Share

Chapter 32.1

“HINDI ko na kailangan tanungin kung siya ba ang ama ng mga anak mo dahil halata naman. Bakit hindi ka nalang pumunta sa kaniya Irene? Malapit lang siya dito,”

Hindi nakasagot si Irene sa sinabi sa kaniya ni Irene. Nakatitig lamang siya sa folder na binigay sa kaniya ni Keith kung saan naglalaman iyon ng inpormasyon tungkol kay Eugene. Ilang araw na silang hinahanap ng lalaki at based sa nabasa niya ay wala na sa sarili ang asawa niya dahil sa pagkawala nila.

Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil doon. Si Keith naman ay naawa sa babae kung kaya agad niya itong niyakap. Hindi ‘man sabihin ni Irene kung bakit ito lumalayo kay Eugene ng araw na ‘yon ay alam niyang malalim na dahilan ito.

Alam niya na mahal ‘din ito ni Irene lalo na at pinakuha siya nito ng impormasyon tungkol sa lalaki. Kilala niya si Eugene Alvarez, sino nga bang hindi? Sikat na bilyonaryo ang lalaki lalo na at famous ito sa pagkakakilala ng lahat bilang isang bulag.

Hindi mahirap sa kaniya ang maka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status