Marami ang mga taong nagsisipasukan sa venue ng party. Kararating lang namin at kasalukuyan kaming nasa loob ng aking kotse.
“Mommy, can we go now?” tanong ni Mathilda sa akin.
“Papasukin muna natin ang mga tao sa loob anak, mamaya na tayo pumasok,” saad ko sa kaniya.
“Mommy, marami bang mga foods at children doon sa party?” tanong pa niya sa akin. Si Matthew ang busy sa kaniyang tablet at naglalaro ng Roblox.
“Maraming foods doon anak hindi ko lang alam kung may mga bata roon,” ngiti kong saad sa kaniya.
“Matthew, kanina ka pa diyan sa tablet mong ‘yan baka masira na mga mata mo niyan ah,” sambit ko sa aking anak na lalaki.
“Sorry po, mommy,” saad nito at agad na pinatay an
Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabihin sa kambal ang rason kung bakit ako nagkaganoon. Hindi ko rin gustong mag-panic dahil hindi ko inaasahang nakita ko si Travis at Emery rito sa party. I should act tough dapat pero hindi ko alam kung bakit nanghina at natakot ako.“Okay ka lang ba, Sofia?” tanong ni Tristan sa akin. Kasalukuyan kaming nakaupo sa table namin. Hindi ko alam kung nasaan na sina Travis ngunit wala na akong pakialam sa kanila. Aalis na sana ako kanina para sundan ang kambal ngunit kinorner naman agad ako ni Ms. Strella. Ilang minuto na lamang daw ay i-me-mention na ang special guest which is kami ni Lilac.“Sobrang nasaktan ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin bigla na lamang akong nag-panic na baka kunin niya ang kambal,” problemadong saad ko sa kaniya.
Travis POVNapasuntok ako sa manibela dahil sa frustrations. Nang mag-walkout sa aking harapan si Dahlia ay mabilis ko siyang sinundan ngunit nakita ko na lamang na hinila siya ng isang lalaking hindi ko kilala.Boyfriend niya ba ito?Sino kaya iyong lalaking iyon. Pansin kong sobrang close nila sa isa’t-isa. Mali sigurong pinakawalan ko siya noon. Napapikit ako ng mariin, naalala ko ang tagpo kanina.Iyong mga batang iyon, nakita ko sila sa mall dati. Kaya pala nang makita ko silang dalawa na magkahawak-kamay at umiiyak para bang may pumihit sa aking enerhiya na lapitan sila. Nang makita ko ang batang lalaki nakikita ko ang sarili ko noong kabataan ko at ang batang babae naman ay si Dahlia lalo na ang kaniyang mga matang kulay hazelnut.
Dahlia’s POVNang makauwi ako sa mansion ay agad akong pumasok sa kwarto ng kambal ngunit nabigo akong kausapin sila dahil tulog na tulog na ang mga ito. Napabuntong hininga ako dahil doon. Dahan-dahan ang aking paglakad papalit sa kanila para hindi sila magising pa.Nang makalapit ako ay agad akong umupo sa tabi nila. Napangiti ako dahil mahimbing na mahimbing ang kanilang pagtulog, humihilikpa nga si Matthew. Hinalikan ko sila sa kanilang noo ng marahan.Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabihin sa kanila ang lahat, iyong hindi sila masasaktan. Kaya ko bang sabihin sa kanila ang totoo o magsisinungaling na naman. Ayaw kong masaktan ulit sila dahil hindi ko sa kanila sinabi ang lahat pero may mga bagay nga talagang hindi dapat sa kanilang talakayin pa. They were so young and innocen
