“May kaboses ka Ms. Violet. Violet ba talaga ng totoo mong pangalan?” Napalunok si Irene sa tanong ni Eugene sa kaniya habang nasa loob sila ng kotse habang papunta sa pag-me-metingan nila. Pinapaliwanag niya kasi kay Eugene kung para saan ang meeting nila ngayon, although alam niyang alam na iyon ng lalaki pero trabaho niya pa ‘rin iyon bilang secretary. Nasa passenger seat si Eugene habang si Roger ang nag da-drive kaya hindi niya alam kung paanong upo ang gagawin niya sa kinalalagyan niya dahil sa tanong ni Eugene. “A-ah yes po. Violet Smith ang pangalan ko, Filipina ang mother ko while my father is a German.” Napa cross fingers si Irene dahil sa sinasabi niyang kasinungalingan sa lalaki. “I see.” Tumahimik na si Eugene kaya nakahinga siya ng maluwag at sumandal nalang sa kinauupuan niya. Ang daming tanong sa isip niya katulad nalang paano napunta agad si Eugene sa Pilipinas gayong iniwan niya ito sa Italy! At bakit tanggap na agad siya, alam niyang hindi lang iyon ang r
“MAAYOS na naman ang lagay niya. Dahil sa sobrang stress kaya ‘din siya hinimatay, sa ngayon hayaan niyo muna siyang magpahinga.” ‘Yan ang sinabi ng doctor kila Eugene at Roger matapos nitong magamot si Irene. Naglakad palapit si Eugene sa kinahihigaan ni Irene at ngayon ay pareho na silang mayroon gauze sa kanilang bandang ulo at noo dahil doon sila tinamaan. “Eugene, lalabas muna ako. Kakausapin ko si Mason at Eva about dito,” sabi ni Roger sa alaga niya ngunit hindi siya nito pinansin kung kaya napabuntong hininga nalamang siya bago tuluyang lumabas. Nilingon pa niya sa huling pagkakataon si Eugene bago tuluyang lumabas. Hindi na kailangan tanungin kung anong nangyari, sigurado siyang alam ni Eugene na ang kalaban nila ang may gawa niyon at sigurado ‘din siya na sinisisi nanaman ni Eugene ang sarili niya kung bakit nangyari iyon kay Irene. Alam nila na mag-aapply si Irene sa kumapanya ni Eugene. Noong kinausap ni Eugene si Keith ay doon nila napagkasunduan na ganoon ang gawi
NAPATINGIN si Eugene kay Keith at kitang-kita niya ang nagbabagang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Naupo siya sa sahig at pinahid ang gilid ng labing pumutok na ngayon dahil sa malakas na sapak ng lalaki. “Let him be Roger, I deserve to be punished. Nang dahil saakin napahamak si Irene,” Nagulat si Roger dahil sa sinabi ni Eugene ngunit si Keith ay tila nagustuhan pa ang sinabi ng lalaki. “Tama! Ikaw ang may kasalanan Eugene! Nang dahil jan sa lintik mong mga kaaway!” Napantig ang tenga ni Eugene dahil sa sinabi ni Keith at ganoon ‘din si Roger. Kasama si Roger kahapon ng kausapin nila si Keith kaya sigurado siyang wala silang nabanggit tungkol sa kaaway o pagiging mafia ni Eugene. “I knew it. Hindi ka lang isang simpleng business man Keith Cortez.” Tayong sabi ni Eugene na siyang ikinatigil ni Keith. Napapikit siya ng mariin saktong bitaw sa kaniya ni Roger dahil alam niyang kalmado na ngayon ang lalaki. Sa sobrang emosyon na nararamdaman niya ay hindi niya naiwasan
“KAYANG makinig sa’yo ni Irene, Eugene. Pero hindi niya kayang harapin ka bukod sa trauma niya ay natatakot siya na magalit ka sa kaniya dahil sa nangyari. Tumalon sila sa kotse bago pa ‘man iyon malaglag sa bangin pero kapalit niyon ang pagkawal ang ala-ala ng kambal.” Naipikit ng mariin ni Eugene ang kaniyang mata matapos marinig lahat ng paliwanag ni Keith. “Why?” Natahimik si Keith ng magsalita si Eugene. Silang dalawa lang ang nandoon dahil umalis si Roger para sabihan sila Mason at Kayla sa nangyari. “H-hindi ko kayang magalit sa kaniya. Kung tutuusin ako pa ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kanila ‘to.” Naiiyak na sabi ni Eugene at napatingin sa natutulog na Ivan. Ayon sa doctor ay bumalik na ang ala-ala nito kaya hinimatay ang anak niya. Nagkaroon ng pansamantalang sakit ng ulo si Ivan kaya nakita nila itong nahihirapan kanina. Si Keith naman ay napabuntong hininga sa narinig na sinabi ni Eugene. “You can’t understand her unless you’re in her situation Eugene.
