Share

Chapter 6 New life and trials

"Hoy ateng, kailan mo ba balak sagutin si papa George? grabe ang tagal na niyang nanliligaw sa iyo ah" napapigil na lang siya ng tawa sa pangungulit ng kaibigan.

"Ano ka ba naman Clifford sabi ko naman sa iyo diba, hindi pa ako handa para sa ganyan" isinawalang bahala niya na lang ang muna ito.

Kahit alam niya naman na seryoso si George ay sadyang hindi niya kayang pumasok sa ganoong bagay lalo na sa kasalukuyan nilang kalagayan.

"Ay naku. kailan ka pa magiging handa, sige ka, kapag ikaw naunahan," sermon nito sabay namaywang sa harap niya.

Natahimik na lang siya sa sinabi ng kaibigan, naroon naman kasi ang pagkagusto niya sa naturang binata, subalit tila parang hindi pa siya handa para sa ganoon na bagay.

Ilang sandali rin gumulo sa kanyang isip ang mga bagay na iyon, gusto niya rin naman si George ngunit sadyang nangingibabaw ang kanyang takot. Nakadagdag pa sa kanyang alalahanin ang katotohanan na maaaring may magustuhan ibang babae ang binata lalo na at alam niyang napakaraming mas higit sa kanya sa lugar na iyon.

Hati ang kanyang isipan, nagtatalo sa dalawang bagay na gusto niyang gawin. Lalo pa at hindi niya nais na magkamali sa kaisa-isang bagay na kinokonsidera niyang maganda sa kanyang buhay.

Natigilan lamang siya sa pagmumuni-muni nang makita si Porysa na tumatakbo sa hindi kalayuan at kumakaway sa kanila.

"Ateng!" tili nitong tawag.

Napangiti na lang siya ng malapad sa aligagang hitsura nito. "Uy, Porsya, nagmamadali ka?" masaya niyang turan dito.

"Tara ateng bilis!" agad na hawak ng kaibigan sa kanya.

Nanlaki na lang ang mata niya nang bigla siyang hatakin nito.

"Hoy bakla, ano bang problema mo?" sita ni Clifford na sumunod na rin dito.

"Mamaya ko na sasabihin, bilis!" hila nitong muli.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang umunod sa kaibigan, napakunot na lang siya ng noo nang makitang may nakaabang ng tricycle sa kanila sa hindi kalayuan.

“Hoy, ano bang mayroon?” alala niyang sita nang itulak siya nito papasok sa naturang sasakyan.

Agad naman itong pumasok nang makaupo na siya at si Clifford sa loob. "Manong, sa hospital po, bilis!" sigaw na lang nito sa nagdridrive.

Parang piniga ang kanyang dibdib dahil sa kaba sa nadinig mula rito, panandalian siyang natahimik hanggang sa mahimasmasan.

"Po...Porsya, ano nangyari!" kapit niya sa braso ng kaibigan.

Batid ang pagkabalisa nito, pawis na pawis at balisa habang nakatutulala at namumutla. Nanginginig pa ito nang dahan-dahan na bumaling sa kanya.

"A...ateng, ang nanay mo," nanghihina nitong sambit.

Parang bigla na lang dumilim ang buo niyang paligid at tila nakarinig na lang siya ng mga kalansing sa kanyang tenga nang mapagtanto ang mga katagang iyon.

Halos kumaripas sila ng takbo papasok sa hospital, kahit na hindi na siya makahinga sa kakapusan ng hangin ay pilit pa rin niyang kinaladkad ang mga paa para gumalaw.

"Ninang!" Namamaos na ang boses niya nang tawagin ang babae sa di kalayuan.

Nakayakap ito sa sarili habang nakatayo sa harap ng pinto at magang-maga na ang mga mata. Lumingon naman ang ginang nang madinig ang boses niya.

"Abigail!" Punong-puno pa ng luha ang mukha nito pakatingin sa kanya.

"A...ano pong nangyari?" napakapit na lang siya rito dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod.

Napayakap naman ito sa kanya. "Ang mama mo!" Subsob nito sa balikat niya.

Nanginig na lamang siya nang madama ang basang-basang mukha nito dahil na rin sa kung anong panlalambot niya ng mga sandaling iyon.

"Ninang, ano po ba ang nangyari?" Layo niya dito para makita ang mukha nito.

"I...inatake siya sa puso," hagulgol na lang nito.

Ganoon na lang ang pagguho ng kanyang mundo sa mga katagang lumabas sa bibig nito, nagsimula na siyang huminga ng mas malalim dahil sa takot at kabang agaran bumalot sa kanyang dibdib.

Ilang sandali rin siyang nanatiling tulala matapos ang mga nalaman, kaya naman ganoon na lang ang pilit pag-aalo ni Clifford sa kanya, Ssubalit hindi niya magawang gumalaw dahil sa tindi ng panlulumo ng mga sandaling iyon.

