Awkward kaming tatlo na nakaupo sa loob ng kotse ni Darius, dahil nga kailangan ko ng bumalik sa manila para mapag-usapan ang nangyaring issue. Nagbayad nalang si Craig ng driver para madala rin ang kotse niya sa manila.“You hire a driver yet you choose to sit here?” Reklamo ni Darius na hindi tinago ang pagkainis niya sa desisyon ni Craig.“Dahil ayaw ko na masolo mo sya.” Walang paligoy-ligoy naman na sagot ni Craig ng nakapikit ang mata habang ang ulo ay nakasandal sa bintana.Dalawa siya sa harapan habang mag-isa naman ako sa likuran, hindi ko nga alam kung saan ako titingin dahil saglitan silang tumitingin sa akin na parang mawawala ako at any moment.Sana pala ay nag commute nalang ako, pakiramdam ko ay mas napapagod ako sa ginagawa nila…Hindi pa nga kami nakakalabas sa City, ay wala na akong energy para sabayan ang sagutan nila. Kahit gusto kong ipikit ang mata ko’y hindi ko rin naman magawa dahil ramdam ko ang mga tingin nila.Idagdag pa rito ang sagot ni Darius… Muli na nam
Darius’s POVI suddenly felt a great threat from his words, para akong nakatayo sa dulo ng bangin na isang maling galaw ko nalang ay mahuhulog na talaga ako at wala na akong magagawa. This is the first time I’ve ever seen him so serious.Ito rin ang unang beses na mag-away kami sa isang bagay na pareho naming ginusto, “to you think I will give you a chance to take her away like this again?” Seryoso ko rin na balik sa kaniya.“Huwag ka pakasiguro.” Iyon lang ang naging sagot niya sa sinabi ko at tinuloy ang pagkain.Lia keep her silent on the side, damn!Hindi ko akalain na makikipagtalo ako sa pinsan ko mismo sa harapan ng babae na pareho kaming interesado, but I won’t back down. Tulad ni Craig, hindi ko rin kaya na hayaan nalang si Lia na mapunta sa iba kahit si Craig pa ito.~Gabi na ng makarating kami sa manila, inuna ko ng ihatid si Lia para naman hindi na rin siya mahirapan sa awkwardness sa loob ng kotse. I’m fully aware na paalis palang sa probinsya ay hindi na niya alam ang g
Lia’s POVIf distance will put a wall between us, then it’s better than ruining everything.Alam ko na ayaw niyang ibalik ko ang pagtawag ko sa kaniya ng Sir, pero iyon lang ang naiisip ko na paraan para kahit paano ay makabalik kami sa dati. Ayaw kong makasira ng isang relasyon na tulad ng meron sila ni Craig, pamilya sila at outsider lang ako.Ang malaman na pareho silang interesado sakin ay nakakatakot na bagay, ito ang unang beses na magkaroon ng lalaki na may ganoon nararamdaman para sa akin. Pero hindi lang isa dahil dalawa sila, hindi ko alam ang gagawin.Ang tanging paraan na alam ko lang ay mag bulag-bulagan, isa pa, hindi ako sigurado kung ang nararamdaman ba nila para sa akin ay hindi basta panandalian lang…“Lia, good morning!” Pagpasok ko ng entrance ng company ay agad akong binati ni Noel, halata na inaabangan niya ako.Ang mga empleyado naman na naroon ay mabilis na umiwas ng tingin sa akin, kumpara ng huli ko na punta dito na talagang ramdam ko ang masasakit nilang tin
“Are you sure about it?” Paninigurado ni Darius na parang hindi niya matanggap ang narinig mula sa lalaki, kahit ako ay hindi makapaniwala. Bakit naman gagawin iyon ng mama niya, paano kung hindi nagawaan ng paraan ang nangyari?“Well, Rayver said it with his own mouth. Mayroon rin siyang CCTV na pinakita at conversation with your mother, maging ako ay nagulat dahil hindi ko akalain na kayang makipag-usap ng mama mo sa anak ng bagong kinakasama ng ex-husband niya.”“Damn it!” Mahinang mura ni Darius, “why she can’t stay out of my business, she always crosses the line.”“Talk to her, iyon lang ang pwede mo na gawin.” Tumingin muli sa akin ang lalaki, “at alamin bakit niya ginawa iyon.”“There is no point asking her, gusto niyang palitan ang secretary ko at she failed to do that. Titigil na siya ngayon, I know her very well.” Seryosong sabi niya, “thank you for your help, I will make sure Noel will transfer the money in your bank account.”“No worries, if you need my help again don’t he
