Share

Chapter 27 Is it possible?

"Magandang umaga po sir," bati niya sa binata nang magising na ito. Tulad ng inaasahan niya ay nangingiwi ito sa sakit sa pagkakahiga sa sahig.

"Nakatulog ba ako dito?" kunot noo nitong saad sa kanya habang pilit na bumabangon. "Fuck!" daing pa ng binata sabay napahawak na lang sa isang paa nito.

"Sir, mag almusal muna po kayo," alalay niya na lang dito patayo.

"Did I do anything stupid?" muli nitong baling sa kanya na medyo nakakunot pa rin ang noo.

Bigla niya na lang naalala ang mga pagwawala, pag-iyak at pagsasalita nito kagabi.

"Po?" maang niya na lang.

"Huwag mo na lang isipin iyong sinabi ko," saad na lang nito habang hinihilot ang hita.

"Uhm sir, sino po si Celina?" hindi niya mapigilan ang itanong nang maalala ang pangalan na paulit-ulit na binabanggit nito kagabi.

"Bakit, tumawag ba siya?" taranta nitong hina

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status