Share

Chapter Three

Nang nasa loob na sila ng opisina ng kaniyang ama na nasa ikalawang palapag ng bahay, naupo siya sa sofa kung saan nakaupo naman sa kaharap na sofa ang kaniyang ama.

"Ano po ang pag-uusapan natin, dad?" tanong niya sa ama. Tinitigan siya ng kaniyang ama ng matiim at pagdaka'y tumikhim.

"Hiwalayan mo na si Justin, niloloko ka lang niya. At may lalaki akong napupusuan para sa iyo." anang kaniyang ama na naging dahilan ng pagtaas ng isa niyang kilay.

"Ano po? Tama po ang dinig ko? Niloloko ako ni Justin? Dad, alam ko naman na ayaw niyo kay Justin pero huwag niyo naman siya pagbintangan ng kung ano-ano. mahal ako ni Justin, at alam ko na hindi ako niloloko." pagtatanggo ni Candice sa kasintahan.

Huminga ng malalim ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Tumayo ito at nagtungo asa office desk niya at binuksan iyon. kinuha ron ang isang envelope na pahaba ang sukat o sa mas tamang salita, envelope iyon para sa mga litrato. Bumalik ito sa sofa at iniabot sa kaniya ang brown envelope. Nagtatakang tinanggap niya iyon.

"Ano po ito, dad?" tanong niya sa ama.

"Buksan mo para malaman mo, anak."

Dahan-dahang binuksan ni Candice ang envelope. May tatlong litrato na naroon. Inilabas niya iyon, tsaka tiningnan ang bawat litrato. Napailng-iling si Candice habang tinitingnan ang litrato. Kuha iyon ni Justin na may kasaman babae, ang babae na yun ay walang iba kundi ang ipinakilala nito sa kaniya na pnsan.

Na minsan mahuli niya silang magkasama sa restaurant at kumakain. Ibig bang sabihin, hindi totoong pinsan ni Justin ang babae? Na niloloko lang siya? Kelan pa? Hindi tuloy niya naiwasan na mapaluha dahil sa sakit na nararamdaman habang pinagmamasdan ang mga litrato na magkasama sila at masaya. ung isang litrato ay naghahalikan pa sila.

"Hindi mo kailangang iyakan siya, anak. he don't deserve your tears." pangaral ng kaniyang ama.

Agad niyang pinahid ang luha na namalisbis sa kaniyang sa kaniyang pisngi. Tama ang kaniyang ama, ang kagaya ni Justin ay hindi dapat iniiyakan! Dapat ibinabaon siya sa lupa!

Tumayo siya at naglakad patungo sa pintuan. Akmang piphitin niya iyon pabukas nang magsalita ang kaniyang ama. Dahil sa galit na nararamdaman nakalimutan niya ang kaniyang ama na kausap pala niya.

"Pupuntahan ko si Justin, Dad. Ipapatikim ko sa kaniya ang galit ko. By the way, tinatanggap ko na ang alok niyo dad. Bye!" aniya at agad na lumabas.

Nang marating ni Candice ang pag-aaring bahay ng kasintahang si Justin. Napundar niya ito dadhil sa pagiging manager sa isang hotel. Lumapit siya sa gate at nag-doorbell. Bumukas ang pintuan at nagulat siya ng makita ang babaeng nasa litrato ang lumabas ng bahay. Tumalim ang kaniyang mga mata at naitikom ang mga kamao.

Gustong-gusto niyang sugurin ang babae pero pinigilan niya ang sarili. Baka hindi pa alam ng mga ito na alam niya ang relasyon na mayron sila ni Justin. Nakangiting lumapit sa kaniya ang babae. Gusto niyang paikutin ang mga mata dahil sa kaplastikan nito. siguro sa isip-isip nito ay pinapatay na siya dahil sa galit. Binuksan nito ang gate nang makalapit sa kaniya.

"Pasok ka." anito na may ngiti sa mga labi.

Gustong-gusto na niyang suntukin ang babae at dumugo ang labi nito pero nagpakapigil siya. Hindi siya maaaring magpadal sa emosyon niya, mas lalong lalala lang ang sitwasyon. Kaya ginawa niya ang lahat para kumalma.

"Asan ang boyfriend ko?" tanong niya rito. mukhang natigilan ito sa sinabi niya.

"Hm, nasa CR naliligo. Sandali at tatawagin ko. Dito ka muna, balikan kita." anito.

Napakunot-noo siya. Bakit kailangan na dito ako sa lob kung pwede naman akong pumasok sa loob? Talagang mapaghahalataan na may itinatago sila sa kaniya. Kaya bago pa man tuluyang makahakbang ang babae ay nagsalita na siya.

