“This one is nice, but year 20XX meron ng similar design na ganito. So, I don’t think we can use it sa summer fest.” Unang salang palang ay rejected na agad ang isang design na mas lalong nakapagpabigat ng atmosphere sa paligid.Malayong-malayo ang aura ni Darius noong unang meeting kumpara ngayon, seryosong-seryoso ang mukha niya at talagang nakikinig siya sa bawat detalye ng design na nakasalang.Paulit-ulit lang ang naging sagot niya, sunod-sunod na rejection ang natanggap nila.Sumunod na tumayo si Kyler, sa pagkakataon na ito ay kahit paano ay nagkaroon ako ng pag-asa na sa wakas ay magkakaroon na ng isang pasok na option para sa design.Sinimulan ni Kyler na ipakita ang detalyadong design, hanggang matapos ang slide. “this one can be available in different sizes without ruining the beauty of design, so everyone can receive the same quality.”Halata na namamangha ang mga kasama niya, na maging ako ay naintindihan bakit ang design niya lagi ang napipili sa mga naunang taon.Tumikh
“Okay, guys! Keep working, we need to pull more overtime this time!” Halata ang pagod ngunit dahil nag go signal na si Darius para subukang gumawa ng sample ng approve design with different size ay mas lalong naging busy ang lahat.Sunod-sunod na rin ang naging meeting niya para sa summer fest, kailangan rin kasi ng bawat company na makipag-coordinate dahil malaki nga naman itong tulong for promotion.Ang nakakalungkot lang ay hindi ko pa nakikita si Kyler mula ng mag-present sila, wala rin namang alam ang mga katrabaho niya kung anong nangyari. Pero kahit ganoon ay umaktong parang walang nangyari si Darius.“What are you thinking?” Sinundot niya ang pisngi ko gamit ang kaniyang hintuturo, “si Kyler na naman ba ang inaalala mo dahil hindi pumapasok?”“Uhm, hindi mo man lang ba naiisip na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya? Yung rejection na natanggap nya mula sayo, malaking epekto sa kaniya iyon.” Malungkot na sabi ko.“I don’t know bakit sobra ka na apektado sa pagkaka-reject ni
Tanging tunog lang ng pagtama ng kubyertos sa plato ang nagbibigay ingay sa table namin, wala kahit isa sa aming tatlo ang gustong magsalita. Halata na hindi natutuwa si Darius sa ginawa ni Craig pero umaakto naman ang isa na parang hindi niya alam.Magpinsan sila pero may magkaibang ugali, well, kahit magkapatid ay may iba’t-ibang personality naman…“Tikman mo ito, Lia.” Sa wakas ay may bumasag ng katahimikan, nilagay ni Craig sa plato ko ang pagkain na gusto niyang ipatikim sa akin, “masarap yan, this is made by the owner of this restaurant.”“Talaga?” Excited ko na sagot, hindi ko akalain na meron palang ganoon.“Oo, and this one is made by him also.” Turo niya sa isa pa na pagkain.Tumikhim si Darius dahilan para mapatingin kaming dalawa sa kaniya, “ayos ka lang ba?” Nahihiya ko na tanong at inabot sa kaniya ang isang baso ng tubig.Inabot naman niya ito at uminom, “I’m okay, just don’t forget that we have an important meeting later, kumain kana.” Linipat niya ang tingin kay Craig
Tuloy-tuloy lang ang meeting ni Darius, umakto siya na parang walang nangyari. Ganoon rin naman ang ginawa ko kahit ang totoo ay sobra akong naapektuhan sa mga salitang narinig ko sa mama niya.Alas sais na natapos ang huling meeting niya, “damn, I can’t even feel my shoulder and butt.” Sabi niya habang hinahaplos ang kaniyang kanang balikat. “I feel hungry, let’s eat first bago kita ihatid.”Sasagot na sana ako ng bigla kong maalala ang sinabi ng mama niya kanina, agad akong napailing. “M-May tatapusin pa ako, pwede naman sigurong si Wilson muna ang isama mo?”Kumunot ang noo niya, “bakit ko naman isasama si Wilson para kumain ng dinner sa isang restaurant? Can’t you tell that I’m asking you to have a date with me?”Iyon na nga ang iniiwasan ko, pero hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya iyon. “hindi ko pa pala kasi na i-send yung files sa production team, need ko gawin iyon. Ang dami ko ng absent, ayaw ko naman isipin nila na inaabuso ko ang pagiging secretary mo.”Napahinga nalang siy
