Share

CHAPTER 18

Lumipas ang ilang araw na sa loob ng kulungan nanatili si Lemuel. Halos hindi niya mapaniwalaan na nasa ganoon siyang sitwasyon. Nahaharap nga siya sa kasong rape na kung paano nangyari ay hindi niya maproseso.

Mismong si Jossa raw 'di umano ang nagsalita laban sa kanya. Ayon sa abogadong nakuha ng kanyang Tatay Simeon ay malakas ang laban ng kabilang kampo sapagkat may ilang ebidensiya raw na hawak ang mga Lodado. Mga ebidensiya iyon na hindi niya malaman kung saan nanggaling.

Kasintahan niya si Jossa. Mahal niya ito at ramdam niyang ganoon din ang nadarama ng dalaga para sa kanya. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit siya nahaharap ngayon sa ganoong krimen. Paano nito nasabing pinagsamantalahan niya ito gayung pareho nilang ginusto ang namagitan sa kanilang dalawa? Hindi niya ito ginamitan man lang ng dahas sapagkat may relasyon sila ng dalaga.

Sa loob ng mga araw na nakakulong si Lemuel ay laging nariyan para sa kanya si Simeon. Dama niya ang labis na pag-aalala nito para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Christine Johna Myzing
kawawa c jossa at Simeon Hindi man nlng nila alam na mag ama sila Baka Lemuel Siya na ang ama mo at tulungan Ka Nia...
goodnovel comment avatar
Eden
naipit kng c jossa dahil s daddy nyng demonyo
goodnovel comment avatar
Laica Tambago-Laga
Chapter 19 na pls. huhu ganda talaga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status