"Sebastian, pwede mo na 'kong ibaba rito," sabi ko nang matanaw ko na ang pinto ng clinic. Pero hindi niya 'ko pinakinggan at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ba siya nabibigatan sa'kin? magmula cafeteria patungong clinic, buhat-buhat niya 'ko. Tapos kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin pero wala man lang siyang pakialam.
Tumigil din naman siya nang makarating na kami sa clinic ngunit hindi niya pa rin ako binaba. Sakto na bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse na sa tingin ko ay nagulat sa presensya namin.
"Ano ang nangyari sa'yo? ayos ka lang ba Miss Vienna?" Kilala niya 'ko? paano?
"Nahihilo siya, pwede ba na magpahinga muna siya sa loob?" sagot ni Sebastian.
"Ahh sige, pasok kayo." Pagkapasok namin sa clinic, dahan-dahan naman akong binaba at pinahiga ni Sebastian sa kama. Nakatingin lang ako sa kaniya pero nagtataka na 'ko sa kinikilos ni
"Hello Michelle, napatawag ka?" tanong ko habang sinusuot ang sapatos ko.(Hello Vienna, gusto ko lang itanong kung manunuod ka nang game ni kuya Vince? Sa tingin ko maya-maya magsisimula na) Muntikan ko pang makalimutan, ngayon na pala ang laro nina kuya. Manunuod naman ako pero may kailangan pa akong puntahan."Oo manunuod ako, pero pupunta muna ako sa ospital. Pakisabi na lang kay kuya at Tine na susunod ako."(Ahh sige Vienna, hintayin ka na lang namin dito)"Sige Michelle, text mo na lang ako kung nasaan kayo."(Okay Vienna, mag-iingat ka)Napabuntong hininga naman ako agad, buti na lang wala siyang alam sa nangyari kahapon. Hindi nakarating sa kanilang dalawa na may hinalikang babae si Sebastian. Kasi kapag nalaman nila, tiyak lagot ako at babatuhin nila ako ng madaming tanong na malabo ko namang sagutin. Kagabi, hindi ako makatulog sa kakaisip ng mga n
In the end, sina kuya ang nanalo at 1-0 ang score. Hindi na kasi nakahabol ang kabilang team dahil 3 minutes na lang bago matapos ang game. Halos silang lahat ay mahusay na manlalaro, maging si Kenneth pero hindi niya kayang pantayan ang galing ni kuya sa laro. Nagdesisyon na rin akong umuwi nang matapos ang game. At kasama ko ngayon si Tine, nagprisinta siya na ihahatid daw niya 'ko sa parking lot. Si Michelle at Therese naman ay may pinuntahan pa kaya hindi ko sila kasama ngayon.Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Tine dito sa hallway papuntang parking lot. Binati naman siya ng mga estudyanteng nakakasalubong namin dahil sa pagkapanalo nila kanila pero nginitian niya na lamang ito. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa balikat ko na naging dahilan para tingnan at pag-usapan kami ng lahat. Ang sama ng tingin sa'kin ng iba at hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako kay Tine pero seryoso lang siyang nakatingin sa dinadaanan niya at parang walang pakialam sa mga t
VIENNA'S POV"Vienna, gising ka na ba? Let me in, I just want to talk to you for a minute." Boses 'yon ni mom ngunit hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kaniya. Ang dami kong iniisip at ayoko na pati 'yan, dumagdag pa."Vienna.. are you okay? please let me in. Nag-aalala na 'ko sa'yo, kagabi ka pa walang imik at hindi ka rin kumain ng dinner. What's your problem? sabihin mo sa'kin, makikinig ako." Hindi ko pinansin ang sinabi niya, nanatili pa rin akong tahimik at nakatingin lang sa box na nasa study table ko.'I don't need her help, I can find answers by myself.'"I'm fine, just leave me alone," walang ganang sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa pero ramdam ko pa rin ang presensya niya sa labas ng kwarto."I'm just here sweetie, mom is always there for you. If you have problems or if there's something bothering you, please tell me
