talaga ako," sagot ko. "Sige na, ibaba na ni mama dahil baka ma-lowbatt na itong cellphone ko." Paalam ko sa dalawa.

["Bye, mama! Love you!"] Napangiti naman ako.

"Mahal din kayo ni mama." Sagot ko bago ipatay ang tawag.

"Elara," mabilis ko namang nilingon si Xzavier na nakatayo sa likuran ko. "Mag shower ka na muna roon at baka magkasakit ka, don't worry may hinanda na akong p'wede mong pamalit." Sabi niya.

Tinanguan ko na lang siya bago maglakad patungong banyo. Pero bago pa man ako makapasok ay nagsalita siyang muli.

"Pagkatapos mo, p'wede ba tayong mag-usap?" Tiningnan ko lang siya at saka tinalikuran. 

Nang matapos akong magbihis, nagulat ako nang makita ko si Xzavier sa harap ng pintuan ng banyo.

"Ano ang ginagawa mo riyan?" Tanong ko rito.

Hindi siya sumagot bagkus ay itinaas niya 'yong hawak niyang dalawang papel at nanlaki ang mata ko nang makita kong copy ito ng birth certificate ng kambal.

"W-Where did you get that?" Utal na tanong ko.

Hindi ko inaasahan ito.

"Hindi na importante kung saan at paano ko nakuha ito. Bakit ka nagsinungaling sa akin?" Hindi ako nakapag-salita agad.

"Ang sabi mo may iba kang kinakasama ngayon? Pero bakit Borja pa rin ang nakalagay na apelyido ng kambal?" Napayuko naman ako at saka kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko upang pigilan ang luhang malapit nang tumulo.

"Elara, please tell me the f*cking truth. Anak ko ba ang kambal?!" Mariin akong napapikit.

"Oo, Xzav! Anak mo nga sila!" Umiiyak na sagot ko.

"Bakit mo sila nagawang itago sa akin? Why, Elara... why?!" Umismid ako.

"Hindi mo ako masisisi, Xzav. Ikaw ang dahilan kung bakit ko nilayo at tinago ang kambal. Hindi ba nga't gusto mong ipalaglag ko sila?" ani ko at sarkastikong tumawa. "Anong klaseng ama ka?" Dagdag ko pa.

"I didn't mean that, Elara. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Believe me or not, natuwa ako noong sinabi mong buntis ka pero si mommy... naalala ko 'yong sinabi niya dati na kapag may ginawa akong kalokohan, ipapadala niya ako sa States para roon ipagpatuloy ang pag-aaral ko." Paliwanag niya, umiling-iling naman ako.

"Pero sa nakita ko noon para hindi ka naman masaya? Hindi ka nga nagdalawang-isip noon na sabihing ipalaglag ko ang dinadala ko noon eh," usal ko.

"Pinagsisihan kong nasabi ko 'yon, Elara. Maniwala ka naman sa akin, please..." tumingala ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at yumakap sa baywang ko.

"Give me another chance, please. Gusto kong makilala ang kambal, gusto ko silang mahagkan at mayakap. So, please bigyan mo ako ng pagkakataon na makilala sila." Narinig ko naman siya sumisinghot.

Oras na nga siguro para makilala nila ang isa't-isa. Pinunasanan ko muna ang luha ko bago ko tanggalin ang kamay niyang nakayakap sa akin at saka nag-squat upang pantayan siya.

"Bigyan mo muna ako ng kaunting oras para sabihin sa kambal. Pangako, after noon ay ipapakilala ko na sila sa 'yo." Mabilis niya akong niyakap matapos kong sabihin 'yon.

"Thank you so much, Elara. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." anito, tipid naman akong ngumiti saka niyakap din siya pabalik.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status