"Sandali! Bakit kailanghan ko siyang hintayin dito? Hindi ba pwedeng sa loob ako maghintay at hindi dito."

"Ah, kasi.."

Naputol ang ibang sasabihin nito ng biglang may lumabas sa bahay, walang iba kundi si Justin!

"Babe! Kanina pa kita hinahanap, sino ba iyang bisita mo at paranfg ang tagal niyo nag-usap?' tanong ni Justin.

Pakiramdam ni Candice magdidilim ang paningin niya dahil sa narinig. Hindi siya nagkamali ng dinig. Babe ang itinawag sa babae! Natigilan ang babae. Mukhang nagulat si Justin ng makita siya sa labas.

"Candice?" tanong nito.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Nakayuko ang ulo ng babae na wari'y nahihiya. Aba! Dapat lang siyang mahiya! Hinahas niya si Justin!

"Ano ito Justin?! Kelan mo pa ako niloloko, huh?!" aniya na may panlilisik ang mga mata. Tiningnan niya ang babae na may pagsisisi ang mga mababanaag sa kaniyang mga mata.

"Hindi namin sinasadya ang nangyari, may nangyari samin at buntis ako. Sa totoo lang, ayaw talaga niya ako panagutan pero blinackmail ko siya na sasabihin ko iyon sa Head Manager nila kapag itinaggi niya na may anak ako sa kaniya. Nakokonsensiya ako sa ginawa namin sayo, kaya humihingi ako ng tawad."

Sasagot na sana siya ng magsalita si Justin na hindi niya namalayan na nakalapit na pala. Hindi napigilan ni Candice na makaramdam ng selos ng akbayan n Justin ang babae. Ano na kasi ang pangaln ng babae? Ah! Mika pala ang pangaln niya.

"Umalis ka na, Candice. Masaya ako kapag kasama ko siya. Nabibigay niya ang mga bagay na hindi mo kayang ibigay. Naging kasintahan kita sa loob ng isang taon pero ni minsan hindi mo binigay ang gusto ko, sang may mangyari sa'tin. Pero si Mika naibibigay niya ang gusto ko." ani Justin sa kaniya.

Nagpanting ang taenga niya sa sinabi ni Justin! Aba ang loko at talagang dahil dun kaya siya iniwan! Hindi niya maiwasang masaktan dahil sa dahilan nito. Gustong tumulo ang luha niya sa sakit, pero hindi siya iiyask sa harapan neto! Hindi niya ipaparamdam ang satisfaction dito! She flipped her hair and stare Justin dangerously.

"Mabuti nalang at walang nangyari satin dahil yun lang pala ang dahilan kung bakit mo ako ipinagpalit." tiningnan niya si Mika na kakikitaan ng guilty sa mukha.

"Masaya ba na inagaw mo ang pag-aari ng iba? Sabagay, marupok naman ang inagaw mo sakin. tandaan mo Mika, a cheater is always a cheater. Kaya mag-iingat ka, baka magising ka na nasa sitwasyon ko ngayon, ikaw." tiningnan niya si Justin na kababakasan ng galit sa mukha. Magsasalita sana siya pero naubahan siya nito.

"Hindi ko lolokohin si Mika, Candice." aniya sa madiin na bosers na naging dahilan para mas lalo siyang masaktan.

Gustong-gusto na niyang sugurin ito at pagbabayuhin ang dibdib! Pero hindi ibababa ang sarili para rito. Bigla niyang naisip ang lalaking ipagkakasundo sa kaniya ng kaniyang ama. Napangiti siya ng may maisip.

'Wala akong pakielam sa inyong dalawa. Oo nga pala, baka one of these days ikasal na ako. Imbitado kayo. Bye!" aniya.

Kitang-kita sa mukha ni Justin ang gulat. Tumalikod na siya at napangiti. Buti nga sayo! Sabi niya sa sarili. Mukhang tyming ata ang pinag-usapan nilang iyon ng kaniyang ama, dahil kahit papaano naibangon niya ang pride niya.

"Hindi lang pala ako ang nanloko ikaw rin pala!" sigaw ni Justin, pero hindi na niya iyon pinansin tuloy-tuloy siyang lumabas ng compound at tinungo ang kaniyang sasakyan. Pumasok siya roon at oinasibad iyon palayo sa bahay ni Justin.

Habang nasa daan si Candice, hindi napigilan ang sarili sa pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Sobrang nasaktan siya sa ginawa ni Justin. Oo nga at ipinagkasundo siya pero hindi naman niya ito pinagtaksilan! Nasaktan ang ego niya bilang babae.