“Bakit ganyan ang itsura mo, para kang nakakita ng multo?” Tanong ni Craig sa akin, marahil ay nakita niya ang repleksyon ko sa salamin.“P-Pwede mo ba ihinto ang kotse?” Tanong ko, nagbabakasali na andoon pa rin si Darius.“Ha? Bakit may nakalimutan ka ba?” Muli niyang tanong, “kung meron ay mag u-turn tayo kung saan pwede, bawal kasi dito.”Naikuyom ko ang aking kamay, “ganoon ba… ‘Wag nalang, sobrang abala sayo.” Mahinang sabi ko kahit ang tibok ng puso ko ay parang nagwawala sa kaba, para akong nahuli sa isang krimen na hindi ko ginusto…“Eh? Okay lang, kung importante sayo yung gamit at hindi ka makakatulog kung hindi mo makuha ngayon yun.” Sabi niya.“H-Hindi na, makikita ko naman iyon bukas… Marami ka pa na gagawin, you should do it instead.” Tatawagan ko nalang siya pag-uwi na pag-uwi ko sa bahay… Sana lang ay sagutin niya iyon.“Well, to be honest I was really hoping to see you tonight.” Kinagat niya ang ibaba niyang labi, “kung hindi mo na babalikan yung naiwan mo, can we ha
Wala akong tulog magdamag, kahit anong tawag ko kay Darius ay hindi siya sumasagot. Hindi ko naman magawang buksan ang group ng company dahil tungkol sa approved design ang topic at hindi maiwasan na ma-mention ang pangalan ko.At tulad ng inaasahan ko ay hindi maganda ang naging bungad ng mga empleyado sa akin, ang mga tingin nila, bulungan at maging ang iba na hindi pumansin sa akin ay talaga namang ramdam ko kung gaano nila ako sinisisi.“Lia.” Si Noel ang unang lumapit sa akin, “Halika na sa office ni Sir Darius, kanina ka pa niya hinihintay.” Kita ko kung paano niya ako tignan, hindi ito tulad ng iba na hinuhusgahan ako.Awang-awa ito na palinga-linga sa akin, hindi ko alam kung dahil ba naniniwala siyang hindi ko gagawin iyon o dahil alam niyang maaalis ako sa trabaho.“Noel, hindi ako ang gumawa ng bagay na ‘yon.” Sinubukan ko na kausapin siya.Tumingin lang naman siya sa akin at ngumiti pero hindi nagsalita tungkol sa sinabi ko, naiintindihan ko naman iyon. Wala siyang karapat
Craig’s POV“Sir! Saan po kayo pupunta, hindi na po kayo pwedeng umalis parating na ang sundo mo.” The bar manager chased me as I walk faster toward my car.Anong issue na naman ang nasangkutan ni Lia?Isipin palang na umiiyak na naman siyang mag-isa, I could not help but to curse numerous times. Hindi niya deserve iyon, naniniwala ako sa kaniya kahit hindi pa kami ganoon katagal magkakilala.“Sir!” Mabilis niyang pinigilan ang kamay ko para buksan ang pinto ng kotse, “please, hindi ka talaga pwedeng umalis.”“Mas importante ang pupuntahan ko ngayon, she needs me.” Tumingin ako ng seryoso sa kaniya, “you understand me, right?”Napaatras naman siya, “b-but sir…”“No buts, I need to go.” Sabi ko at inalis ang kamay niya, tuluyan kong binuksan ang pinto at mabilis na pumasok doon. Agad akong nag-drive patungo sa company ni Darius, I want to see her sooner as possible.~Paghinto palang ng kotse ay kita ko na agad siyang naglalakad palabas ng company, halata sa paglalakad niya na wala si
Lia’s POVSobrang dilim na at halos tulog na ang mga tao ng makarating kami sa bahay ng lola’t lolo ni Craig, medyo nakakahiya nga at halatang naistorbo naming ang masarap na tulog nila.“Craig, anong ginagawa mo dito ng gabing-gabi?” Tanong ng kaniyang lola ng may pag-aalala, pero agad rin naman na dumako ang tingin niya sa akin na nakatayo sa gilid ni Craig. “May kasama ka pa pala.”“Good evening po.” Yumuko ako at nagmano, “p-pasensya na po kung naistorbo namin kayo.”“Nako hindi iha, ayos lang naman iyon. Nagulat lang ako at walang pasabi si Craig na pupunta siya dito, ang alam ko nga ay aalis na siya…”“La, meron kaming dalang pagkain dito. Hindi pa kami nakakapaghapunan, sabayan nyo kami.” Nakangiting sabat ni Craig.“Nako e, kumain na kami kanina.” Sagot ni lola, “Ikaw, baka gusto mong sabayan ang apo mo na kumain.” Tumingin ito sa lolo ni Craig.“Pwede naman.” Ngumiti ito, hindi maitatanggi na lolo nga siya ni Craig.Sabay-sabay kaming naupo sa lamesa ng maiayos ni Craig ang m