“I’M sorry hubby… Gusto ko sanang ako ang unang magsabi sa’yo alam mo na pala ang totoo. You even tricked me! Nakakahiya, nakikita mo na pala ako. Pero masaya ako para sa’yo na nakakakita ka na. Sorry ‘din kung wala ako sa tabi mo ng mga oras na ‘yon kahit pa na nangako ako sa’yo.” Silang dalawa lang ni Irene ngayon sa kanilang silid. Wala doon sila Kayla at ang kambal dahil lumabas muna ang dalawa at kasama naman nila si Roger na kadarating lang kaya wala silang problema. Ipinatong ni Eugene ang ulo niya sa balikat ng asawa. Magkatabi sila ngayon sa higaan nito at nakaupo habang magkahawak ang kanilang mga kamay na tila natatakot na mawala nanaman ang isa sa kanila. “Hindi kita masisisi na tinago mo ang mga anak ko wife. Katulad ng sabi ni Keith saakin hindi ko alam dahil wala ako sa sitwasyon mo pero tingin ko mas nakabuti pa nga na itinago mo sila at lumayo saakin.” Naipaliwanag na kasi sa kaniya ni Eugene ang lahat kung ano ang nangyari noong mga panahon na wala sila sa Pilipi
IRENE“HI Ms.Irene!” “Good morning Ms.Irene!” “Ms.Irene!” Ilang beses ko na bang naririnig ang pangalan ko ngayong araw? Isang linggo na simula nang magsimula ako bilabg sekretarya ni Eugene at masasabi ko na naging maayos naman ang trabaho ko at sa awa ng Dyos ay wala ng kakaibang nangyari sa nakalipas na mga araw. Hindi nawawala ang takot ko na maaaring mayroon nanamang mangyari pero mabuti at wala at sana lang ay tuloy-tuloy na iyon. Sa nakalipas na isang linggo ay naging sikat ako sa kumpanya ng asawa ko. Hindi ko alam pero siguro dahil sa buhok ko? Tuwang-tuwa kasi sila sa wig ko tapos ang pangalan ko pa ay violet. Sabi nila ay bagay na bagay daw saakin ang buhok ko at ang ganda-ganda ko lalo na kulay asul ang mata ko. Namangha pa nga sila na marunong ako magtagalog. Akala nila taga ibang bansa talaga ako. Masaya naman ako kahit na medyo sumikat ako ang problema lang marami talaga akong trabaho. Sa lahat ng napasukan ko bilang sekretarya ay itong kumapanya ni Eugene ang pin
Tatawa-tawa ako habang nasa loob ng elevator. Noon pa niya ako gustong makasabay sa lunch pero hindi talaga pwede dahil mahahalata ng mga katrabaho ko ang bagay na ‘yon. Pagdating ko sa cafeteria as usual madaming tao at patuloy nila akong binabati. Pakiramdam ko tuloy ako pa ‘rin si Juliette Clarke dahil sa atensyon na binibigay nila saakin e. Nag-order lang ako ng pagkain at agad na naupo sa isang table. Ang kaninang wala akong katabi ay napuno ng mga taong nakikilala ko na. “Ms. Violet! Late ka ngayon ah!” “Siguradong busy ‘yan mag-aaniversarry na e!” Napasimangot ako sa sinabi nila. Sino ba namang hindi mapapasimangot dahil kanina ko lang nalaman ang tungkol doon. “’Yun na nga problema ko. Kanina ko lang nalaman na anniversary na pala the day after tomorrow,” “Kanina mo lang nalaman?!” sabay-sabay na sabi ng tatlo na ikinangiwi ko. Sila si Jess, Lyn, at RC sila ang pinakang close ko sa mga employees dito dahil hindi na ‘rin sila tumigil kakadikit saakin. Ayos lang naman dah
“A-AH eh okay?” Gusto kong kotongan ang sarili ko dahil sa naging sagot ko at biglang tumahimik ang paligid. Ramdam ko ang tingin nilang lahat saamin ni Ivan. Nasa likuran ko kasi siya at napaharap ako sa kaniya dahil kinuha niya ang phone ko. “Kinausap siya ng anak ni sir!” “As expected from Ms. Violet!” “Baka close sila dahil secretary siya ni sir!” “Siguro nga! Tignan mo mukang naiinis si baby boy dahil hindi kumakain si Ms. Violet!” Napapikit ako sandali sa nagsimulang kumalat.na bulungan sa paligid. Akala ko naman tumahimik na sila pero may dumaan lang palang anghel at nagpatuloy sila kaka-daldal. “OMG! Dimo naman sinabi saamin na close pala kayo Ms.Violet!” Bulong ni Jess saakin. “Oo nga! Pakilala mo kami dali!” sabi pa ni Lyn pero sinamaan ko lang sila ng tingin na ikinatigil nila habang natatawa. Muli kong hinarap si Ivan at ngumiti ng alanganin dito. Paaalisin ko nalang muna siya at tyaka ko itutuloy ang ginagawa ko pero habang kumakain. “Uhm, don’t worry I will sto