“Ahh,” impit na daing ko matapos n’yang pisilin ang isa sa mga bundok ko. Kakaiba agad ang dala sa katawan ko ng paunang hagod niya ro’n.Hinayaan ko s’yang ipagpatuloy ang paghihimas niya sa bawat parte ng dalawang bundok ko, habang ang mga labi namin na nangungusap ay kusa na lang na naglapit na tila sabik na sabik sa bawat isa.Nakadantay sa balikat niya ang isang braso ko samantalang ang isa naman ay nilapat ko sa may pisngi niya na banayad ko itong hinahawakan, bahagya ko siyang tinulak kaya napadantay siya sa sandalan ng upuan. Bumaba ang paghalik ko patungo sa panga niya na ikinatuwa naman nito. Narating ko ang may parteng leeg niya at doon ko pilit na sinisipsip ang paligid nito. Bumalik patungo sa mga mapupulang labi niya ang labi ko, habang ang kamay ko ay nagsisimula nang alisin ang suot niyang pang-itaas. Malalim at mapupusok ang ginawa naming paghahalikan, puno ng alab at makamundong kagalakan.“You slowly became a good kisser, ah,” pahapyap niya sa akin ng sandaling bit
“Gano’n ba?” paninigurado ko na agad naman s’yang tumango. “Uhm. Salamat!” ani ko pa rito.“Do you want to go inside? Let’s go! Don’t worry akong bahala sa ’yo,” puno ng galak na pagyaya nito sa akin.Kung tutuusin ay wala na akong balak na pumasok pa. Ano naman ang gagawin ko ro’n? bukod kay Zayne at sa kaniya wala na akong kilala rito.Nag-vibrate ang phone ko kaya mabilis akong napatingin do’n. “Uhm. Thank you, ah pero tumatawag na si Zayne baka nandiyan na ‘yon sa labas,” saad ko sa kaniya pagkakita sa incoming call kahit hindi naman talaga ‘yon si Zayne.“If that so? Okay, but you should accept this!” pagsang-ayon niya sa akin pagkatapos ay iminuwestra niya ang isang paper bag.“Para sa akin?” ngumiti siya nang pagkalaki-laki sabay tango sa akin. “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ko pa.“That’s my favorite dessert, hope you like it. Bye! See you around!” nag-wave pa siya ng kamay at pasimpleng ngumiti bago siya tumalikod, ngumiti na lang ako sa kawalan kahit hindi niya makita, hindi
Nakita ko s’yang nakaakbay ay Tammy paalis sa maraming tao. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang harap ng bahay dahil sa mga taong naro’n, maging ang mga flash ng camera na sunod-sunod. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko para humakbang papalapit sa kanila, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa nakikita ng mga mata ko. Nagmamadali silang pumasok ng sasakyan ni Zayne, sinusubukan pa silang lapitan ng mga taong may hawak nang mga camera, microphone, at kung ano-ano pa. Kung hindi nga lang sila hinaharang ng parang mga bodyguard ay baka kanina pa pinagkakaguluhan sila Zayne at Tammy.“Anong ginagawa ni kuya rito? Ba’t may mga paparazzi?” naguguluhang tanong sa akin ni Brecken, ngunit wala sa kaniya ang atensiyon ko kung ‘di ro’n kay Tammy at Zayne.Malakas ang kabog ng puso ko na bumalik sa sasakyan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? May kung anong bumabagabag sa akin na dahilan para ako’y kabahan at masaktan.Sumunod naman kaagad si Brecken sa akin, sumakay na siya
“Ano ‘yong pinapanood mo Brecken?” tanong ko kay Brecken pagkalipas ng ilang minuto na nahimasmasan na rin ako mula sa pag-iyak. “Video ba natin ang pinapanood mo kanina?” dahil pamilyar sa akin ang boses na narinig ko kanina maging ang sinabi ni Zayne kung paano niya nalaman ang patungkol do’n ay nasisigurado kong may kaugnayan iyon sa video na pinapanood ni Brecken.“Wala iyon, Gian,” pagtanggi pa nito na tumingin sa ibang direksiyon, nakaupo siya sa harapan ko na dinadampian ng cold compress ang parte ng labi niya.“Please, Brecken. Sabihin mo sa akin ang totoo,” masuyong pagmamakaawa ko sa kaniya. “Kahit naman itanggi mo ay natitiyak kong tayo ang naroon sa pinapanood mo.” Nagulat naman siya matapos kong sabihin ‘yon, “You’re right. You’re right. Tayo ang nasa video na pinapanood ko kanina. The scandal video was already spread in any social media platforms. I’m sure numerous people have watched it already.” Mabilis ko namang hiniram ang phone niya para panoorin ang sinasabi n’ya
