Share

Chapter 43

Kumuyom ang kamao ko pagkatapos kong marinig ‘yon mula kay Zayne. Gusto ko s’yang saktan, gusto kong iparamdam sa kaniya ‘yong sakit na ginawa niya sa akin kaso hindi ko magawa, hindi ko magawang saktan siya. Gano’n ko siya kagusto para magpigil ako ng galit sa kaniya. Ang gusto ko lang naman ay magkaayos kami, gusto ko lang na bumalik kami sa dati. Gano’n ba ‘yon kahirap ibigay para umabot kami sa ganito? Para pahirapan niya ako ng ganito.

Umalis ako ng opisinang ‘yon na masama ang loob, masakit sa damdamin ang bawat bagay na pinaparamdam sa akin ni Zayne.

Hindi ko na alam kung bakit kailangan ko pa itong tiisin, hindi ko alam kung bakit ang hirap-hirap balewalain, bakit kailangan umabot sa ganito ang kabayaran sa isang pagkakamali na hindi ko naman ginusto.

Naisipan ko munang pumunta sa bahay namin, susubukan ko na rin makipag-ayos sa kanila. Magbabaka-sakali lang naman ako na baka puwede na kaming bumalik sa dati, ‘yong dating wala kaming galit sa isa-isa, walang tampuhan, puro ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status