Share

CHAPTER 29

Marahang napalingon si Jossa nang maramdaman niya ang paglapit ni Brix. Bitbit nito ang isang basong tubig na agad nitong inilapag sa ibabaw ng center table. Narinig niya pa nang mapabuntong-hininga ang kaibigan niya bago ito nagsalita.

"Uminom ka muna, Jossa, para kumalma ka," wika nito sa banayad na tinig.

Sinunod niya ang sinabi ng binata. Uminom siya mula sa basong ibinigay nito saka iyon muling inilapag sa ibabaw ng mesa. "S-Salamat," halos pabulong niyang saad.

Ilang minuto matapos niyang tawagan si Brix ay dumating ito upang sunduin siya. Agad pang rumihestro ang pag-aalala sa mukha ng kanyang kaibigan nang makita nito ang kalagayan niya. Bakas na bakas kasi sa kanyang mukha ang labis na pag-iyak.

Agad siyang nilapitan ni Brix at inalalayang makasakay sa kotse nito. Kinailangan niya na ngang tawagan ang kanyang kaibigan dahil pakiramdam niya'y hindi na niya makakaya pang umuwing mag-isa. Damang-dama niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Halos manghina rin ang kanyang mga tuhod
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Laica Tambago-Laga
grabe naman to......
goodnovel comment avatar
Christine Johna Myzing
miss Yvette grabi ang luha KO isang balde... thank you......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status