"Sir, kape niyo po," lapag niya sa mainit at bagong timplang inumin sa harapan nito.Halatang masakit ang ulo ng amo niya dahil sa hindi matigil na paghilot nito sa ulo habang nakatukod ang siko sa lamesa."Thanks," tipid na tugon nito bago humigop sa tasa.Matapos ng gabing iyon ay mas naging maalaga na siya sa binata, ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat upang matulungan ang lalake sa abot ng kanyang makakaya, bilang kabayaran sa panibagong buhay na ipinagkaloob nito sa kanya.Wala na siyang paki-alam kahit pa mayroon itong madilim na lihim, basta ang importante sa kanya ay ang masuklian ang kabutihan nito sa kanila.Naroon rin kasi ang tuwang naidudulot nito sa kanya, lalo na at alam niyang kahit papaano sa simpleng paraan niya ay mababawasan niya ang kung anong mabigat na dinaramdamdam ng amo. Iyon na lang ang tanging paraan na alam niya para pasalamatan ito.
"Ateng, lalake ang anak mo!" napapapalatak na sambit ng kinakapatid.Parang kuryenteng bumalot sa kanyang katawan ang mga katagang binitiwan ni Clifford, dahil may kung anong kaba ang naidulot nito."Mabuti pa, padedehen mo na siya" galak na sambit ni Porsya habang hinihele ito.Umalingawngaw sa kanyang tenga ang tinig ng ilang nagtatawanan sa paligid, kahit wala naman lumilikha ng ganoon ingay doon.Para bang isang kidlat na lang na lumitaw sa kanyang isipan ang ilang alaala nang araw na ibinigay niya ang sariling puri para sa pera,Tila napalitan sa kanyang pandinig ng sigaw at hiyawan ng mga tao ang iyak ng mumunting sanggol na para bang naroon lang ang mga ito.Ganoon na lang tuloy ang kanyang panginginig nang itabi sa kanya ng kinakapatid ang bagong silang na bata."Hoy ateng, ayos ka lang ba?" Kunot noong pansin na lang ang kinakapatid niya sa kanyang inasal.
"Magandang umaga po sir," bati niya sa binata nang magising na ito. Tulad ng inaasahan niya ay nangingiwi ito sa sakit sa pagkakahiga sa sahig."Nakatulog ba ako dito?" kunot noo nitong saad sa kanya habang pilit na bumabangon. "Fuck!" daing pa ng binata sabay napahawak na lang sa isang paa nito."Sir, mag almusal muna po kayo," alalay niya na lang dito patayo."Did I do anything stupid?" muli nitong baling sa kanya na medyo nakakunot pa rin ang noo.Bigla niya na lang naalala ang mga pagwawala, pag-iyak at pagsasalita nito kagabi."Po?" maang niya na lang."Huwag mo na lang isipin iyong sinabi ko," saad na lang nito habang hinihilot ang hita."Uhm sir, sino po si Celina?" hindi niya mapigilan ang itanong nang maalala ang pangalan na paulit-ulit na binabanggit nito kagabi."Bakit, tumawag ba siya?" taranta nitong hina
"Totoo kaya iyon?" Nagpalinga linga na lang siya sa salamin habang inaayos ang abot baywang na buhok. "Magugustuhan rin kaya ako ni sir Luke kapag ginawa ko iyon?" Muli siyang pumustura upang pagmasdan ang sarili. "Ano sa tingin mo anak?" lingon niya sa supling na halatang aliw na aliw sa panonood sa kanya, panaka naka pa ang palakpak nito habang pangiti-ngiti. Ganoon na lang ang pagkawala ng sarili niyang ngiti sa saya sa hitsura nito. "Sino nga bang niloloko ko," pagak na tawa na lang niya.Naroon ang parte sa kanyang isipan na impossible iyong mangyari lalo pa at isa siyang dalagang ina, maliban sa katotohanan na may ibang babae ang itinitibok ng puso ng kanyang amo."Ma, ma, ma!" hagikgik na sigaw na lang ni Miko.Ganoon na lang ang panunumbalik ng tuwa sa kanya nang makita kung paano siya nito pilit na inaabot para magpakarga. Nagawang mabura ng bagay na iyon ang agam-agam niya sa sarili na nagsisimula nanaman bumal
