Louise POV Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kung maramdaman knowing na si Calyx pala ang lalaking naka-one night stand ko noon sa club. Titig na titig ako sa bracelet na binigay sa akin ng aking Lola. Unti-unting tumulo ang aking luha dahil naalala ko na naman siya. I missed her already. Masaya ako dahil si Calyx ang nakakuha ng virginity ko. Tawang-tawa pa nga ako dahil sa katangahan ko, kaya pala sobrang pamilyar ng pagtatalik namin dahil siya rin pala ang nakauna sa akin. Nakakagago naman ang tadhana. Sobrang nakakatawa. Napailing ako at tumayo na sa buhangin. Kanina ko pa si Calyx hinihintay rito ngunit wala pa rin siya. Kanina ay mayroong panay tawag sa kan'ya ngunit hindi niya ito sinasagot. Ako na lamang ang narindi sa pagtunog ng telepono kaya sinabihan ko siyang sagutin muna ito ngunit tatlong minuto ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Mabilis akong pumasok sa hotel subalit agad akong sinalubong ng hotel staff kaya napatigil ako. "Ma'am pinapasabi po n
I wanted my twin to go back here because Calyx knew everything already. I was done with Calyx and wanted to return to my old life in Cebu. Nang malaman ni Ate ang lahat ay agad itong bumalik sa Pilipinas. Matapos ang aming tawag ay nag-book agad ito ng flight pabalik sa bansa. Rinig na rinig niya ang aking hagulhol kaya siguro ay alam na noon na may masamang nangyari sa akin. Nilagok ko ang ilang bote ng beer sa aking harapan at napahiga na lamang sa sahig. Ilang araw na akong ganito simula noong umalis ako sa puder ni Calyx. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang Message app nito nagbabakasakaling nag-text si Calyx at pauwiin ako ngunit wala akong natanggap. Tumulo ang aking luha dahil nararamdaman ko na naman na para bang pinupunit ang aking puso. Sobrang sakit na para bang hindi ako makahinga. Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga panahong masaya kami ng lalaki. "Calyx..." bulong kong wika sa aking sarili. "I'm sorry..." dagdag ko pa saka humagulhol. Rinig
Calyx POV I didn’t know what I’m going to feel when I heard what my private investigator told me. Ayaw ko sanang sagutin muna iyon but Louise insisted me. “Sir, I already have a piece of information kay Ms. Kate Colleen Del Monte. I didn’t know she had a twin named Katelyn Louise Del Monte, she’s residing in Cebu and not in good terms with her parents.” Iyan ang bumuluga sa akin nang sinagot ko ang tawag ng aking private investigator. Sapat na iyon para malaman ko ang katotohanan.Hindi ako makapagsalita kaya agad kong pinatay ang tawag, I wired some money on his bank account at nagsimulang bumalik sa resort. Wala ako sa tamang huwisyo noon, gusto kong komprontahin si Louise but I don’t have the guts to do so. Natatakot ako na baka masigawan at masaktan ko lamang siya. All this time niloloko lang pala ako nila. She’s not Kate but she’s her twin. Agad akong umuwi papuntang Manila at iniwan siya roon. Hindi ko alam kung bakit sumisikip ang aking dibdib pero nananaig pa rin ang kas
Louise POV Ilang araw na ang nakalipas nang umuwi rito si Ate sa Cebu. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta ngunit wala na akong pakialam doon. Gusto ko na lamang bumalik sa dati at mawala na itong nararamdaman ko para sa asawa niya. I felt sick pero nananaig pa rin ang sakit ng aking puso kaysa sa nararamdaman ko ngayon. Para ba akong nahihilo na hindi ko maintindihan. Narito ako sa sofa, nakaupo habang nanunuod ng T.V. Rinig ko ang katok sa pintuan kaya napalingon ako. Dahan-dahan akong tumayo ngunit bigla akong nabuwal sa aking kinatatayuan dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Mabilis akong umupo at huminga ng malalim.“Okay ka lang, Louise?” Napalingon ako kay Ate Kate at dahan-dahang tumango. “Okay lang, Ate, medyo hindi maganda ang gising ko kanina, kulang lang siguro ako sa pahinga at tulog,” mahina kong sagot sa kan’ya. Inalalayan niya akong umupo sa sofa saka hinawakan ang aking ulo. “Wala ka naming lagnat,” deklara nito. “Kulang lang ako sa tulog, Ate. By the way, why