Nakatulala ako habang pinapasok sa sistema ko ang mga sinabi ng babaeng ‘yon. Ano na naman ito? Totoo kaya ang sinasabi niya? Bakit naman gagawin iyon sa akin ni Aiden? Wala na ba itong katapusan? Napapagod na ako! Nahihirapan na ako. Isang pagkakamali lang naman ang nagawa ko pero grabe-grabeng parusa ang binibigay sa akin.May alam ba siya sa mga nangyari sa akin? Kasama ba siya nila Brecken sa mga plano nito?Mabilis kong pinulot ang nahulog kong phone ng marinig ko ang paggalaw ng doorknob “Cali,” para akong bata na tinawag si Cali matapos nitong pumasok sa kuwarto, ang mukha ko ay parang humihingi ng saklolo.“It’s okay, Gian,” lumapit ito sa akin at agad akong niyakap. “Malalagpasan mo ito. Kakayanin mo ito. H’wag kang mag-alala, ‘di kita pababayaan. ‘Di kita hahayaang harapin ito ng mag-isa.”“Hindi ko naman ginusto ang nangyari,” pag-k-kuwento kong kumawala mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Maniwala ka, Cali. ‘Yong macarons ang may kasalanan nito.”“Macarons? Anong kinalaman n
“I hate how Ele protect that bullshit! I mean, para sa kaniya ikaw ang nagmumukhang sinungaling. Naturingang kaibigan pero hindi man lang maasahan kapag kailangan,” reklamo pa nito habang nasa biyahe kami.“Okay lang ‘yon. Hindi naman natin sila mapipilit na maniwala sa akin, kailangan ko munang may patunay baka sakaling maniwala na sila.”Halos gabi nang makahanap kami ng condo, hirap kasi kami kung saan puwede kaya halos maubos ang limang oras namin sa paghahanap. Mayroon pang ilang condo owner na hindi kami pina-rent dahil nakilala nila ako. Ang dahilan nila ay ayaw nilang magalit ang ibang renter. Nag-drive thru na lang din kami ng pagkain kasi ‘di naman kami makakapagluto.“Paano pala ang trabaho mo?” tanong sa akin ni Cali na sumusubo ng pagkain.Napaisip muna ako bago siya sinagot “Papasok pa rin ako bukas, gusto kong ayusin ang sa amin ni Zayne. Kung maaaring gawin ko lahat ay susubukan ko para lang patawarin niya ako at h’wag n’yang paalisin sa kompanya.”Pagkagising ko nali
“H-Hindi! H-Hindi ako naniniwala, Zayne! S-Sinasabi mo lang ‘yan para lubayan na kita. Sinasabi mo lang ‘yan para makaganti ka sa nagawa ko. S-Sinasabi mo lang ‘yan dahil may nagawa akong mali. Sinasabi mo lang ‘yan dahil nasasaktan ka. N-Na dahil nasaktan kita. Pero alam kong mahal mo ‘ko,” hindi ko matanggap ang sinabi n’yang ‘yon kaya pinagpipilitan kong mahal niya ako.“Hibang ka na, Ms. Belarde? Hindi kita minahal. Kung iniisip mong minahal kita para sa anong dahilan naman, ha? Walang kamahal-mahal sa ’yo kaya walang dahilan para mahalin kita!” sa bawat salitang binibitiwan niya ay katumbas ng isang saksak sa dibdib ko ang idinudulot nito.“Pero hindi ‘yon ang pinaparamdam mo no’ng mga araw na ayos pa tayo, Zayne! Nadadala ka lang sa sitwasyon, galit ka lang kaya mo ‘yan nasasabi. Sigurado akong mahal mo ‘ko, alam ko ‘yon, ramdam ko!” wala akong magawa kung ‘di ipagpilitan na mahal niya ako. ‘Yon kasi ang nararamdaman ko. “Alam kong darating ‘yong araw na pababalikin mo ‘ko sa ko
Hinayaan kong pumatak ang mga luhang gustong kumawala sa akin. Wala na ako ibang magawa kung ‘di ang lumuha nang lumuha, sa ngayon ay ito na lang ang kaya kung gawin. Sobra akong nasasaktan, sobra-sobra na ang sakit na pinaparanas sa akin. Gusto ko ng matapos ito, gusto ko ng maging okay ang lahat. Gusto ko nang bumalik sa akin si Zayne.“A-Ate, oh?” napatingin ako sa harap ko ng may magsalita ro’n, bumaba ang tingin ko sa kamay n’yang may inaabot sa aking panyo, tinignan ko muna siya pabalik sa mukha niya. Bahagyang nakangiti ito sa akin at mahahamigan sa itsura niya na nahihiya siya. Dahan-dahan ko namang inabot ang panyong hawak-hawak niya. ”Thank you, uhm . . .” ‘di ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya.“S-Sab na lang po,” sagot nito, mala-anghel ang boses niya sa tuwing magsasalita siya ay magandang pakinggan lalo pa’t parang anghel ang ayos niya. Simula sa pananamit niya, simpleng datingan niya, sa paraan ng pagsasalita niya, sa tipid n’yang pagkilos at may pagkamahinhin