Dahlia’s POV
"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong sa kaniya.
"Why? Bawal bang bumisita sa bahay ng mga magiging in-laws ko? " tanong niya rin sa akin.
"Umalis ka na rito," malamig kong saad sa kaniya.
"Ikaw ang dapat umalis dito.”
"Nasabihan ka na ba ng asawa ko na dapat ay umalis ka na? Pasalamat ka pinakiusapan niya akong bigyan ka ng dalawang araw para makapag-impake."
Napairap ako sa kaniya at aalis na sana nang hilahin niya ang aking braso.
"Saan ka pupunta? Huwag mo akong tatalikuran!" galit na saad niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniyang tiyan. Hindi ko dapat siya patulan baka pati bata ay madamay.
"Aalis na ako, ayaw kong makipag-away sa iyo, Emery kaya puwede ba layuan mo ako?" saad ko sa kaniya.
"Bakit? Natatakot ka ba? Baka mapagalitan ka ni Travis?" tanong niya sa akin.
"Ayaw ko lang ng gulo," seryo
Nagising ako sa isang maliwanag na paligid sobrang nakakasilaw ito kaya napapapikit ako. Mayamaya lang ay tila nawawala ito kaya nakaka-adjust na ang aking mga mata sa liwanag. Napatingin ako sa paligid, sobra ang aking pagkamangha dahil sa mga bulaklak na nakapalagid sa akin. Iba't-ibang klaseng mga bulaklak ang nakatanim doon. May iba't-ibang amoy at kulay. Napangiti ako ng matamis, oh God! Para itong paraiso."Dahlia, anak..." Nagpalingon ako sa paligid at hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. It was my Nanay Lilet, I'm sure of that."'Nay! Nasaan ka po?" naiiyak kong sigaw sa kaniya."Dahlia, iha!" sigaw rin ng aking nanay sa akin. Nilibot ko ang aking paningin at napahinto iyon sa isang puno ng narra. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod sa akin na nasa duyan. Kahugis ito ng aking Nanay Lilet kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya."'Nay! Narito na po ako! Hindi na po tayo maghihiwalay!" sigaw ko sa kaniya. Nang makarating a
Dahlia’s POV “Dahlia,” tawag ni John sa akin. Napalingon ako sa kaniya at seryosong nakatingin sa akin. Umalis na si Ethan para pumunta sa grocery store para bumili ng makakain namin. Mabuti na lamang at may ipon pa ako sa bangko ito ang pinanggagastos ko rito sa hospital. Sana nga lang ay ngayon na ako ma-discharge dahil gastos na naman kapag namalagi pa kami rito ng isang araw. “Huwag ka sanang mabibigla ngunit alam ko ang tunay mong pagkatao, pinapahanap ka ng ina mo ilang taon na ang nakararaan,” seryoso niyang saad sa akin na ikinagulat ko. “P-paano mo nalaman?” tanong ko sa kaniya. “Para sa kaalaman mo, isa ako sa mga investors ng Monte Cristo Inc. na pinamumunuan ng asawa mo. Kaya nga ako napa-invest doon dahil asawa ka niya. Mas mababantayan kita kapag mapapalapit ako sa Monte Cristo. Nasa kolehiyo ka pa lang minamatyagan na kita,” saad ni John sa akin. “A-ano? Seryoso? Napaka-creepy mo naman!” sigaw ko sa kaniya at kaagad akong kinila
Dahlia’s POV Nang ma-discharge ako sa hospital ay kaagad kaming pumunta ni Ethan sa mansiyon ng Monte Cristo, kaagad kaming sumakay sa kotse ni John at hinatid lamang kami roon. “Salamat, John,” saad ko sa kaniya nang makababa kami. Bitbit ko ang pinamili naming grocery para sa lulutuin mamaya. Balak kasi naming mag-samgyup ni Ethan. “ Salamat, pare!” wika naman ni Ethan sa kaniya. Tumango lamang si John at ngumiti sa akin. “Babalikan kita bukas ng madaling araw,” saad niya sa akin kaya napatango na lang ako sa kaniya. “Nasa sa iyo naman ang number ko, hindi ba?” tanong pa niya. “Yup!” sagot ko. “Mabuti, i-te-text na lamang kita,” saad niya sa akin. Halata ang pagkaseryoso ng kaniyang mukha. Kaya naman ay mas nananaig ang kaniyang kakisigan dahil doon. Mas gumagwapo kasi si John kapag seryoso ang kaniyang mukha. Napailing-iling naman ako, pagnasaan ba naman ang sariling pinsan? Mayamaya lam
Madaling araw pa lang ay agad na akong nagising, hindi na ako nag-almusal dahil alam kong naroon sina Travis at Emery sa mansiyon. Hindi ko kayang makita sila. Nakaligo na ako at hinihintay ko na lamang si John na tumawag o kaya ay text sa akin. Sabi kasi niya madaling araw ako kukunin dito.Katok na mahina ang narinig ko sa labas ng aking kwarto, napakunot ang noo ko dahil doon. Sino naman ito? Kaagad kong binuksan ang pintuan at nakita ko ang nahihiyang mukha ni Ethan sa akin."Sorry, nakaisturbo ba ako?" tanong niya sa akin." Napangiti ako sa kaniya at umiling."Hindi naman, all set na ako at hinihintay ko na lamang si John na tumawag o kaya text sa akin. Napahinga siya ng malalim."Mabuti naman at naabutan pa kita, akala ko kasi umalis ka na," saad niya sa akin."Nakakapagtataka nga eh, hanggang ngayon ay wala pa si John, alas singko na ng umaga. Sabi kasi ay madaling araw," saad ko sa kaniya. Napaisip naman si Eth