Louise POV Panay ang tawag ko sa aking kapatid ngunit hindi man lang nito sinasagot ang aking tawag. Nag-send lamang ito ng text na ma-la-late sila at mauna na lamang ako sa kanila sa Claro Hotel kung saan mayroon kaming reservation para kumain doon.Nang makapasok ako sa restaurant sa loob ay agad na lumapit sa akin ang isang waiter sa gilid. “Good evening, Ma’am, reservation po for Ms. Kate Colleen Del Monte?” tanong nito sa akin. Agad akong tumango kaya inilahad niya ang kan’yang kamay upang tuluyan akong makapasok sa loob. “This way po, Ma’am.” Sinilip ko ang aking cellphone baka sakaling mag-text ulit ang aking kapatid ngunit nabigo lamang ako. Napasimangot ako dahil doon. Nasaan na kaya ang bruhildang iyon? Ang ayaw ko pa naman ay nahuhuli siya sa usapan. Huwag niyang sabihing i-indyanin niya ako, sabunutan ko talaga siya kapag nagkita kami. Huminto ang waiter sa isang table na puno ng pagkain, sa gitna noon ay may dalawang scented candles at napapalibutan ng petal of rose
Louise POV “Louise, let’s start again, will you marry me?” Pagkagulat ang tanging naging reaksyon dahil sa sinabi ni Calyx. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin dahil sobrang naguguluhan ako. Tanging pag-iling lamang ang aking ginawa at mabilis na napaatras. “This is too soon, Calyx. Hindi ako ang mahal mo, ‘di ba? Baliw na baliw ka sa kapatid ko bakit sa akin mo ginagawa iyan?” tanong ko sa kan’ya. Kumunot ang noo ni Calyx at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. He didn’t expect what I said. “I love you, Louise. Paniwalaan mo ako, ako ang higit na nakakaalam kung ano ang nararamdaman ko,” seryosong sagot nito habang nakaluhod pa rin sa harap ko. Agad kong hinawakan ang kan’yang kamay at hinila siya. “Please stand up, Calyx. Ayaw ko n-ng ganito,” nahihiyang wika ko sa kan’ya at napailing. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso dahil sa sobrang kaba. Hindi ko inaasahan na ito ang gagawin niya. Dapat ay maging masaya ako dahil ako ang pinili pero bakit sobrang
Malaki ang aking ginawang hakbang papunta sa kwarto kung saan naka-admit si Calyx. Mangiyak-ngiyak ako habang binibagtas ang daan papunta sa hospital. Nasa likuran ko si Kate kasama ang kan’yang nobyo na si Oliver, kahit sila ay nag-aalala rin para sa lalaki. Naging mahirap para sa amin ang makapasok sa loob dahil sobrang dami ng mga tao sa labas or should I say mga media na nag-aabang sa kalagayan ni Calyx ngayon. Nang nasa harapan na ako ng kwarto ay huminga muna ako ng malalim, halos hindi magkamayaw sa pagtibok ang aking puso dahil sa pag-aalala. Marami ang naglalaro sa aking isipan kung ano ang nasa likod ng kwarto, kumusta siya? Okay lang ba siya? Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at bumungad sa akin ang amoy ng gamot na nagmumula sa loob. Impit akong napaiyak nang makita ko si Calyx na ngayon ay nakahiga sa kan’yang kama. May benda ang kan’yang ulo habang mahimbing na natutulog. Kita ang braso nito na may benda pati na ang mukha nitong puno ng mga pasa. “Oh Lo
Louise POV “I don’t want to drink a medicine, purgang-purga na ako sa kakainom niyan simula noong naaksidente ako. I’m okay now, Love so don’t worry,” nakasimangot na wika ni Calyx sa akin at napabuntong hininga. Kanina ko pa kasi siya pinipilit na uminom ng gamot para madaling gumaling ang sugat niya. Mabuti na lamang at kunti lamang ang tama niya dahil sa gilid lamang ng kotse ang napuruhan. “You have to drink this medicine, Love para makauwi na tayo sa mansion,” pagpupumilit ko pa. Parang bata itong umiling-iling sa akin at ngumuso. “I don’t want to, but… If you’ll let me kiss you iinumin ko ‘yang gamot na ibibigay mo,” nakangisi nitong saad sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Ayaw kong m********n kami rito dahil alam kung mapupunta lamang iyon sa make love. Madali pa naman ako nitong maakit at kaagad akong bumibigay. Kinagat ko ang aking labi at nagsimulang mag-isip, dahan-dahan akong tumango at seryosong tiningnan siya, “Kiss lang ah!” Naningkit ang mga mata ni Calyx a