Share

Kabanata 30

Halos hindi ako makagalaw sa puwesto ko nang gawin namin iyon. Wala naman nangyari sa amin, hinalikan niya lang ako sa labi. Iyon lang. Pero pakiramdam ko ay parang may nangyari na sa amin. Siya lang ang kauna-unahang lalaking humalik sa aking labi. Karamihan sa mga lalaking nakakasama ko sa kama at literal na katawan ang habol sa akin. Alas-dyes na ng gabi at katatapos lang namin kumain, nandito pa rin kami sa mismong VIP room. Muli ko siyang pinagmasdan bang tumayo ito para ilagay sa lalagyan ang mga pinagkainan namin, may mainit na ring kape na kakatimpla niya lang din.

"What with that stare?" natatawang tanong nito saka ako tinalikuran.

"Sasabihin ko naman talaga sa 'yo 'to—"

"You are not obligated to tell me about your work. I mean it is your choice, who am I to refuse you?" sabi nito saka bumalik sa pagkakaupo sa aking harapan.

Napayuko na lang ako. Nilakasan ko ang aming loob na himasin ang sarili kong kamay at saka pinilit na ngumiti. "Nakakahiya ang trabaho ko," bulong ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status