Share

Chapter Four

Hindi maiwasang isipin ni Vincent ang babaeng nakabangga niya at dinala sa hotel dahil sa kalasingan habang nasa trabaho siya. Minsan napapatulala siya habang iniisip ang babae. Marahan siyang napabuntong-hininga.

Biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok ang kaniyang ina na may malapad na ngiti sa mga labi. Kahit nasa edad singkwenta'y dos na ang kaniyang ina ay napakaganda pa rin nito. Parang nasa edad trenta pataas pa lang ito dahil na rin sa alaga nito ang sarili. Nakasuot ito ng fitted black pants na hapit sa katawan at blouse na kulay puti.

Maganda ang hubog ng katawan nito. Isa sa pinaka-ayaw nito ang mapabayaan ang sarili. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya. Parang modelo ito kung maglakad. Nang makalapit ay tumayo siya at lumabas ng mesa tsaka niyakap ang kaniyang ina at binigyan ng halik sa pisngi.

"Why are you here, mom?" tanong niya sa ina nang kumalas siya sa pagkakayakap nito. Naglakad ito patungo sa visitor's chair na walang emosyon ang mukha at umupo. Seryuso ito, mukhang masinsinan ang pag-uusapan nila ng kaniyang ina.

"Nag-usap kami ng Tita Regina mo, mamemeet mo na mamaya ang babaeng gusto namin na mapangasawa mo." aniya sa seryusong boses at walang emosyon ang mukha. Kapag ganiya ang itsura ng kaniyang ina, hindi dapat siya pwede komontra. Pero kailangan malaman ng kaniyang ina ang saloobin niya.

"Kailangan ba talagang gawin ito, mom? I like someone kaya-- Pinutol na ng kaniyang ina ang iba pa niyang sasabihin. Matalim ang tingin na tiningnan siya.

"If you like that someone, maybe it's better to forget her! Hindi pwedeng sa iba ka maikasal, anak. Gusto namin ng Tita Regina mo na magkatuluyan kayo ng dalaga niya. Mabait si Candice at siya ang gusto ko para sayo. So, no buts!" tumayo na ito at naglakad patungo sa pinto, pero bago tuluyang pihitin ang doorknob, lumingon ito sa kaniya.

"You will meet her, later. Magdidinner sila sa bahay mamaya." anito at pinihit ang doorknob tsaka tuluyang lumabas ng opisina niya. Doon niya pinakawalan ang malalim na buntong-hininga at napatitig sa kisame at napailing-iling.

"Kilangan ko ng ihanda ang sarili ko dahil soonest, hindi na ako single." aniya at bumuga ng hangin.

Hindi mapakali si Candice habang nasa kwarto at nagbibihis. Hindi niya mawari pero kinakabahan siya sa pagkikita nila ni Vincent. Huminga siya ng malalim tsaka kinuha ang kaniyang baguette bag na nasa kama.

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nadatnan niya kaniyang ama at ina na nasa salas at hinihintasy siya. Tumayo ang kaniyang ina at sinalubong siya at hinagod siya mula ulo hanggang paa ng buong paghanga. Tinitigan siya nito at nginitian.

"Napakaganda mo, iha. For sure, maiinlove sayo si Viincent." anang kaniyang ina na may pilyong ngiti sa mga labi.

"Kanino pa ba magmamana ang iyong anak, kundi sa'yo sweetheart." anang kaniyang ama na lumapit sa ina at inakbayan. Tiningala naman ng kaniyang ina ang ama.

"Thank you, sweetheart." anito.

Mabilis na hinalikan nito ang kaniyang ina. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, nakatitig lamang siya sa mga ito. Punong-puno ng paghanga ang kaniyang mukha dahil sa pagmamahal na mayroon ang kaniyang magulang sa isa't-isa.

"So, let's go?" yaya ng kaniyang ama sa kanila.

"Sige po."

"Okay sweetheart."

Sabay-sabay silang lumabas ng bahay at tinungo ang garahe tsaka sumakay sa itim na van nila. Pinausad iyon ng kaniyang ama patungo sa mansiyon ng pamilya De Silva.

Hindi mapakali si Vincent habang nasa harap ng salamin at sinisipat ang sarili. Hindi niya alam kung anong ayos sa buhok ang gagawin niya. Bakit ba niya ito ginagawa? Hindi naman niya kilala ang babaeng ipagkakasundo sa kaniya. Pero bakit kinakabahan siya?

