Nanlalaki ang aking mga mata nang binigyan niya ako ng isang napaka kapal na libro. Kita ko ang pagngisi niya sa akin.
"A-ano ito?" tanong ko sa kaniya.
"Obviously, Princess Sofia, that's a book," saad niya sa akin.
"Aanhin ko ito?" Napahalakhak siya sa akin, kita ko naman ang dalawang kasama namin na lihim na natatawa. Napasimangot ako sa kanila.
"Malamang, babasahin mo," naiiling na saad ni Prince Tristan.
"Are you even serious? Babasahin ko lahat ng ito? Sobrang kapal kaya nito! Baka nga hindi ko matapos ito ng isang taon! Akala ko ba tuturuan mo ako? Makakarating sa reyna na hindi mo ko tinuturuan," seryosong saad ko sa kaniya. Napangisi lamang ito at tumingin doon sa lalaking kasama niya.
"Bryant, pakikuha nga ng pisara," utos ng prinsipe. Kaagad namang sinunod siya ng lalaki. Mayamaya lamang ay may dala-dala na itong malaking pisara.
"Masiyado ka naman atang excited, Princess Sofia," wika niya
Napahinga ako ng malalim at napahiga sa aking kama. I touch the bridge of my nose at hinilot-hilot ito.“Okay lang po ba kayo, mahal na prinsesa?” tanong ni Mary.“Okay lang, Mary. Mukhang kailangan kong mag-aral palagi ng Spanish language para sa gano’n ay hindi na matagalan ang pagkikita namin ng prinsipe. Sumasakit ang aking ulo dahil sa kawalang respeto niya sa akin,” walang lingong saad ko sa kaniya. Napapikit lamang ako ng mariin dahil sa pananakit ng aking ulo.“Sobrang lupit po talaga ng prinsipe kaya nagkakasundo sila ni Prinsesa Isabella. Ang totoo po niyan ay magkababata sila, akala ko nga magkasintahan ngunit sabi ng mga katulong dito, may gusto raw ang prinsesa sa kaniya ngunit ang prinsipe ay wala. Tanging nakababatang kapatid lamang ang turing ng prinsipe sa prinsesa,” saad niya sa akin na ikinalingon ko.“Gano’n ba? Mukhang mabait naman ang kapatid ko, mukha lang siyang maldita,”
Nasa harapan kami ng hapagkainan at kumakain kasama ang mga pinsan ko at ni Prinsesa Isabella. Narito rin si Prinsipe Tristan at John. Kanina lamang ay kinatok ako ni Mary para sabihing handa na ang pagkain, gusto ko sanang ihatid na lamang ang pagkain sa akin kwarto ngunit hindi pumayag si Prinsesa Isabella, dapat daw ay sabayan ko silang kumain para naman makilala ko ng lubusan ang mga pinsan namin. Hindi naman ako nag-atubiling um-oo dahil gusto ko ring maging ka-close ang iba kong pamilya.“Kumusta ang tulog mo. Princess Sofia? Nakatulog ka ba ng mahimbing?” tanong ng isa sa mga pinsan ko, rinig ko na ang pangalan niya ay Margarette.“Malamang maganda ang tulog niya dahil sa malambot na kama na hinihigaan niya, I doubt walang ganito sa dating pamumuhay niya,” panunuya ng isa pa. Napangiwi ako sa kanilang sinabi.“M-Mabuti naman ang tulog ko, medyo hindi ako mapakali dahil hindi pa ako sanay, baka na-ho-home sick lamang ako,&rdqu
“Princess Sofia, seryoso ka po bang sasama ka sa pamamasyal?” tanong ni Mary sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.“Oo naman, bonding na rin namin ito ni Princess Isabella, ito na ang chance para maging close kami sa isa’t-isa,” ani ko sa aking servantes.“Ngunit tuso po ang prinsesa, baka kung ano po ang gawin niya sa iyo,” saad niya sa akin. Napahinga ako ng malalim at umiling lamang sa kaniya.“Naiintindihan ko na nag-aalala ka sa akin, Mary ngunit kailangan kong mag-take ng risk, isa pa kapatid ko siya alam kong wala siyang gagawin sa akin dahil ate niya ako,” wika ko sa kaniya.“Hayaan niyo po akong sumama sa iyo, prinsesa, gusto ko lamang pong makasiguro na ligtas kayo.”“Hindi na kailangan, Mary. Kaya ko na ang sarili ko, hindi ako mapapahamak, okay? Magtiwala ka sa akin,” ngiti kong saad sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at tumingin sa mga mata niyan