"Ateng, ano ba, huwag ka naman ganyan," alog sa kanya ni Clifford, batid ang matinding pag-aalala sa boses nito. "Malakas ang mama mo, lalaban siya kaya umayos ka na," sambit na lang nito.

Tuluyan na siyang napahagulgol nang hindi niya na kinaya ang bigat sa kanyang dibdib. Napaluhod na lang siya rito kaya naman niyakap siya ng mahigpit ng kinakapatid.

"Clifford, hindi ko kayang mawala si mama!" malakas na hagulgol niya rito.

Hindi na siya mapakali ng mga sandaling iyon dahil sa kaalaman at posibilidad na mawawala ang kaisa-isang taong nagsisilbing lakas niya.

Buong ingat na hinaplos na lang ni Clifford ang likuran ni Freyha. "Huwag kang mag-isip ng ganyan, malakas ang mama mo, lalaban siya," alo nito.

Ngunit hindi niya magawang pigilan ang pangamba at pag-iyak dahil sa katotohanan na halos wala ng lakas at kakayahan ang kanyang ina na labanan pa ang kinakahrap nito, matapos ng lahat ng pinagdaanan nila.

Nakadagdag pa sa kanyang alalahanin na ilang oras na ang lumilipas pero wala pa rin silang balita sa mga doctor ukol sa lagay nito.

Bahagya lang siyang nakahuma nang matapos ang ilan pang oras ay may mangilan-ngilan na silang nurse na nakakausap ukol sa kalagayan ng ina.

"Ano bang nangyari?" muli niyang tanong sa mga kasama nang tuluyan ng makabawi.

Tahimik at buong taimtim na kasi silang naghihintay ng mga sandaling iyon habang nakaupo sa may pasilyo malapit sa emergency room.

"Tinakbo namin siya kaagad dito sa hospital kasi napansin namin na namumutla na siya at hindi namin siya magawang magising kanina," pigil hikbi na lang ng ninang niya.

Napaluha na lang siyang muli nang maisip kung ano ang posibleng naging dahilan ng tila pagkakaganoon nito.

Napatigil lang siya sa mga iniisip nang lumingon ang ninang niya sa silid na pinagdalhan sa mama niya dahil may ilang mga tao na ang lumabar mula roon.

"Ayan na iyong doctor!" paalam na lang nito.

Sabay-sabay silang napatayo dahil sa sinabi ng kanyang ninang. Dinumog kaagad nila ang nasabing lalake nang makalapit na ito.

"Doc, kamusta na po ang mama ko?" Nakadama na siya ng ginhawa nang makita ang pagngiti nito.

"Ayos na siya ngayon, pero kailangan pa namin siyang obserbahan ng ilang araw," paliwanag ng lalake.

Napahawak na lang siya sa kanyang bibig para pigilan ang bahagyang paghikbi sa narinig dahil sa tuwa sa nalaman.

"Ano po bang nangyari?" singit kaagad ni Clifford.

"Nakaranas siya ng stroke," pagpapaalam nito. "Makabubuti kung hahayaan muna natin siyang magpahinga," payo nito sa kanila bago sila tanguan.

“Opo, pwede na po ba siyang makita?” singit naman ng kanyang ninang dito.

“Ililipat na namin siya sa silid niya, hintayin niyo na lang siya roon,” turan nito.

“Salamat po doc,” paalam na lang nila rito matapos nitong tumango.

Ilang sandali lang ang hinintay nila at inilabas na rin sa emergency room ang kanyang mama, ganoon na lamang ang pagmamaali nila na sumunod dito hanggang sa makarating sa naturang silid na paglalagyan dito.

Nanginginig pa rin ang mga paa niya ng mga sandaling iyon habang inaalalayan siya ng mga kaibigan para tumungo sa loob, ganoon na lang ang hinagpis niya nang makita ang nakaratay na ina sa higaan.

Sa loob lamang ng ilang araw ay napakalaki na ng ipinayat nito at bakas ang matinding pagod sa mukha. Naroon ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito at ang lalim noon.

Lalo pa siyang nanlumo dahiul sa kasalukuyan na hitsura nito, ngayon na mayroon ng nakakabit na mga aparato sa katawan nito habang nakaratay.

Napatakbo na lang siya sa tabi nito upang mahawakan at makasiguro na naroon pa rin ang ina. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito para maramdaman ang mainit nitong mga palad na agad niya naman inilapat sa kanyang mukha.

Walang ibang tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na iyon kung hindi ang pagnanais na makita ang pagdilat nitong muli.

“Nay, ayos lang po ba kayo?” buong lambing niyang sambit habang pinagmamasdan ito.

Tila parang natutulog lang ito ng mga oras na iyon, subalit kahit ganoon ay hindi pa rin siya mapanatag dahil wala siyang kasiguraduhan sa lagay nito at hindi niya alam ang kahihinatnan nito kapag tumagal pa sa ganoon kalagayan.