Ilang araw na ang nakalipas simula noong naganap ang party. Back to normal na rin kaming mag-iina. Napangiti ako nang maalalang nag-absent pa ako noon dahil gusto ng kambal na pumunta sa Echanted Kingdom para raw makapag-bonding kami. Hindi namin sinama si Mary dahil may date sila ni John, tanging kami lang ng kambal ang namasyal. Kung tatanungin kung nasaan si Prince Tristan, umuwi muna ito sa Spain dahil may emergency raw sa palasyo nila. Hindi ko na inalam dahil nagmamadali rin itong nagpaalam sa akin. Nakakalungkot nga dahil hindi man lang siya nakasama sa pamamasyal sa E.K. plano pa naman namin ito noong nasa Spain pa lang kami pero may next time pa namin siguro pagbalik na lamang niya, babalik ulit kami sa Enchanted Kingdom.Kasalukuyan akong nasa office at nagtitipa sa aking laptop. Marami pa kasi akong dapat trabahuin at i-review. I have different brands around the world at kailangan kong review-hi
Tuluyan na ngang na-terminate si Lilac dahil sa mga pinaggagawa niya. Hindi ko alam na marami pa pala siyang masamang ginawa rito sa kompaniya. She even made the employees here a slave kagaya ng ginawa niya sa akin noon. Hindi na nga talaga ito magbabago, napailing ako sa aking sarili.I am here at my office pinaghahandaan ang pagpunta ko sa kompaniya ng mga Monte Cristo. I have meeting there with Travis at na-e-excite na ako na makita ang kaawa-awa niyang mukha. Yes, he is the father of my twins pero it doesn’t mean na magiging okay kaming dalawa. I am civil kapag nariyan ang kambal ngunit kapag kaming dalawa na lang ibang usapan na iyon.Napalingon ako sa telepono kong tumutunog, it was John kaya agad ko itong sinagot.“Narito na ako sa kompaniya ng mga Monte Cristo, I already talk to
“Ms. Sofia, may naghahanap po sa inyo,” saad ng aking assistant sa akin.“Let him or her in,” saad ko sa intercom at nagsimula ulit magtrabaho. Marami kasi akong tatapusing mga papeles ngayon. Ilang araw na ang nakalipas simula noong pumunta ako sa kompaniya ng mga Monte Cristo. Mabuti na lang at hindi na ako ginulo ni Travis pa. Maiinis lang ako sa kaniya.Napalingon ako nang bumukas ng aking pinto sa office. Ngingitian ko na sana ang pumasok na bumisita ngunit agad akong napasimangot dahil sa lalaking nakangiti sa harap ko. May dala-dala itong boquet of roses. Maganda na ang kaniyang postura kumpara noong makita ko siya sa kaniyang kompaniya.Napairap ako at hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik ako sa aking trabaho. Wala akong panahon sa kalokohan niya.
Travis POVNapangiti ako ng mapait nang makaalis ako sa opisina ni Dahlia. Agad akong pumasok sa aking kotse at napasandal sa manibela. Sobrang sakit marinig ang mga salitang binitawan niya kanina ngunit kailangan kong tanggapin iyon dahil mas masakit pa rin ang mga ginawa ko noon kaysa sa kaniya.Alam ko may plano siyang saktan ako kaya ng madali itong magbago ng isip. Ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil wala naman akong magagawa gusto kong makilala at makasama ang aking mga anak. Hindi ko mapigilang umiyak o maging emosyonal kapag ang mga anak ko na ang pinag-uusapan. Masakit para sa akin na tinago sila ni Dahlia ng mahabang panahon ngunit hindi ko naman siya masisisi dahil sinaktan ko siya, naging masama akong asawa sa kaniya. Subalit lahat ng ginawa ko may rason. Hindi ko ginustong iwan siya, mahal na mahal ko siya sobra ngunit kailangan ako
Dahlia’s POV “Mommy, can we go to the mall?” tanong ni Mathilda sa akin at nag-pout. Wala akong masiyadong trabaho ngayong araw kaya hindi na ako pumasok sa kompaniya. Mag-wo-work from home na lamang siguro ako. Wala na akong balita kay Lilac, siguro ay umuwi na iyon sa Spain, good for her hindi siya belong dito. Pasalamat siya walang employee-ng kumakalat sa ginawa niya, kung ‘di bagsak na ang career ang kaniya. “Mommy,” tawag sa akin ni Matthew. “Ah sige, we will go to the mall and eat Jollibe there, want that?” tanong ko sa kanila. Masigla naman silang tumango at niyakap ako. “Thanks, mommy!”