Share

Heavy feeling

Darius’s POV

I could not control myself as I watched her walking in the stage, displaying her skin in front of everyone. Hindi niya ako kinausap tungkol sa pagiging model niya ngayong araw, kaya pala kahit anong hintay ko na pumunta siya dito ay hindi siya dumadating.

Mas lalong sumama ang timpla ng panlasa ko ng marinig ko ang usapan ng nasa likuran ko na mga investors, anong karapatan nila para magka- interest sa kaniya. Mariin kong kinuyom ang aking kamay at pinigilan ang sarili na lingunin sila.

Hindi ako pwedeng gumawa ng gulo ngayon na mismong event na pinakahihintay namin, pero hindi na ako makapaghintay na matapos ito para makausap ko si Lia. Gusto kong ibalot siya sa kurtinang nakasabit sa gilid ng stage, gusto kong itago ang sexy niyang katawan.

Dapat ay ako lang ang nakakakita noon, pero habang pinapanuod ko siyang proud na proud na rumarampa sa stage ay unti-unting natutunaw ang pagkairita ko. Parang gustong-gusto niya ang ginagawa niya, paano ko siya babawalin kung ganoon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status