"Dahlia?" Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ang tingin kay Emery. "Heto na ang almusal niyo," saad ko sa kanila. Kaagad na umupo si Emery sa pagkakahiga at yumakap kay Travis sa kaniyang beywang. Masakit makita iyon ngunit hindi na lang ako umimik. Wala naman akong magagawa kung 'di ay tanggapin na may hangganan ang pag-ibig at pagsasamahan namin ni Travis. Hindi na ako mahal niya, si Emery na iyon. Mabilis kong pinatong ang tray sa kanilang bedside table. "Nagpaluto ako, honey kay Dahlia ng mga almusal. Alam ko kasing pagod ka kagabi," malambing saad ni Emery sa kaniya. Pagod? Saan? Tila ba nadurog ang aking puso dahil sa ideyang pumapasok sa isip ko. Hindi man lang umimik si Travis at sa tingin ko titig na titig lamang ito sa akin. "Honey?" tanong ulit ni Emery. "B-Bakit mo inutusan si Emery? H-Hindi natin siya katulong, Emery," saad ni Travis. Napasimangot lamang ang babae. "Eh g
"Mukhang malungkot ka, babalik ba tayo?" tanong ni John sa akin na para bang nang-aasar sa akin. Inismiran ko na lamang siya at inirapan. Panira ng moment itong lalaking ito."So, bakit ka natagalan? Kanina pa kita hinihintay alam mo ba iyon?" inis kong saad sa kaniya. Kung sana maaga siyang pumunta sa mansiyon ay hindi na sana ako nakagawa ng ikakasakit ng damdamin ko."Sinundo ko pa kasi si Queen Dahria, nanay mo. Excited na siyang makita ka. Alam mo bang gusto pa niyang sumama sa akin? Hindi naman puwede iyon baka kasi may makakita sa kaniya," saad niya sa akin kaya napangiwi ako. Hindi ko alam kung ano nga ba ang aking gagawin ko o magiging reaksiyon kapag nakita ko na ang aking tunay na ina. Ano nga ba ang aking gagawin? Yayakapin ko ba siya? Hahalikan sa pisngi? Ngingitian? Hindi ko alam. Oo, nasasabik ako na makita siya ngunit nahihiya pa rin ako at syempre kinakabahan. Hindi ko namang akalain hindi ko tunay na
"Dahlia anak!"Nagulat ako nang marinig na nagtatagalog siya. Yakap-yakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap na lamang ako. Hindi ko alam pero agad na tumibok ang aking puso dahil sa warmth ng kaniyang yakap. Hindi ko maintindihan ang feeling. Kita ko ang pagngiti ng malapad ni John sa amin. Nang kumalas kami ay mas lalo ko pang natitigan ang kaniyang mukha. Napakaamo nito at halatang inalagaan talaga ang kaniyang sarili. Namangha naman ako nang makita ang kaniyang mga mata. Halos pareho ito ng sa akin, kulay hazel nut. Pati ang kaniyang buhok na wavy ay ganoon din."How are you anak? I'm sorry ngayon lang ako nagpakita sa iyo simula noong bata ka pa. I don't want you to get in trouble." Nagsimula itong umiyak sa harapan ko kaya nag-alala ko. Naiilang man ngunit hinawakan ko na lamang ang kaniyang likod para patahanin siya. "Lo siento. Te quiero," saad niya na nagpakunot sa akin. Bigla akong lumingon kay John para tanungin kung ano ang translation no'ng sinabi
Nagising ako sa marahang katok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kakaisip kung tama ba ang aking desisyon na pumuntang Spain. Hindi ko kasi hinangad ang maging prinsesa o kaya naman ay reyna. Ayaw ko ng gano'n dahil sobrang laki ng responsibilidad nito lalo na hawak mo ang buong palasyo ng Austria. Napahinga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Gulat ang rumehistro sa aking mukha nang makita kung sino ang tao sa likod ng pintuan."Nanay? Ano po ang ginagawa niyo rito?" gulat kong tanong sa kaniya. Ngumiti lamang siya sa akin."Can I go inside, anak?" tanong niya sa akin na ikinatango ko. Kaagad ko siyang pinapasok, agad naman siyang pumasok at umupo sa aking kama."Can I talk to you, iha?" tanong niya sa akin."Opo, a-ano po iyon, nanay?""Maupo ka rito, anak," saad niya sa akin. Mabilis naman akong umupo sa tabi niya."I want you to be honest, iha. Nagta