Hindi niya iniwan si King. Pagkatapos nitong pakainin pinatulog niyang muli ang lalaki nang makabawi ito ng lakas at tuluyan nang gumaling.Mabuti nalang at hindi nagtanong si King kung bakit wala siyang suot na panty kanina habang hinuhubaran siya nito.Nang humupa ang lagnat ni King saka lang siya umuwi sa mansyon. Ang pagiging personal maid niya kay King ay hindi niya ginampanan. Kung kailangan siya ng lalaki saka lang siya nagbibigay ng oras dito. Kapag nagawi sa mansyon si King ginagawa niyang abala ang sarili nang sa ganun wala siyang oras para i-entertain ang lalaki.Ngunit ang pag-iwas niya rito ay hindi niya nagampanan, dahil sa tuwing iiwas siya lalo lang niyang hinahanap ang presesnya ni King."Pakiramdam ko iniiwasan mo 'ko," may himig na lungkot na sambit ni King. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan sa opisina ni Don Emmanuel habang nakamasid kay Nenita na naglilinis. "Sa tuwig nandito ako lagi kang abala. Kapag pinapapunta kita sa bahay ang dami mong rason. Naintindihan
"Tay, ito lang ho ang nakalap kong impormasyon."Napakislot si Nenita nang ihagis iyon ng kanyang ama matapos basahin ang mga papel na pinakita niya. Galit ang kanyang ama na tiningnan siya. "Walang kwenta!" galit na sigaw niya. "Ilang buwan kitang hinayaan sa trabaho mo tapos ito ang ibibigay mo sa akin? Aanhin ko ang mga ito? Mapakinabangan ko ba iyan? Hindi!""Dahil wala rin akong mahalughog na butas, tay!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses niya. Hindi na siya makapayag sa puntong ito na manahimik nalang.Narinig niya ng malakas na pagsinghap ng kanyang ama. "Wala kang mahalughug na butas o baka pinoprotektahan mo sila!?"Nilabaan niya nag takot na naramdaman kahit naramdaman na niya ang panginginig ng kamay. "Tay hindi ho! Hindi ko sila pinoprotektahan dahil wala namang dahilan para protektahan ko sila! Dalawang pamilya ang tinatrabaho ko, tay, pero ni isang butas para mapabagsak sila ay wala akong nakita. Hinalungkat ko rin ang dating buhay nila pero burado na iyon l
She wanted to confess her feeling towards King but she didn't know how. Natatakot siya—iyon ang unang pumasok sa isip niya. Hindi lang kasi puso niya ang pinag-usapan dito. Wala ring nababanggit si King o kahit parinig man lang na gusto rin siya nito. Noong una, nababanggit pa si King ang katagang 'CRUSH' pero habang tumatagal hindi na niya iyon narinig sa lalaki.Ayaw niya ring mag risk knowing na may past relationship si King. Iniisip kasi ni Nenita na whtat if magkabalikan silang dalawa ng ex girlfriend ni King.? What if mahal pa ito ni King' at ginagamit lang siyang panakip butas para mapunan ang pananabik niya sa ex-girlfriend?At ang isa niya pang rason kaya hindi niya masabi kay King ang totoong naramdaman niya ay dahil sa huli lalayo rin siya once na nabulgar na ang kanyang matagal na kasinungalingan. Baka nga sa kulungan na siya hahantong at doon manirahan habang-buhay sa kasalanang ginawa niya sa pamilyang Montefalco."Paano kung sabihin ko sayong mahal kita," dumadagundong
Pinaghalong saya at kaba ang naramdaman ni King habang nakatitig sa diamond ring na kanyang napili. Balak niyang mag propose kay Nenita ngayong araw ngunit kaagad niya ring binawe ang plano na iyoy nang maalala ang suggestion ni Enrico."That infinity wedding ring, please. Pa-engraved narin ng name initials at date."Hindi siya mapakali habang hinihintay ang singsing. Iniiisp niya kung ano ang sasabihin niya kay Nenita para mapapunta sa simbahan ang babae ng hindi nito mahalata ang secret wedding na gagawin niya."Sir, heto na po."AG&KH 093024.King looked at the ring with a wide smile and teary eyed. Finally, he will get marry the girl he love. Kahit siya lang ang nagplano, kahit hindi man naranasan ni Nenita na ligawan at makaranas ng proposal babawi nalang siya. Ayaw niyang mawala si Nenita sa kanya. At isa pa, sapat na para kay King ang mahal siya ni Nenita para pakasalan ng deritso ang dalaga. Saka niya lang ito ligawan araw-araw kapag mag-asawa na sila.Hanggang makarating sa k
