“PERO babalik lang ako bilang Violet. Hindi pa ako handang magpakilala bilang Irene,” Dugtong na sabi ni Irene kay Keith at kita niya na natigilan ito hanggang maya-maya ay napangiti na ito. “Violet?! Paano nagbago ang isip mo? Ano ba talagang nangyari sa’yo?” Tama siya, matutuwa si Keith kapag nalaman nito na babalik na siya sa Pilipinas. Hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit atat na atat itong pauwiin siya doon pero buo na ang desisyon niya ngayon kaya ayos lang. Kinuwento niya ang buong pangyayari kay Keith na hindi nito ikinapaniwala. Well, kahit naman siya ay hindi makapaniwala na mangayayari ang lahat ng iyon. Basta sa bandang huli nagdecide siya na umuwi na sa Pilipinas. Gusto niyang unti-untiin ang lahat bago siya umamin kay Eugene, ayaw niyang biglain ito lalo na wala pang naaalala ang kambal. “Just go straight to the point ano ka ba! Asawa ka niya, mapapatawad ka nu’n!” Umiling si Irene dahil sa sinabi ni Keith sa kaniya at hindi na makatingin dito. “Alam mon
“YOUR right Eugene. Pauwi na sila ng Pilipinas,” natutuwang sabi ni Roger kay Eugene ng makapasok ito sa silid ng lalaki. Tila naman nakahinga ng maluwag si Eugene at nabawasan ang pag-aalala sa kaniyang puso dahil sa nalaman na iyon. “Did you—” “Eugene! Are you seeing this?! Umalis na ng bansa si Irene!” Naputol ang sasabihin ni Eugene ng biglang pumasok ang kaibigan niya na si Mason na ikinakunot nang noo niya. Malinaw ang sabi niya sa kaibigan na ‘wag aalis ng bansa at samahan lang si Kayla kaya paanong nandoon ito ngayon sa Venice, Italy. “’Wag mo akong bigyan ng masamang tingin! Hindi ko ginusto ito! Pinilit ako ni Kayla, alam mong hindi ako makakahindi sa kaniya.” Agad na dahilan ni Mason ng makita niya ang masamang tingin ng kaibigan na siyang ikinabuntong hininga niya. Sa isang taon na lumipas ay marami nang nagbago. Simula ng umalis ang asawa niya kasama ang mga anak niya ay hindi niya alam ang gagawin pero sa tulong ng mga kaibigan niya, pinsan at ni Kayla ay naga
“MOMMY nasa Pilipinas na po tayo?” Antok na tanong ni Kylie sa ina habang buhat-buhat niya ito. Si Ivan naman ay buhat ni Keith na nasa likuran niya dahil papunta na sila ngayon sa kwartong tutuluyan nila “Yes baby. Sleep more, madaling araw palang.” Ngiti niyang sabi dito at hinalikan ang noo ng anak kaya mas yumakap si Kylie sa leeg niya. Nang maibaba na nila ang kambal sa kwarto nito ay magkasabay silang bumaba at nagtungo sa kusina ni Keith kung saan binigyan sila ng kape ng katulong na naroroon. Nagpasalamat lang si Irene sa mga ito, nasa bahay sila ngayon ni Keith sa manila. Hindi na siya magatataka kung bakit may bahay si Keith sa manila sa yaman ba naman nito pero pakiramdaman niya mas dumami na ang utang niya sa kaibigan. “Pasensya na Keith. Nahila kita ng bigla-bigla tapos pinatuloy mo pa kami sa bahay mo, sabi ko naman sa’yo ayos lang naman na kumuha kami ng condo.” Tinaasan siya ng kilay ni Keith dahil sa sinabi niya at uminom muna ng kape bago nagsalita. ‘’Wa
“IRENE!” Napalingon si Irene sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Keith na malaki ang ngiti sa kaniya. Pinanliitan niya ito ng mata at laking pasasalamat niya at walang ibang tao doon sa salas kundi sila lang ng mga bata na naglalaro ng chess. “Pwede ba Keith my name is Violet okay? Violet!” mahinang sabi niya dito at umirap na ikinatawa lang ni Keith. “Hindi pa ‘rin magbabago ang totoo na ikaw si Irene, hindi ba twins?” “Yes mommy! Mas bagay nga po sa inyo ang totoo niyong name. Hindi nga po namin alam kung ba’t kailangan mo pa ng maraming katauhan at pangalan,” sabi ni Ivan habang seryoso pa ‘ring nakatingin sa chess board na tila nag-iisip ng susunod na move. Si Irene naman ay natigilan dahil sa sinabi ng anak. Napatingin siya dito at parang na-konsensya dahil doon. Alam niyang hindi nagtatanong ang kambal sa dahilan kung bakit paiba-iba siya ng pangalan at katauhan, iyon ang unang pagkakataon na nagsalita ang isa sa kanila tungkol doon. “Hah! I won!” maya-maya biglang
