Share

Kabanata XLIII

“Iha.. a-anong gagawin mo?” Natatarantang tanong ni Mang Kanor nang makita akong lalapit sa pintuan ng bahay.

Buo na ang loob ko, haharapin ko silang lahat para mag pakita dahil pakiramdam ko ay magkakagulo kapag nanatili akong tahimik dito sa loob. Sa paraan pa lang ng pagkatok nila sa pintuan ng bahay ay parang magigiba na ito. Masasalamin mong 'di sila titigil hangga't hindi ako lumalabas para harapin sila.

“Hindi mo sila kailangang harapin. Aalis ka mamayang madaling araw. Mauuna kang pupunta sa sakayang pang dagat! Hindi kami papayag na sasama ka sa kanila. Mamayang umaga ay pupunta ako sa bahay nila Caloy para ipaalam na mauuna ka ng dadaong at mag kita na lamang kayo sa kalupaan.” wika ni Tiya.

Kahit na sa isang maliit na gasera lamang nag mumula ang liwanag ay sapat na ito para makita ang nag-aalala nilang mukha.

“Tiya, ayoko pong mapahamak kayo. Kausapin ko lang po sila. Sasabihin kong hindi ako sasama.”

“At sa tingin mo ay tatanggapin nila 'yan? Sinulong nila ang madaming
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status