“Gumising na kayo nay, pakiusap po,” buong pagsusumamo niya habang mahigpit na kumakapit sa kamay nito.

Wala na siyang ibang masabi ng mga sandaling iyon upang magising ito. Ngunit iyon na lamang ang tanging kaya niyang gawin.

Hindi niya na mapigilan ang tuluyan panghinaan ng loob dahil sa kawalan ng kakayahan, lakas at magagawa upang magising itong muli.

Pakiramdam niya tuloy ay napakawala niyang kuwenta ng mga oras na iyon, dahil hanggang tingin at pakiusap lamang ang tangi niyang nagagawa ng mga sandaling iyon.

“Ateng, hayaan mo muna magpahinga si ninang, gigising rin iyan kapag nakabawi na,” maingat na haplos na lang ni Clifford sa kanyang balikat.

“Oo nga. Mabuti pa kung hahayaan na muna natin ang nanay mo para naman mabilis siya kaagad lumakas,” tudyo naman ng ninang niya.

“Ateng, maging malakas ka, kailangan ka ni tita,” dugtong naman ni Porsya.

Pinilit niya na lamang kumalma at umayos upang kahit papaano ay mapanatili ang natitirang lakas, para na rin sa ikabubuti ng kanyang ina.

Naroon kasi ang takot niya na tuluyan itong mawala at hindi niya na alam kung ano na ang kanyang gagawin sa pagkakataon na mangyari iyon.

Napatigil lamang sila sa pag-uusap nang may isang nurse ang bigla na lang lumapit sa higaan ng kanyang ina na may dalang isang maliit na lalagyan.

“Mam, kailangan niyo po pala ito bilhinn na gamot para kay mam,” saad nito habang inaabot ang isang reseta sa kanila.

“Ma…magkano po kaya ito lahat?” saad niya nang makita ang dami noon.

Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay sa kanya ng babae. “Sa pharmacy na lang po kayo magtanong mam, pero ito pong dalawa sa baba kailangan niyo po bilhin sa labas, hanap na lang po kayo kung saan mas mura sa mga botika diyan,” pagbibigay alam nito pakaturo sa mga naturang gamot.

Napalunok na lang siya ng mapait habang pinapakatitigan ang dami ng kailangan at kung ilan beses iyon sa isang araw kailangan ng kanyang ina.

“Thank you miss,” iyon na lang ang tangi niyang nasagot dahil sa unti-unti nanaman siyang pinanghihinaan.

“Mabuti po na mabili na iyan kaagad, dahil kailangan na po iyan ni nanay,” pagpapaalam nitong muli.

Isang malalim na paglunok na lang ang nagawa niya dahil doon. “Kailangan na po ba ito kaagad?” pakiwari na lang niya dahil tanging ang pinagbentahan niya lang ng araw na iyon ang kanyang dala.

“Oo, pero huwag ka mag-alala, mayroon kami sobra ngayon dito galing sa isang pasyente dati, para malagyan na natin siya,” buong tamis na ngiti na lang nito habag iniaangat ang ilang mga maliliit na botelya sa kanila.

Bahagya siyang nakadama ng ginhawa at gaan ng loob kaya ganoon na lang ang paghinga niya ng maluwag dahil dito.

“Maraming salamat ate,” sambit na lang niya dito.

Tumango na lang ito bago simulan na iturok ang mga naturang gamot sa tubo na nakakabit sa dextrose ng kanyang ina.

“Ateng, tara, mabuti pa tingnan na natin kung magkano iyang gamot,” tapik na lang sa kanya ni Clifford.

Binalingan na lang niya ang kanyang iba pang mga naroon. “Ninang, okay lang po ba na iwan ko muna kayo sandali,” pakiusap na lang niya.

“Sige na, kami na muna bahala rito,” ngiting tango na lang nito.

Agad na lang niya niyakap ang ninang niya bago sumama sa kaibigan upang tumungo na sa botika ng hospital. Mas lalo lamang siyang nabagabag nang malaman ang presyo ng bawat isang gamot, mas lalo pa siyang napanghinaan ng loob dahil tila hindi ganoon kalaki ang bawas sa naturang gamot sa mga tindahan na nasa labas.

Kulang na kulang pa ang kinita niya nang araw na iyon, kaya naman tulad kanina ay unti-unti na siyang naluluha dahil wala pa sa kalahati ang nabibili niyang gamot.

“Ateng, huwag ka naman ganyan, makakaraos din tayo.” Agad na yakap na lang ni Clifford sa kanya habang bahagyang hinahaplos ang likod niya.

Pang-isang araw lang ito eh, anong gagawin ko, paano na si nanay,” tuloy-tuloy na lang niyang hagulgol dahil sa unti-unti nanaman na panghihina sa tila kawalan nanaman ng pag-asa ng mga oras na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status