Share

Kabanata XLII

Matapos ang mahabang katahimikan ay nag pasya kaming pumunta sa bahay nila Caloy upang ipaalam ang maganda balita.

“Oh kayo pala.. pasok muna kayo. Tatawagin ko lang si Caloy,” ani ng Ina nito na si Mrs. Bautista, isang guro.

Noong sinabi sa akin ni Tiya na yari sa bato ang bahay nila dahil parehong guro ang kaniyang magulang ay alam ko na kaagad na maganda ito, pero hindi ko inaakala na ganito ito karangya kung titignan. May dalawang sofa sa loob na may , bagay na hinding hindi mo basta makikita sa mga bahay na nandito. Sa tingin ko ay kung nandito ka sa isla, ang ganitong bahay ay mayaman na. Samantalang pag nasa syudad ka ay mayroon kang kaya.

Ang karaniwang bahay kasi na makikita rito ay gawa sa kawayan at nipa.

“Pag pasensyahan niyo na, ha. Natutulog pa pala.” Natatawang ani ng kaniyang ama bago nag hain ng tinapay at kape sa aming harapan.

“Nag abala ka pa Mr. Bautista..”

“Huwag kayong mahiya. Kumain lang kayo habang ginigising pa ng aking Misis si Caloy. Hindi niya siguro alam
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status