"Can you tell us ano ang nangyari bakit ka na aksidente?" tiim bagang na tanong ni javier. Nasa hospital room ni King silang magkapatid. Ilang araw na silang hindi mapakali at hindi maka isip ng maayos dahil sa aksidenteng nangyari. Dagdag pa na inabot ng ilang araw bago nagising si King. Gayunpaman, nagpapasalamat sila dahil walang ibang parte ng katawan ni King ang naapektuhan lalo na ang ulo niya sa lakas ng kanyang pagkasalpok."Alam naming lahat na magaling ka sa pagmamaneho pero bakit ka naaksidente? Hindi mo rin kami hinayaan na imbestigahan yung sasakyan mo," dugtong na wika ni Javier."King, we waited you to wake up para kumbinsihin ka sa aksidenteng nangyari sayo," kalmadong usal ni Ethan, "Dahil ang sabi mo kay Enrico hayaan nalang at wag imbestigahan ang nangyari sayo. May iba pa bang dahilan bakit ka na aksidente? Are you hiding something?"Mariing napalunok si King sa mga tanong ng kanyang pinsan. Nakatanaw lang siya sa kawalan na may malalim na iniisip. Hindi niya pa
Kahit natatakot naglakas-loob parin si Nenita na pumasok. Nakataas ang dalawa nitong kamay, hindi inalis ang tingin sa taong nakatutok ng sniper sa kanya.Hindi naman nangahas ang tao na iyon na putukan siya. Hinayaan lang siya nito na maglakad palapit sa kinaroonan niya. Habang papalapit s Nenita, palakas rin ng palakas ang dagundong ng kanyang puso. Kaba, takot ang kanyang naramdaman ngayon. Nasisiguro niya kaseng ati Ashnaie ang taong ito."Hanggang d'yan ka lang!" matigas na wika ng babae sampung metro ang layo ni Nenita sa kanya.Sa kanyang postora, kahit matanda na ito makikita paring malakas pa ito. Maganda ang hubog ng katawan tanda na inaalagaan ito ng tama. Hindi gaanong kulubot ang makinis nitong mukha. Kung titingnan mula ulo hanggang paa, mukha lang itong nasa kuwarenta ang edad."Sino ka at ano ang karapatan mong pumasok sa teretoryo ko?" matigas parin na wika nito.Lihim na napangisi si Nenita nang hindi niya man lang nakitaan ng kahit anong emosyon ang babae. Nakatu
Tahimik, walang kibo si Nenita na nakatanaw sa kabilang table. Simula nang makarating sila hanggang sa malapit ng matapos ang party ay tahimik siya. Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha ngunit ang mga mata niya ay kanina pa humahapdi sa pagpigil na huwag umiyak. Ang damdamin niya kanina pa naninikip sa sakit na nadarama. At nang dahil iyon sa lalaking kanina niya pa tinititigan. Na kahit nakatagilid ang gwapo niya parin tingnan. Ang perpekto ng pagkahulma ng panga niya. Ang matangos niyang ilong. At ang makinis nitong leeg.Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pa simpleng pinunasan ang butil ng luha na hindi na napigilan ang pagpatak. Mabuti nalang at wala sa kanya ang atensyon ng mga kasamahan. Si Nemfa busy sa pagkulikot sa cell phone nito. Si Javier ay ayaw mawalay ang tingin kay Janice. Si Ethan ay nakikipagbangayan sa mga pinsan na pinagdiskitahan ang kambal niya. Si Enrico na nasa kanyang tabi ay parang linta na nakakapit sa braso ni Nadia. Kanina niya pa gustong umalis
Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan at may isang batang babae na habol ang kanyang hininga at paika-ika na tumatakbo sa tahimik na kalsada. Panay ang tingin nito sa kanyang likuran na animo may kinakatakuan roon na nilalang na humahabol sa kanya. Bawat bahay na kanyang mararaan kinakalabog nito ang gate upang makahingi ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ni isa roon walang nagbukas ng pinto sa kanya. Napanghinaan na siya ng loob pero hindi parin siya sumuko. Malakas na sunod-sunod na kalabog mula sa bakal na gate ang gumulat sa tatlong magkapatid na lalaki na masayang nagkukwentuhan. Noong una binalewala nila iyon sa pag-aakalang pinagtitripan lang ng mga batang dumaraan ang gate nila. Ngunit nang sumunod na sandali, sa muling paglagabog may tinig ng isang babae na itong kasama at tila ito ay nangangailangan ng tulong. "Tao po!"Nanginginig bakas ng kanyang pag-iyak na sambit ng babae sabay pokpok ulit sa bakal na gate. Nanghihina na siya. Kung tatakbo pa siya at maghaha