Matapos kong ayusin at ilagay ang ilang mga gamit ko sa maleta sa ibinaba agad 'yon ng isang bodyguard ko. Alas dos na ng madaling araw at nadala ko na rin si Maxine sa bahay... Pero hindi pa rin siya gising. Binitbit ko ang messenger bag ko at pumunta sa isang guest room kung nasaan si Maxine. Pagpasok ko roon ay tumambad sa akin si Sunny na tulog sa sofa. Alam ko na sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari kahit ako naman talaga ang may kasalanan. Iyon ang rason kung bakit bantay-sarado niya ngayon si Maxine — ayaw na niyang maulit ang nangyari. Lumapit ako kay Maxine. I held her hand gently and started brushing it with my fingers... I kissed her on her cheek. "Pagbalik ko, dapat gising ka na," usap ko sa kanya. If she could only hear me. I also kissed Sunny on her forehead before leaving. Tatapusin ko lang ang misyon ko sa Russia at babalik din agad ako. Nilisan ko ang kuwarto at dumiretso sa sala. Doon ay nakasalubong ko si Cloud. "Sigurado ka bang hindi mo 'ko k
Sunny came back holding a plate and a tumbler. Umupo ito sa tabi ko at saka kumain... Talagang wala siyang balak iwan si Maxine. "Dapat sa kusina ka na lang kumain. Nandito naman ako," usap ko sa kanya. She finished chewing her food first. "Okay lang." I can feel the guilt that she's not letting go. She's blaming herself because of what happened, that's why she'd rather stay beside Maxine. I remembered the first accident that happened before — Sunny and my ex-girlfriend Tiana went to a party. They got too drunk at ang akala ni Sunny ay magagalit kami sa kanya noon ni Lucian dahil wala pa siya sa legal na edad para uminom, so Tiana decided to drive despite of being drunk. They got into an accident... Nasisi ko si Sunny dahil sa nangyari. Ang totoo ay ayaw naman talagang umuwi ni Sunny noong oras na 'yon dahil alam niyang mapapahamak sila kung pipilitin nila, but Tiana didn't want to disappoint me. Tiana wanted to take Sunny home because she also thought that I would be angry at h
Nagising ako nang may umalog sa akin. Bumungad ang mukha ni Arazela sa harapan ko at wala sa sariling napakusot ako ng mga mata ko."Uuwi na tayo," usap niya sa akin.Umupo ako sa hinihigaan ko at napansin kong nasa isang guest room pa ako ng bahay nina Terrence at Cheska."Ayos ka lang ba? Hindi ka naman nagsabi na pupunta ka doon, edi sana sinamahan kita..." mahinahong sabi ni Arazela.Sinubukan kong tumayo pero may kirot pa rin ang kaliwang hita ko dahil sa sugat.Inalalayan ako ni Arazela nang muntik na 'kong matumba. Muli niya 'kong pinaupo sa kama."Dahan-dahan lang at huwag mong pilitin kung masakit," pangaral niya.I took a deep breath before talking to her. "Anong oras na?" tanong ko sa kanya."It's three in the afternoon. We should go home before sunset," tugon niya.Tumango na lang ako. Nang tumayo ako at tinulungan niya 'kong maglakad. Hindi naman gano'n kasakit pero tuloy siya sa pag-alalay sa akin.Pahirapan ang pagbaba namin sa hagdanan kaya naging mas maingat siya sa g
Maxine's Point Of ViewNakaramdam ako ng lamig kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. It was a little dark, ang tanging pinanggagalingan lang ng ilaw ay ang maliit na ceiling light sa dulo ng kuwarto.Iginala ko ang paningin ko at nakita ko si Arazela na natutulog sa sofa.Naalala ko ang nangyari kaya agad kong sinubukan kung nakakagalaw na ba 'ko. Ginalaw ko ang dalawang kamay ko at maayos naman akong nakakagalaw."A-Arazela..."Sinubukan kong magsalita pero mahina pa ang boses ko."Arazela," tawag ko ulit sa pangalan niya.Agad itong naalimpungatan.Gulat itong tumingin sa akin. "Maxine! Teka lang, tatawagin ko sila!"Mabilis itong tumakbo palabas ng kuwarto. I took a deep breath and then I tried to sit up.Nanginginig ang mga kamay ko pero kinaya kong umupo. Napasandal na lang ako sa headrest ng kama pagkatapos noon.Bumalik si Arazela kasama si Sunny, Cloud at ang isang babae na hindi pamilyar sa akin.Napansin ko ang bendahe na nasa hita ni Cloud. Anong nangyari sa kanya
Lumipas ang tatlong araw na paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa bahay nina Lucian. Buong araw na nakadikit sa akin ang nurse na si Jane habang si Lucian, Cloud at Arazela ay nasa opisina nila para magtrabaho. Si Sunny naman ay may pasok at kahit gusto niyang manatili sa bahay ay hindi rin niya magawa dahil graduating student siya.Kung hindi ang nurse, ang mga kasambahay nila ang kausap ko. Minsan naman ay nagbabasa na lang ako ng mga libro na mayroon si Lucian.Simula kahapon ay nakakalakad na ulit ako nang maayos. Hindi ko na naging ganoon kahigpit sa akin si Lucian dahil kahit paano ay nakakaya ko na rin naman na alagaan ang sarili ko.Tumayo ako at pumunta sa likod ng bahay kung nasaan ang pool at gym area. Umupo ako sa isang upuan at iginala ang paningin ko.Malaki ang property nila at mataas ang mga pader na nakapaligid sa bahay. Halos bawat sulok ng mga matataas na pader ay may mga guwardiya na nakabantay kaya talagang ligtas dito sa loob."Ma'am, gusto n'yo ho ba ng maiinom?"