Yun na ba ang basehan ng pagmamahal? Kapag ba hindi mo ibinigay ang sarili sa iyong kasintahan, nangangahulugan na ba iyon na hindi mo siya mahal? Ayan ang mga katanungan sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.

Minabuti niya na ihinto muna sa gilid ng daan ang kaniyang sasakyan at baka madisgrasya siya dahil hilam na ng luha ang kaniyang mga mata. Kumuha siya ng tissue na nasa dashboard at ginamit niya iyon para tuyuin ang kaniyang luha at magbahing.

Sana sinabi nalang ni Justin na may mga pagkukulang siya, edi sana napunan niya iyon. Natigilan siya, tama ba ang nasaisip niya? Para sa kaniya ang kaniyang sarili ang pinaka-magandang regalo na maibibigay mo sa iyong magiging asawa.

Biglang pumasok sa isip niya si Vincent, ang lalaking gusto ng kaniyang mga magulang na mapapangasawa niya at makakasama niya sa pagtanda. Pero paano iyon? Walang pag-ibig na namamagitan sa kanila? Sabi nila, natututunan daw ang pagmamahal. Totoo kaya iyon? Paanp kung bhindi niya matutunang mahalin si Vincent? Maaaring humantong sa hiwalayan ang pagsasama nila?

"Aarrgh!" aniya at ginulo ang kaniyang buhok dahil sa samu't-saring tanong sa kaniyang isipan.

Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo para mawala sa kaniyang isipan ang mga bagay na iyon. Nang masigurong maayos na siya. Hinawakan niya ang manibela at kinabig iyon patungo sa kanilang mansiyon.

Ipinasok ni Candice ang sasakyan sa loob ng compound ng bahay nila at ipinasok iyon sa garahe. Huminga siya ng malalim tsaka dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan tsaka naglakad patungo sa loob ng bahay.

Nang makapasok siya, agad siyang nagtungo sa hagdan patungo sa kaniyang kwarto. Nang marating niya ang pintuan ng kwarto at akmang bubuksan niya iyon ng may magsalita sa kaniyang likuran.

"Candice." boses iyon ng kaniyang ama.

Napakagat-labi siya tsaka dahan-dahang humarap sa ama na natagpuan niyang nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto nila. Mukhang kalalabas lang nito.

"Dad." aniya. Napatungo siya nang makita sa mga mata nito ang galit. Galit ba ito dahil hindi niya sinunod ang utos nito at mas piniling paniwalaan si Justin.

Gusto niyang lapitan ang kaniyang ama, gusto niyang umiyak balikat nito at sabihin lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero hindi niya magawa, nahihiya siya sa ama. Ilang beses na siyang pinagsabihan nito na may ibang babae si Justin.

Pero hindi siya nakinig. Tsaka lang siya naniwala ng may ipinakita itong pruweba. Naramdaman niya na may mga kamay na humawak sa kaniyang magkabilang balikat. Tumingala siya, nagtagpo ang mga mata nila ng kaniyang ama.

"Ayos ka lang ba, anak?" tanong nito at bigla siyang niyakap. Doon na humulagpos ang kinikimkim niyang sama ng loob, pagsisisi at sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Patawarin niyo po ako, dad. Dahil hindi ako naniwala sa inyo, hindi ko pinaskinggan ang mga payo niyo sakin. Naging bingi-bingihan ako. Sobrang sakit dad, kasi plinano ko na eh! Akala ko galit kayo sakin kanina. I'm so sorry, dad." aniya sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi. Hinagod ng kaniyang ama ang kaniyang likod, na wari'y sa ganung paraan ay mapapawi lahat ng dinaramdam niya.

"Nagagalit ako kay Justin, sa panloloko niya sa unica hija ko." anito at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya tsaka siya pinakatitigang maigi. "Huwag ka ng umiyak, lilipas din iyan, anak. So ready ka bang makilala ang anak na laa-laki ng kaibigan ng iyong ina?" tanong nito.

Ngumiti siya. Wala namang masama kung sundin niya ang ama. iguro naman magugustuhan siya ni Vicent. Maganda siya, matalino. ana nga, pero mas mabuti pa rin na magkakilanlan sila. Ayaw niyang pagsisihan ang pagpapakasal.

"Sure, dad!" aniya. Tinitigan siyang mabuti ng kaniyang ama.

"Hindi ka magsisisi sa kaniya, mabait siya at tiyak na magkakasundo kayo."

Ngumiti siya. Sana nga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status