Bakit umaasa siya na ang babaeng ipapakilala sa kaniya ay ang babaeng napupusuan niya? F*ck! Nababaliw na ata siya. Siguro hanggang doon lang talaga magtatagpo ang landas nila ng babae.

Humimnga siya ng malalim siya pinakalma ang sarili tsaka lumabas ng kwarto. Pagkabukas niya ng pintuan, tumambad sa kanityang harapan si Manang Allisa, ang katulong nila. Apatnapu't limang taong gulang na ito. 25 years na itong naninilbihan sa kanila.

"Pinapatawag po kayo ng iyong ina, nasa salas na po ang pamilya Gonzales Sir." anito at tumalikod na tsaka naglakad palayo sa kaniya.

Huminga siya ng malalim at pilit na inayos ang kurbata na suot. Lumabas na siya ng silid at bnagtungo sa salas. May naririnig na siyang boses at bahagyang natigilan sa huling baitanfg ng marinig ang boses ng babae.

"Maraming salamat po sa papuri." anito.

Napakunot-noo siya. Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon. Totoo ba ang narinig niya o halusinasyon lang iyon ng kaniyang paandinig dahil sa ang babaeng nakabanggaan niya ang gusto niyang maging asawa. Para masiguro, inihakbang na niya ang kaniyang mga paa patungo sa salas na ilang metro nalang ang layo sa kaniya.

Nang malapit na siya sa salas at tuluyang nasilayan ang kanilang mga bisita. Doon na siya tuluyang natigilan habang nakaawang ang mga labi na nakatingin sa babaeng kausap ng kaniyang ina.

Nananaginip ba siya? Totoo ba itong nakikita niya? Hindi ba siya nananaginip lamang? Umaayon ba sa kaniya ang pagkakataon? Sunod-sunod niyang tanong sa sarili. Lumingon sa kaniya ang babae.

Natigilan ito na nanlalaki ang mga mata at napaawang ang labi na napatitig sa kaniya. Lumingon sa kaniya ang dalawang ginang at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Biglang pumasok ang kaniyang ama at si Mr. Gonzales.

"Sa susunod i-check natin baka sakaling pwedeng pagtayuan ng negosyo." ani Mr. Gozales. Lumapit ang kaniyang ina sa kaniyang ama.

"Nakita mo iyon? May spark silang dalawa!" tili ng kaniyang ina. Nanmula ang mukha ng babaeng kaharap niya at nag-iwas ng tingin. Doon lang din siya nakabawi.

"Ako rin, beshie! Nakita ko rin yung spark!" tili ni Mrs. Gonzales, mukhang kailangan na niyang sanayin ang sarili na tawaging tita si Mrs. Gonzales. Napabuntong-hininga ang babae, na hindi niya alam ang pangalan.

"Mom, umayos nga kayo. Nakakahiya!" pagsusungit nito. Ah, maatittude, lihim siyang napangiti. Mukhang kailangan niyang mapaamo ito. Lumapit siya dito at inilahad ang kamay.

"Vincent De Silva, and you Ms. Gonzales ang soon to be Mrs. De Siva." aniya na nakataas ang sulok ng labi. Kinagat nito ang labi at umilap amg mga mata. Atubili pa itong tanggapin ang pakikipagkamay niya.

"Candice!" mahina pero may diin ang salita na binigkas ni Mr. Gonzales ang pangalan ng anak. Napipilitang tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Nasabik na ni Dad ang name and for sure narinig mo naman iyon kaya no need na ulitin ko pa ang pangalan ko." pagsusungit nito. Natawa siya, hindi siya naaasar kundi naaaliw siya kung paano siya magsungit. Ang cute lang niya. So adorable. Tinanggal na nito ang kamay na nakadaop sa kaniya.

"Pagpasensiyahan niyo na ang unica hija ko. Talagang ganiyan niyan and she's suferring from heartache. Niloko kasi siya ng kasintahan na ngayon ay ex-boyfriend na niya--

"Dad." ani Candice sa ama.

"Kaya-- tumingin si Mr. Gozales kay Candice.