"Gusto ko tikman iyong gatas mo," pigil tawa nitong saad."Si-sir, wag po kayo magbiro ng ganyan" Napalunok na lang siya ng malalim nang magdulot ng kung anong kakatuwang pakiramdam ang mga sinabi nito.Natuod si Freyja sa pwesto sa sobrang kaba, idagdag pa roon ang panginginig sa kanyang kalamnan dulot ng sobrang dikit nila sa isa't isa.Hindi niya lubos akalain na magsasalita ito ng ganoon sa kanya, kaya matindi na lang ang pagkasorpresa niya rito."Dali na! Tayong dalawa lang naman nandito eh, wala naman makakaalam. Isipin mo na lang, kunwari ako si baby." Napahagikgik na lang itong muli."Si..sir!" tili na lang niya.Ganoon na lang ang gulat ni Freyja nang biglaan siyang yakagin ng lalake upang mapaibabaw dito habang nakahiga.Mabilis na kumalat ang kung anong kuryente sa buo niyang katawan, lalo pa nang dumampi ang isang kamay nito sa kanyang mga
"How are you Thorin, did you miss me?" Tuwang-tuwa ang mumunting bata habang buhat-buhat ni sir Luke. "Ang laki-laki mo na ah." Kurot pa nito sa matambok na pisngi nito na siya naman nagpahagikgik dito."Da!" Ganoon na lang ang gulat ng lalake sabay tawa nang biglaan sampalin sa mukha ng paslit."Manang Sabel, may almusal na po ba?" Napatingin na lang silang lahat ng maulinigan ang pagpasok ng isa pang amo, halata ang pagkasorpresa sa kanilang mukha nang makita ito na naroon. "Oh my gosh, who's baby is that!" Dali-daling lapit ng kakambal ng binata dito. "Hello," kurot na lang nito sa pisngi ng mumunting bata."Isn't he cute" saad na lang ng lalake sa kapatid."Siya ba iyong anak mo Freyja?" Ngiting baling sa kanya ni mam Lucy.Isang tango na lang ang isinagot niya rito. Hindi pa rin kasi mawala sa kanyang isip ang matinding kaba ng mga sandaling iyon."Naku,
"Papa, gusto ko po sumama!" pakiusap niya sa ama habang naghahanda ito. "Maiinip ka lang doon," saad nito. "Mama, gusto ko po sumama kay papa!" minabuti niya ng sa ina na lang makiusap."Pa, sige na, isama mo na. Hindi naman iyan malikot," pakiusap ng mama niya dito. Napabuntong hininga na lang ito. "Wag kang magkukulit doon." Napangiti na lang siya sa sinabi ng ama, sabay dali-daling tumakbo papunta sa kuwarto niya para magbihis "Saan kayo pupunta? " salubong sa kanya ng kanyang kapatid pakalabas niya ng silid, kita ang pagkunot ng noo nito. "Sasama ako kay papa sa birthday," pagmamalaki niya dito na malapad ang ngisi "Gusto ko din sumama!" biglang habol ng kapatid niya, tumungo ito sa mama nila at kitang nakikiusap din. "Lucy, hindi kayo kayang dalawa ng papa mo, so dito ka na lang kasama ko, okay. Magba-bake na lang tayo! " paglalambing ng mama niya sa kakambal niya, nakanguso ito pero pumayag din naman sa paikusap dito. Tuwang-tuwa siyang nagtatalon habang patungo sa kots
"And the winner is!" alingawngaw ng boses sa mikropono.Lahat halos ng tao sa paligid ng entablado ay atentibong nakatuon sa sasabihin ng tagapagsalita. Halos hindi siya makahinga dahil sa kaba habang hinihintay ang hatol sa patimpalak, magkatikom ang kanyang mga kamay habang taimtim siyang nagdarasal habang nakapikit. "Abigail Freyja Salazar!" parang tumigil ang tibok ng kanyang puso nang ianunsyo ang kanyang pangalan. Malakas ang hiyawan ng mga tao kasabay ng matunog na mga palakpakan habang iniaabot sa kanya ang bulaklak at tropeyo, naluluha-luha pa siya sa sobrang tuwa habang kumakaway sa mga manonood na naroon. "Ay bakla! ang galing mo talaga!" bati sa kanya ng kaibigan si Clifford pakababa niya ng entablado. Tinulungan na siya ng mga ito na magdala ng mga bitbit, napapatalon na lang sila sa galak dahil hindi nila maitago ang sobrang tuwa. "Salamat," natatawang saad na lang niya sa mga ito.Halos hating gabi na nang makauwi sila, pero hindi pa rin maalis sa mukha niya ang ng