Halos araw-araw kong iniiwasan si Darius pagkatapos ng magkausap kami ng mama niya, tanging trabaho lamang ang napag-uusapan namin na dalawa. Hindi ko rin hinayaan na magkaroon ng pagkakataon na maiwan kaming dalawa sa iisang lugar.Hanggang maaari ay ayaw kong makita kaming magkasama na dalawa lamang kami sa iisang lugar, hindi mawala sa isip ko ang bawat salitang binitiwan ng kaniyang mama noon sa akin. Ayaw ko na darating ang pagkakataon na ako ang maging dahilan ng pagkasira ng pangalan niya.“Lia.” Halos napaigtad ako ng marinig ko ang boses niya sa aking gilid, agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tumingin sa kaniya.“S-Sir?”Kitang-kita ko kung paano nangunot ang noo niya pero pinagsawalang bahala ko iyon na parang walang nakikita.“Tapos ka na ba sa pinagagawa ko?” Seryoso niyang tanong at lumakad palapit sa akin.Hindi man sinasadya ay napahakbang ako paatras palayo sa kaniya, “a-ah… Malapit na Sir. Tatapusin ko na,” akma na babalik ako sa pagkakaupo ng hawakan niya ako sa b
Tumayo ako, “t-tapos na akong magkape, salamat sa tinapay.” Ramdam ko ang bilis ng puso ko ngayon, kailangan ko ng makalayo bago pa niya marinig ang baliw ko na puso.“Tapos ka na agad?” Tanong niya at tumingin kay Darius na papasok na ng elevator, “hmm, sige. Thank you sa time para kausapin ako kahit hindi pa tayo ganoon ka-close.”Tumango lang ako at nagmamadaling lumabas sa break room, pero hindi ko na siya naabutan. Wala akong nagawa kundi ang hintayin ang susunod na elevator, kung pwede lang na gumamit ako ng hagdan ay gagawin ko.Ilang minuto ang tinagal ko na nakatayo doon, na halos kasabay ko lang rin si Kyler na sumakay. Nahihiya akong napakamot nalang ng batok, sana ay hinintay ko nalang siyang matapos ang iniinom niyang kape kanina.~‘Good luck!’ Bulong niya bago siya tuluyang lumabas sa elevator ng makarating ito sa floor kung nasaan ang department niya.“Huh?” Naguguluhan akong tumingin sa kaniya pero hindi na ako nakatanggap ng paliwanag ng tuluyan ng sumara ang pintuan
Unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin, dahan-dahan at malamyos niyang hinalikan ang bawat patak ng luhang kumakawala sa aking mata. “Ang malaman mula sa iba na umiyak ka ay nasasaktan na ako, pero mas masakit pala ang makita ka talaga na umiiyak. Please, Lia.” Tulad ko ay hirap rin siya, nasasaktan, at hindi alam ang gagawin para mapatahan ako.“I-I like you, Darius.” Utal-utal man sa wakas ay lumabas rin ang mga salitang kanina ko pa sinusubukang sabihin, “sinubukan ko, pinigilan ko na magkagusto sayo pero hindi ko kaya.”Hindi ko na alam kung ano ang dahilan bakit ako nanginginig ngayon, kung sa kaba pa ba ito o sobrang saya dahil sa wakas ay hindi ko na kailangang itago ito ng matagal.“Hindi ko ini- expect na maririnig ko sayo ang salita na ‘yan ngayon, after all ay iniwasan mo ako. I…”Umiiling-iling ako, “hindi mo ako kailangan sagutin agad, sinabi ko lang ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago,” pagputol ko sa sasabihin niya.Hindi ako handa na marini
“Everyone, move faster!” Sigaw ni Noel, ngayon ko lang siya nakitang hindi mahinahon. Kahit ako ay hindi na rin mapakali sa kinatatayuan ko, ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat.“Lia!” Agad naman akong napalingon ng tawagin ako ni Kyler, halata sa mukha niya ang pagkabalisa at parang hindi na alam ang gagawin.“Anong problema, may naiwan ba na importante?” Kinakabahan na rin ako, ilang oras pa kasi ang byahe bago makabalik sa company kung may naiwan man. Malapit ng magsimula ang event, may dalawang ganap ang summer fest.Isang show sa umaga at mamayang gabi naman ang announcement at mas i-highlight ang mga summer outfit na mananalo, hindi kami pwedeng magkamali ngayong araw.“Si Rachel, hindi pa rin dumadating.” Sabi niya habang paulit-ulit pa rin na may tinatawagan sa kaniyang cellphone, “kanina ko pa siya sinusubukan na i-contact pero hindi sumasagot.”“Ha? Dapat andito na siya kanina pa, asan ang glam team?” Nagsimula ng manginig ang kamay ko, bakit sa dinami-rami ng pwedeng