Share

Chapter 19: Death Threats

Kabanata 19

Death Threats

"Hindi ako puwedeng magreklamo. Pinasukan ko ito kaya paninindigan ko," sambit ko sa sarili habang nakahiga sa maliit na kama.

Nandito ako ngayon sa isa sa mga kuwarto ng mga employee ng pamilyang Aldovar dito sa first floor ng mansyon nila. Pero paano ako bibisita kay papa kung 24/7 ang trabaho ko? At dito rin pala ako titira sa mansyon nila habang nagtatrabaho ako. Napabangon lamang ako mula sa pagkakahiga nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa gilid ng kama at sinagot.

"Bianca-"

"Mia! Okay ka lang?!"

Napapikit ako at inilayo pa saglit sa tainga ang cellphone. Mabibingi yata ako nito ng wala sa oras. Kung makasigaw ang babaeng ito parang hindi tinamaan ng lagnat. Siguro dahil na rin sa pag-aalala sa problema niya sa pamilya kaya tinamaan na rin siya ng lagnat.

"Ako dapat ang magtanong iyan. Kumusta? Ang sabi ni Gabriel ay nilagnat ka raw. Nilalagnat ka pa ba? Pasensiya na hindi ako nakabisita sa'yo. Marami lang nangyari."

"Okay na ako!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status