Share

Kabanata 61

Kinabukasan nang mag umaga ay may order na galing sa doctor na puwede na akong umuwi. Ang kailangan ko lang ay magpahinga nang maayos. Habang papa-uwi kami, si Manuel ay panay nakaw ng tingin sa akin. Kada minuto rin siyang nag-tatanong kung may masakit ba sa akin o di kaya ay may gusto ba akong kainin. Nang mainip ako sa kaniya, ay saka lamang siya tumahimik. Ngayong alam niyang hindi lang pag-iinarte ang dahilan ng manipis kong pasensya ay agad na siyang nagpaparaya. Wala ng paligoy-ligoy pa. Ayaw niya atang kumalaban ng buntis.

Nang may nakita akong isang bakeshop, natakam ako sa croissant na kinakain ng isang customer. Agad kong 'tong sinabi sa asawa kong nagmamaneho. Sinabi ko sa kaniya na i take out nalang namin at sa bahay na lamang namin kainin. Hindi siya pumalag sa gusto ko. Siya lamang ang hinayaan kong bumili dahil namangha ako sa mga design ng cake na dinidisplay. Pagkatapos niyang mag-order ay lumapit siya sa akin at laking gulat ko nang kay raming croissant ang binili
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status