“May kaboses ka Ms. Violet. Violet ba talaga ng totoo mong pangalan?” Napalunok si Irene sa tanong ni Eugene sa kaniya habang nasa loob sila ng kotse habang papunta sa pag-me-metingan nila. Pinapaliwanag niya kasi kay Eugene kung para saan ang meeting nila ngayon, although alam niyang alam na iyon ng lalaki pero trabaho niya pa ‘rin iyon bilang secretary. Nasa passenger seat si Eugene habang si Roger ang nag da-drive kaya hindi niya alam kung paanong upo ang gagawin niya sa kinalalagyan niya dahil sa tanong ni Eugene. “A-ah yes po. Violet Smith ang pangalan ko, Filipina ang mother ko while my father is a German.” Napa cross fingers si Irene dahil sa sinasabi niyang kasinungalingan sa lalaki. “I see.” Tumahimik na si Eugene kaya nakahinga siya ng maluwag at sumandal nalang sa kinauupuan niya. Ang daming tanong sa isip niya katulad nalang paano napunta agad si Eugene sa Pilipinas gayong iniwan niya ito sa Italy! At bakit tanggap na agad siya, alam niyang hindi lang iyon ang r
“MAAYOS na naman ang lagay niya. Dahil sa sobrang stress kaya ‘din siya hinimatay, sa ngayon hayaan niyo muna siyang magpahinga.” ‘Yan ang sinabi ng doctor kila Eugene at Roger matapos nitong magamot si Irene. Naglakad palapit si Eugene sa kinahihigaan ni Irene at ngayon ay pareho na silang mayroon gauze sa kanilang bandang ulo at noo dahil doon sila tinamaan. “Eugene, lalabas muna ako. Kakausapin ko si Mason at Eva about dito,” sabi ni Roger sa alaga niya ngunit hindi siya nito pinansin kung kaya napabuntong hininga nalamang siya bago tuluyang lumabas. Nilingon pa niya sa huling pagkakataon si Eugene bago tuluyang lumabas. Hindi na kailangan tanungin kung anong nangyari, sigurado siyang alam ni Eugene na ang kalaban nila ang may gawa niyon at sigurado ‘din siya na sinisisi nanaman ni Eugene ang sarili niya kung bakit nangyari iyon kay Irene. Alam nila na mag-aapply si Irene sa kumapanya ni Eugene. Noong kinausap ni Eugene si Keith ay doon nila napagkasunduan na ganoon ang gawi
NAPATINGIN si Eugene kay Keith at kitang-kita niya ang nagbabagang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Naupo siya sa sahig at pinahid ang gilid ng labing pumutok na ngayon dahil sa malakas na sapak ng lalaki. “Let him be Roger, I deserve to be punished. Nang dahil saakin napahamak si Irene,” Nagulat si Roger dahil sa sinabi ni Eugene ngunit si Keith ay tila nagustuhan pa ang sinabi ng lalaki. “Tama! Ikaw ang may kasalanan Eugene! Nang dahil jan sa lintik mong mga kaaway!” Napantig ang tenga ni Eugene dahil sa sinabi ni Keith at ganoon ‘din si Roger. Kasama si Roger kahapon ng kausapin nila si Keith kaya sigurado siyang wala silang nabanggit tungkol sa kaaway o pagiging mafia ni Eugene. “I knew it. Hindi ka lang isang simpleng business man Keith Cortez.” Tayong sabi ni Eugene na siyang ikinatigil ni Keith. Napapikit siya ng mariin saktong bitaw sa kaniya ni Roger dahil alam niyang kalmado na ngayon ang lalaki. Sa sobrang emosyon na nararamdaman niya ay hindi niya naiwasan
“KAYANG makinig sa’yo ni Irene, Eugene. Pero hindi niya kayang harapin ka bukod sa trauma niya ay natatakot siya na magalit ka sa kaniya dahil sa nangyari. Tumalon sila sa kotse bago pa ‘man iyon malaglag sa bangin pero kapalit niyon ang pagkawal ang ala-ala ng kambal.” Naipikit ng mariin ni Eugene ang kaniyang mata matapos marinig lahat ng paliwanag ni Keith. “Why?” Natahimik si Keith ng magsalita si Eugene. Silang dalawa lang ang nandoon dahil umalis si Roger para sabihan sila Mason at Kayla sa nangyari. “H-hindi ko kayang magalit sa kaniya. Kung tutuusin ako pa ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kanila ‘to.” Naiiyak na sabi ni Eugene at napatingin sa natutulog na Ivan. Ayon sa doctor ay bumalik na ang ala-ala nito kaya hinimatay ang anak niya. Nagkaroon ng pansamantalang sakit ng ulo si Ivan kaya nakita nila itong nahihirapan kanina. Si Keith naman ay napabuntong hininga sa narinig na sinabi ni Eugene. “You can’t understand her unless you’re in her situation Eugene.