"Sasabihin mo ba kay Vince ang tungkol sa titulo ng bahay?" tanong ni Tine nang makaakyat na kami sa ikalawang palapag. Hindi na namin kasama si Mang Eduardo, tinuro niya na lamang sa'kin kung saan banda ang kwarto ko rito noon. "Kailangan niyang malaman, ayoko rin namang ilihim 'to sa kaniya," sagot ko. "Ayaw mo ba talagang tumira dito kasama ang kuya mo?" "Hindi ako sigurado kung gusto pa bang tumira ni kuya sa bahay na 'to. After kasi maghiwalay ng parents namin, kay tito Francis na siya tumira. But I will try to ask him, if gusto niyang tumira dito then lilipat kami after ng kasal ni mom at tito Lucas." "I'll convince him, dont worry. But I'm sure, namiss na rin ng kuya mo itong bahay niyo." Napabuntong hininga naman ako agad, hindi ako sigurado tungkol do'n sa sinabi niya. Ang kuwento sa'kin kanina ni Mang Eduardo, nagpunta raw dito si kuya noon. May kung ano raw siyang kinuha tapo
"Vienna hija, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng ginang. Tumango na lamang ako bilang sagot at patuloy na tinititigan itong teddy bear na hawak-hawak ko. Nandito pa rin kami sa bahay, balak na sana naming umalis kanina ni Tine kaso hinatiran kami ng pagkain ni Tiya Maricel kaya hindi na natuloy ang pag-alis namin. "Vienna may problema ba? mag-mula nung bumaba ka, ang tahimik mo na. Ano ba ang iniisip mo? sabihin mo sa'kin at tutulungan kita," wika ni Tine ngunit hindi ko siya nilingon. Napabuntong hininga ako nang malalim tiyaka ko binaba ang teddy bear sa mesa. "Kanina mo pa tinititigan 'yang teddy bear na 'yan. Galing ba 'yan do'n sa box na binigay sa'yo ni Mang Eduardo?" dugtong pa niya. "Hindi, galing 'to sa office ni dad," tugon ko. Akala ko kapag nakita ko na ang teddy bear na 'to, may maaalala ako tungkol kay Martin pero wala. Kanina ko pa ito tinititigan k
It's already 7 am in the morning but I'm still here in my room, silently looking at the two boxes. And hoping that I would remember something, but nothing.Kagabi, ilang beses ko nang tinititigan ang mukha ni Martin pero hindi ko talaga siya maalala. At ang tanging nasa isip ko lang sa mga oras na 'yun ay ang seryosong mukha ni Sebastian. Hindi ko alam kung bakit, ganito lang siguro ang epekto once na may gusto ka dun sa tao. Naiisip mo siya kahit ayaw mo siyang isipin.'But why all of the sudden naging ganito ang epekto sa'kin ni Sebastian? Mahal ko na kaya siya?'"Vienna.. breakfast is ready, bumaba ka na at baka malate ka pa sa klase mo. Vienna do you hear me? gising ka na ba?" Hindi ko na sinagot si kuya, tumayo na lamang ako at kinuha ang bag ko. Maaga akong nagising kanina para maligo at magbihis pero hindi ako agad lumabas ng kwarto after kong gawin 'yun.Binuksan ko naman ang pinto at halatan
"Okay ka lang ba? sinaktan ka ba nila?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ko inexpect na magiging ganito pa rin siya kabait at kaconcern sa'kin sa kabila ng mga nalaman niya. At akala ko hindi niya pa 'ko kakausapin dahil sa mga nasabi ko sa kaniya kahapon. "Okay lang ako at hindi naman nila ako sinaktan," sagot ko. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa garden, dito niya 'ko dinala nung nalaman niyang wala si Prof. May ilang estudyante ang nakakita sa'min na naging dahilan para pag-usapan kami lalo na ako. Ayoko naman sanang pansinin at balewalain na lamang ang mga sinasabi nila kaso hindi na tama. Pumapasok sa utak ko at nasasaktan ako kahit hindi naman totoo. "Hahanap ako nang paraan para mabura yung litrato niyo sa internet at para matigil na ang paninira sa'yo ng mga estudyante." "Bakit parang ang dali lang sa'yo na sabihin 'yun?" ani ko na ipinagtaka niya. Alam ko naman na nasaktan siya sa nakita niya pero heto s
SEBASTIAN'S POV"Bakit ngayon mo lang 'yan inamin sa'kin? bakit ngayon lang?! bakit ngayon lang kung kailan pa na nagkakagulo na?!""Ano ang ginawa ko para ilihim mo 'yun sa'kin? pinagmukha mo 'kong tanga Sebastian."Mga linyang lumabas sa bibig niya na naging dahilan para tuluyang masira ang pag-asa kong maibabalik ko pa ang dati naming relasyon. Dahil sa nangyari ngayon, alam kong hindi na.Alam ko na hahantong kami sa ganito, na kapag nalaman niya na ang tungkol sa'kin masasaktan ko siya at masasaktan namin ang isa't-isa. Natatakot ako, natatakot ako na baka ang pangyayaring 'to ang magiging dahilan para tuluyan siyang mawala sa'kin. Ayoko nang mangyari pa 'yun, hindi na 'ko makakapayag."Kailangan ko siyang sundan, baka may mangyari pang masama sa kaniya," wika ni Tine pero pinigilan siya sa braso ni Vince habang nakatingin ng masama sa'kin."Huwag mo siy