"I'm sorry hija." hinging-paumanhin nito. So, niloko siya ng ex-boyfriend nito? Naikuyom niya ang kamao. Kung sinuman ang lalaking nanloko dito, he's an asshole! F*ck! Parang gusto niyang pilipitin ang leeg ng ex nito. Nakakagigil.

"Mabuti pa ay kumain na tayo, at sa hapag-kainan na natin ituloy ang kwentuhan." sa wakas ay nagsalita na ang kaniyang ama.

"Mabuti pa nga." anang kaniyang ina. Tumango ang mag-asawang Gonzales at ganun din si Candice at sabay-sabay nilang tinungo ang komedor.

Nang nasa komedor na sila, masayang nagkwekwentuhan sina Mr. and Mrs. Gonzales maging ang kaniyang ama at ina. Sinulyapan niya si Candice na maganang kumakain. Napakunot-noo si Vincent, matakaw ba ito?

Pero bakit hindi ito tumataba? Biglang nag-angat ng tingin si Candice at nagtama ang kanilang mga mata. Nginitian siya nito pero pilit lamang iyon at muling ibinalik ang tingin sa kinakain. Itinuon na lamang niya ang sarili sa pagkain.

"So, maybe next month maisettle na natin ang kasal ng dalawa. My God! Sabik na akong magkaroon ng apo!" bulalas ng kaniyang ina. Dahil sa sinabing iyon, bigla siyang nasamid. Kaya agad niyang kinuha at ininom ang baso ng tubig na nasa tabi ng kaniyang plato.

"Ayos ka lang anak?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ina at hinagod pa ang kaniyang likod.

Katabi niya kasi ito sa bandang kaliwa niya at ang kaniyang ama naman ay nasa kaliwa ng kaniyang ina. Tumango siya at sinulyapan si Candice para tingnan ang itsura nito, namumula ang tanga nito.

Hindi niya maiwasang mapangiti, ang cute lang tingnan. Nag-angat ito ng tingin at nagtama na naman ang kanilang mga mata. Sa pagkakataong ito, inirapan na siya tsaka binalingan ang kaniyang magulang.

"Dahil wala pong pag-ibig na namamagitan samin, Mr. and Mrs. De Silva, payag po ako na magpakasal sa kaniya pero walang mangyayari samin." anito. Nagpanting ang taenga niya sa narinig.

"Sige, pumapayag ako. Pero, sa isang kondisyon. Ipapakasal muna namin kayo sa huwes, napag-isip isip ko na mas maganda kapag maaga kayong magsasama." anang kaniyang ina at tumingin sa magulang ni Candice.

"Ano sa tingin mo, balae?" tanong ng kaniyang ina. Tumango si Mrs. De Silva sa sinabi nito.

"Kakausapin ko ang kilala kong Judge para maipakasal sila." anang kaniyang ama. Tumayo si Candice na ikinagulat nila tsaka tumingin kay Vincent.

"Pwede po ba mag-usap muna kami sandali ni Vincent?" tanong niya habang matamang nakatuon sa kaniya ang masama nitong tingin.

Sumang-ayon ang dalawang mag-asawa. Umalis sa kinauupuan si Candice at tiningnan siya. Tumayo siya at sinundan ito patungo sa salas. Nang nasa salas na sila hinarap siya nito, ni hindi man lang sila umupo. Pinag-krus niya ang mga kamay sa dibdib.

"Pumapayag ako na ipakasal sayo, dahil sumang-ayon na ako kay dad. Pero sa isang kondisyon, hindi tayo magtatabi ng higaan. Nagkakaintindihan ba tayo?" mataray niyang tanong. Huminga siya ng malalim. Hindi ba siya nito kayang kausapin ng hindi tinatarayan? Pero minabuti nalang niya manahimik. Inilahad niya ang kamay dito.

"Deal." tinanggap ni Candice iyon.

Pakiramdam ni Vincent, bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa kaniyang katawan dahil sa pagkakadaiti ng kanilang balat. Kaagad namang binawi nito ang kamay.

"Atleast, nagkakaintindihan na tayo." anito at tinalikuran siya tsaka naglakad patungo sa kusina.

Hindi naiwasan ni Vincent na napatitig sa likuran ng papalayong dalaga. Ayaw mo man sa ngayon pero sisiguraduhin ko na ibibigay mo rin sakin ang sarili mo, Candice, aniya sa sarili at nagpasya na ring bumalik sa hapag-kainan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status