Mabilis kaming nakarating sa dulo ng kagubatan. Halo-halo ang aking emosiyon dahil sa sobrang ganda ng tanawin na nakikita ko sa aking harapan. Kita mo nga talaga ang naglalakihang gusali at bahay sa harap. Siguro ay mas gaganda pa ito kapag gabi dahil sa mga ilaw na nanggaling sa kabahayan.“Ang ganda, hindi ba ate?” tanong niya sa akin habang nilalatag ang bastket at sapin sa sahig. Tinulungan ko naman agad siya sa kaniyang ginagawa at ngumiti ng malapad sa kaniya.“Grabe sobrang ganda talaga! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang tanawin. Siguro kapag gabi ay maganda rito, ano?" tanong ko sa kaniya."Of course, gusto mo magpagabi tayo?" ani niya. Natigilan ako sa sinabi niya at biglang napaisip. Gusto kong mag-oo pero baka hanapin kasi kami ng reyna."Baka hanapin tayo ng reyna, prinsesa. Hindi puwedeng magabihan tayo," wika ko sa kaniya ngunit ngumiti lamang ito ng napakatamis."Don't worry ate, hindi
“Don’t get offended ate ha, but anong balak mo? Bakit bumalik ka rito?” tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kaniya, nakangiti itong nakatingin sa akin. I don’t know what I feel para bang ayaw niya akong narito sa palasyo. Napabuntong hininga ako at napangiti ng mapait. Maybe she didn’t like me here kaya nasasabi niya ito. Hindi ko maiwasang ma-offend pero hindi ko na lang iyon pinakita o pinahalata man lang sa kaniya.“Simula noong mawala sa akin ang nanay Lilet dahil sa atake sa puso, nawalan na ako ng pamilya. I lost my husband, my bestfriend and my mother. Sobrang sakit noon para sa akin na para bang gusto ko na lamang magpakamatay dahil sa lungkot at pag-iisa. Masakit mawalan ng pamilya para bang ang kalahating buhay mo ay nawala rin. Kaya nga noong nalaman kong hindi ko pala tunay na ina si Nanay Lileth at nalaman ko ang tunay kong pagkatao ay hindi na ako nagdalawang-isip na hanapin kayo. Maswerte na lamang ako dahil
Mag-aalas sais na rin ng gabi, puro kuwentuhan lang ang ginawa namin, tungkol sa mga experience lang naman noong bata pa kami. Nakuwento niyang marami pala siyang suitor noon at hanggang ngayon. Ako naman ay walang makuwento dahil kay Travis lang naman umiikot ang aking mundo noong dalaga pa ako. Ni isang lalaki ay walang nangangahas na lapitan ako dahil nakabakod palagi si Travis sa akin. Nakakainis nga kung alam ko lang na hihiwalayan at lolokohin niya ako ay hindi ko na siya sineryoso.Nang gumabi na ay agad na nagsi-ilawan ang mga kabahayan sa harapan namin. Namangha ako dahil sa naggagandahang ilaw roon, sobrang ganda na animo’y alitaptap na kumikinang-kinang.“Ang ganda!” namamanghang saad ko sa kaniya. Umihip ang malakas na hangin at tila ba sumasayaw ang mga puno dahil doon. Bigla ako nilamig kaya napayakap ako sa aking sarili.“Mukhang uulan pa ate, mas maiging umuwi na tayo baka maabutan pa tayo ng ulan,” saad ni Isabella
Prince Tristan’s POVKanina pa namin hinahanap ang dalawang kapatid. We had a hard time finding them, nilibot na namin ang palasyo ngunit wala pa rin. Natatakot na ang mga servants dahil ilang minute na lamang ay uuwi na reyna.Mayamaya ay humahangos na Isabella ang bumungad sa amin sa harap ng palasyo. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling, sobrang dumi ng kaniyang suot na damit at parang pagod na pagod. Mayroon ding sugat ang kaniyang siko at tuhod.Ang problema wala si Princess Sofia.“Donde esta la Princesa Sofia?” I immediately asked her.“No se donde esta ella,” iling na sagot ni Isabella sa akin. Agad siyang yumakap sa aking ng mahigpit.“Tengo miedo,” naiiyak na saad niya sa akin.“Saan kayo pumunta?” tanong ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin at napailing.“I don’t know, nasa loob la
Dahlia’s POV Napainat-inat ako ng aking braso pati na ang aking katawan. Napangiti ako nang may makitang nakayukong lalaki sa aking gilid. Tulog na tulog ito, alam ko ang hubby ko ito dahil nakausap ko pa lang siya kagabi.Mabuti na lamang at napagtanto niyang mas mahal niya pa rin ako kaysa kay Emery. Hindi pa rin naman huli ang lahat para magpatawad, hindi ba? I mean sobrang laki rin kasi ng effort niya. Isipin mo nagbyahe pa siya papuntang Spain para lang makita ako at alam kong makikipagbalikan siya sa akin.Hinawakan ko ang kaniyang ulo at hinihimas-himas ko ang kaniyang buhok. Napangiti ako nang gumalaw ito na para bang naalimpungatan. Nang itinaas niya ang kaniyang ulo at inunat ang mga ito dahil siguro sa ngalay ay agad akong napasigaw. Nanlalaki ang kaniyang mga matang napatingin sa likod niya.“WHAT? WHAT HAPPENED? WHY ARE YOU SHOUTING?” tanong niya sa akin ngunit sumigaw lamang ulit ito.“BAKIT I