Hinayaan ko na si Lucian na mag-ayos ng sarili niya habang ako naman ay naiwang nagbabasa ng libro sa sala. I enjoy reading ever since I was a kid.Nakarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa hagdan pero hindi ko 'yon pinansin dahil masyado akong invested sa pagbabasa ng libro.Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin and because of curiosity, I looked at that person.Si Arazela lang pala."Kailan ka papasok?" tanong niya sa akin."Hindi ko lang alam kay Lucian at Cloud. Maayos naman na ako kaso ayaw pa nila akong papasukin," tugon ko.Hindi siya umimik. "Ikaw? Kailan ka uuwi? Hindi ka ba hinahanap nina Terrence?" tanong ko naman sa kanya."Uuwi na rin ako bukas," tipid na sagot niya.Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Ilang minuto rin kaming hindi nag-usap pero binasag niya rin ang katahimikan na bumabalot sa amin kanina."Kayo na ni Lucian?"Nawala ang pokus ko sa pagbabasa dahil sa tanong niya. I closed the book that I was reading and looked at her."Were you eavesdropping?"
I woke up because of the light hitting my face. Sinulyapan ko ang bintana mula sa kuwarto at nakita si Lucian na itinataas ang blinds na nakakabit doon para pumasok ang ilaw sa loob ng madalim niyang kuwarto."Wake up, love. Alas-diyes na ng tanghali."The dark room was finally filled with sunshine. Maliwanag at maaliwalas na."You look pretty in my bed," usap sa akin ni Lucian habang nakatingin sa gawi ko.Mahina akong tumawa. "I'm not even wearing anything, Lucian."Naglakad ito papunta sa side table ng kama at nakita ko na may dala siyang pagkain."Which made it better." sabay abot niya sa akin ng plato. Ang aga-aga pa at sinisimulan na niya ang mga ganiyang biro niya.I pulled the sheets up to cover my upper body before sitting, then I took the plate from him.Tatlong croissant pastry ang laman ng plato na inabot niya sa akin."Ikaw ang gumawa nito?" tanong ko sa kanya.He nodded. "Actually, magkakaiba 'yan. This one's chocolate, ito naman ay vanilla and ito naman, ham and cheese.
Lucian's Point Of ViewI checked the time when Cloud and I got home. It's already twelve midnight.Sumalubong si Sunny sa amin nang pumasok kami ni Cloud sa bahay. "Tulog na siya. Ano ba kasi ang nangyari?"I sighed deeply before answering her. "Nagkagulo sa headquarters. Nakatanggap raw sila ng mensahe na may nakatagong bomba sa building kaya napilitan kaming halughugin ang buong sulok ng headquarters."Sunny's face was disappointed. She also sighed deeply, alam ko na nararamdaman niya rin ang pressure dahil sa mga nakaraang araw."Hindi ba puwedeng ibigay na lang natin ang gusto ni Xed? Pera lang naman 'yon at kayang-kaya n'yo namang palitan ang gano'n kalaki sa loob ng limang araw," Sunny said.Agad na sumagot si Cloud, "Hindi puwede dahil magiging abuso si Xed. The chances we gave him before are already enough.""At kung balak niya talaga tayong kalabanin, edi sige. Palugi na ang negosyo ni Xed. Kung wala siyang malaking pera, saan siya kukuha ng kakampi? Alam n'yong mas kumakapit