Share

Chapter 41

Hinayaan kong pumatak ang mga luhang gustong kumawala sa akin. Wala na ako ibang magawa kung ‘di ang lumuha nang lumuha, sa ngayon ay ito na lang ang kaya kung gawin.

Sobra akong nasasaktan, sobra-sobra na ang sakit na pinaparanas sa akin. Gusto ko ng matapos ito, gusto ko ng maging okay ang lahat. Gusto ko nang bumalik sa akin si Zayne.

“A-Ate, oh?” napatingin ako sa harap ko ng may magsalita ro’n, bumaba ang tingin ko sa kamay n’yang may inaabot sa aking panyo, tinignan ko muna siya pabalik sa mukha niya.

Bahagyang nakangiti ito sa akin at mahahamigan sa itsura niya na nahihiya siya. Dahan-dahan ko namang inabot ang panyong hawak-hawak niya. ”Thank you, uhm . . .” ‘di ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya.

“S-Sab na lang po,” sagot nito, mala-anghel ang boses niya sa tuwing magsasalita siya ay magandang pakinggan lalo pa’t parang anghel ang ayos niya.

Simula sa pananamit niya, simpleng datingan niya, sa paraan ng pagsasalita niya, sa tipid n’yang pagkilos at may pagkamahinhin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status