Pinaghalong saya at kaba ang naramdaman ni King habang nakatitig sa diamond ring na kanyang napili. Balak niyang mag propose kay Nenita ngayong araw ngunit kaagad niya ring binawe ang plano na iyoy nang maalala ang suggestion ni Enrico."That infinity wedding ring, please. Pa-engraved narin ng name initials at date."Hindi siya mapakali habang hinihintay ang singsing. Iniiisp niya kung ano ang sasabihin niya kay Nenita para mapapunta sa simbahan ang babae ng hindi nito mahalata ang secret wedding na gagawin niya."Sir, heto na po."AG&KH 093024.King looked at the ring with a wide smile and teary eyed. Finally, he will get marry the girl he love. Kahit siya lang ang nagplano, kahit hindi man naranasan ni Nenita na ligawan at makaranas ng proposal babawi nalang siya. Ayaw niyang mawala si Nenita sa kanya. At isa pa, sapat na para kay King ang mahal siya ni Nenita para pakasalan ng deritso ang dalaga. Saka niya lang ito ligawan araw-araw kapag mag-asawa na sila.Hanggang makarating sa k
"Can you tell us ano ang nangyari bakit ka na aksidente?" tiim bagang na tanong ni javier. Nasa hospital room ni King silang magkapatid. Ilang araw na silang hindi mapakali at hindi maka isip ng maayos dahil sa aksidenteng nangyari. Dagdag pa na inabot ng ilang araw bago nagising si King. Gayunpaman, nagpapasalamat sila dahil walang ibang parte ng katawan ni King ang naapektuhan lalo na ang ulo niya sa lakas ng kanyang pagkasalpok."Alam naming lahat na magaling ka sa pagmamaneho pero bakit ka naaksidente? Hindi mo rin kami hinayaan na imbestigahan yung sasakyan mo," dugtong na wika ni Javier."King, we waited you to wake up para kumbinsihin ka sa aksidenteng nangyari sayo," kalmadong usal ni Ethan, "Dahil ang sabi mo kay Enrico hayaan nalang at wag imbestigahan ang nangyari sayo. May iba pa bang dahilan bakit ka na aksidente? Are you hiding something?"Mariing napalunok si King sa mga tanong ng kanyang pinsan. Nakatanaw lang siya sa kawalan na may malalim na iniisip. Hindi niya pa
Kahit natatakot naglakas-loob parin si Nenita na pumasok. Nakataas ang dalawa nitong kamay, hindi inalis ang tingin sa taong nakatutok ng sniper sa kanya.Hindi naman nangahas ang tao na iyon na putukan siya. Hinayaan lang siya nito na maglakad palapit sa kinaroonan niya. Habang papalapit s Nenita, palakas rin ng palakas ang dagundong ng kanyang puso. Kaba, takot ang kanyang naramdaman ngayon. Nasisiguro niya kaseng ati Ashnaie ang taong ito."Hanggang d'yan ka lang!" matigas na wika ng babae sampung metro ang layo ni Nenita sa kanya.Sa kanyang postora, kahit matanda na ito makikita paring malakas pa ito. Maganda ang hubog ng katawan tanda na inaalagaan ito ng tama. Hindi gaanong kulubot ang makinis nitong mukha. Kung titingnan mula ulo hanggang paa, mukha lang itong nasa kuwarenta ang edad."Sino ka at ano ang karapatan mong pumasok sa teretoryo ko?" matigas parin na wika nito.Lihim na napangisi si Nenita nang hindi niya man lang nakitaan ng kahit anong emosyon ang babae. Nakatu
Tahimik, walang kibo si Nenita na nakatanaw sa kabilang table. Simula nang makarating sila hanggang sa malapit ng matapos ang party ay tahimik siya. Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha ngunit ang mga mata niya ay kanina pa humahapdi sa pagpigil na huwag umiyak. Ang damdamin niya kanina pa naninikip sa sakit na nadarama. At nang dahil iyon sa lalaking kanina niya pa tinititigan. Na kahit nakatagilid ang gwapo niya parin tingnan. Ang perpekto ng pagkahulma ng panga niya. Ang matangos niyang ilong. At ang makinis nitong leeg.Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pa simpleng pinunasan ang butil ng luha na hindi na napigilan ang pagpatak. Mabuti nalang at wala sa kanya ang atensyon ng mga kasamahan. Si Nemfa busy sa pagkulikot sa cell phone nito. Si Javier ay ayaw mawalay ang tingin kay Janice. Si Ethan ay nakikipagbangayan sa mga pinsan na pinagdiskitahan ang kambal niya. Si Enrico na nasa kanyang tabi ay parang linta na nakakapit sa braso ni Nadia. Kanina niya pa gustong umalis
Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan at may isang batang babae na habol ang kanyang hininga at paika-ika na tumatakbo sa tahimik na kalsada. Panay ang tingin nito sa kanyang likuran na animo may kinakatakuan roon na nilalang na humahabol sa kanya. Bawat bahay na kanyang mararaan kinakalabog nito ang gate upang makahingi ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ni isa roon walang nagbukas ng pinto sa kanya. Napanghinaan na siya ng loob pero hindi parin siya sumuko. Malakas na sunod-sunod na kalabog mula sa bakal na gate ang gumulat sa tatlong magkapatid na lalaki na masayang nagkukwentuhan. Noong una binalewala nila iyon sa pag-aakalang pinagtitripan lang ng mga batang dumaraan ang gate nila. Ngunit nang sumunod na sandali, sa muling paglagabog may tinig ng isang babae na itong kasama at tila ito ay nangangailangan ng tulong. "Tao po!"Nanginginig bakas ng kanyang pag-iyak na sambit ng babae sabay pokpok ulit sa bakal na gate. Nanghihina na siya. Kung tatakbo pa siya at maghaha
Nanibago man pinilit ni Nenita na maging pormal sa harap ng mag-ama. Tapos na silang maghapunan at ngayon dessert naman ang nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar sa pagkain ngunit nagustuhan niya ang lasa. Napansin iyon ni Enrico kaya nilagyan niya ulit ang platito ni Nenita. "Salamat po, " nahihiya na wika niya sa maliit na boses. "Marami pa iyan sa ref, wag kang mahiya na kumain, " kaswal na saad ni Enrico sabay ngiti sa kanya. Napayuko si Nenita upang itago ang mukha nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Kaagad niya ring sinaway ang sarili dahil baka makita nila iyon. "Mga gamit mo ba ang laman riyan sa bag mo? " tanong ni Ethan. Nag angat ng mukha si Nenita kay Ethan. "O-opo.""Ang liit ng bag mo, siguro kaunti lang iyang dala mo, " komento ni Javier. "A, opo. Kaunti lang po. "Malakas na sabay napabuga ng hangin sina Javier at Ethan na ipinagtaka ni Nenita at the same time ay kinabahan. "Magpahinga ka ng maaga, shopping tayo bukas, " nakangiti na sambit ni Ethan.
Nagmistulang tambakan ng basura ang loob ng sasakyan ni Enrico. Lahat ng mga iyon ay mga gamit ni Nenita na pinamili ng tatlong magkapatid sa kanya. Kulang nalang ay dalhin nila ang buong mall sa mansyon dahil ayaw nilang magpa-awat sa pagbili. Walang nagawa si Nenita kundi ang tumunganga habang pinapanood ang mga ito na salitan sa paglapit sa kanya para tingnan kung bagay ba sa kanya ang napili nilang bilhin. Nagmistula siyang manikin na binibihisan ng tatlong tao. Lutang ang isip ni Nenita hanggang sa matapos ang magkapatid sa pamimili. Hindi niya inaasahan na mangyari ito sa buhay niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bata na matagal na nawala at natagpuan ang totoong pamilya. Ang isa pang ikinalutang ng isip niya iyong malaman na ang pamilyang tinutuluyan niya ngayon ang may-ari nong mall. "Wala ba kayong sasakyan na dala? " naiinis na tanong ni Enrico sa dalawa nitong kuya na nagsiunahan na pumasok sa loob ng kotse niya. "Meron. Pero dito namin gusto sumakay pauwi, " sagot ni
Naging maayos ang paninirahan ni Nenita sa mansyon. Hindi niya naramdaman ang pagiging isang katulong. Kundi para siyang isang prinsesa na inaalagaan ng apat na prinsipe. Palagi siyang may pasalubong sa tatlong magkapatid kapag naka uwi ang mga ito. Mag damit, pagkain o kung ano pa man. Lalo na si Don Emmanuel na hindi nakakalimut na uwian siya ng mga paslaubong. “Kailan ang birthday mo?” tanong sa kanya ni Ethan. “Nasa theater room silang lahat habang nanonood ng palabas. Napagitnaan siya ng apat.“Sa May 26.”“Oh, next month na. Diba 18th birthday mo na iyon?” Javier said.“So, ibig sabihin kailangan nating maghanda ng malaki at engrandeng birthday party?!” masayang usal ni Enrico na tila ay may naiisip nang magandang plano sa araw na iyon.“Hindi naman kailangan na paghandaan,” pagtanggi ni Nenita. “Dalaga na ako sa araw na iyon. Pang bata lang ang party,” natatawa na dugtong niya.Hindi naman talaga kailangan. Magulang niya nga hindi maalala ang special na araw na iyon. Tapos a