Nagsisimula ng pumila ang lahat, kasama na kami ni Kyler. May iilan-ilang model na napapatingin sa amin lalong-lalo na sa kasama ko, marahil ay bago sa paningin nila. Isa pa ay sadyang nakakagulat nga naman, parang model talaga siya.“Baka makita ka ni Darius na nakatitig sakin, pareho tayong malalagot.” Biro niya ng mapansin ang tigtig ko.Hindi ko naman mapigilan na mapangiwi kunwari, “hindi naman siguro magseselos si Darius, panigurado ay alam naman niyang hindi ako magkakagusto sayo.” Natatawang sagot ko.“Tsk! Hindi man lang nagkunwari na natatakot.” Umismid siya sa akin ng pabiro at pumila na sa hanay ng mga male models, may iilan na kumausap sa kaniya na wari’y magkakilala sila… Well, baka nga kakilala niya.Habang ako ay wala kahit isa ang nagbigay man lang ng oras para kausapin ako, may ilan na ngumiti pero pilit o pakitang tao lang. Ano nga naman ang mapapala nila sakin lalo na’t hindi naman ako sikat na model tulad nila.Nagsimula ng magsalita ang MC para sa event, may pina
Darius’s POVI could not control myself as I watched her walking in the stage, displaying her skin in front of everyone. Hindi niya ako kinausap tungkol sa pagiging model niya ngayong araw, kaya pala kahit anong hintay ko na pumunta siya dito ay hindi siya dumadating.Mas lalong sumama ang timpla ng panlasa ko ng marinig ko ang usapan ng nasa likuran ko na mga investors, anong karapatan nila para magka- interest sa kaniya. Mariin kong kinuyom ang aking kamay at pinigilan ang sarili na lingunin sila.Hindi ako pwedeng gumawa ng gulo ngayon na mismong event na pinakahihintay namin, pero hindi na ako makapaghintay na matapos ito para makausap ko si Lia. Gusto kong ibalot siya sa kurtinang nakasabit sa gilid ng stage, gusto kong itago ang sexy niyang katawan.Dapat ay ako lang ang nakakakita noon, pero habang pinapanuod ko siyang proud na proud na rumarampa sa stage ay unti-unting natutunaw ang pagkairita ko. Parang gustong-gusto niya ang ginagawa niya, paano ko siya babawalin kung ganoon
Darius’s POVPagpasok palang namin sa hotel room ay agad na niya akong niyakap, “Lia, we should eat first. I call for room service, hmm?” Hinaplos ko ang kaniyang likod.Hindi ko magawang tanungin siya kung ano ang problema, ramdam ko naman kasing ayaw niyang sabihin iyon. Ang tanging kaya ko lang gawin ngayon ay iparamdam sa kaniyang andito ako sa tabi niya, kaya ko namang maghintay.“Sorry.” Nahihiya ang tono ng boses niya ng bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at yumuko.Para namang nagsisi ako dahil sa sinabi ko, san apala ay hinayaan ko nalang muna siyang yakapin ako hanggang kailan niya gusto…Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at pinatingin sa akin, “Hey, you don’t have to say sorry, you can hug me whenever you want.” Dinikit ko ang noo ko sa kaniya at hinalikan ang tungkil ng kaniyang noo.Pinikit niya ang kaniyang noo at hinayaan akong gawin ang gusto ko, kahit anong lapit naming sa isa’t-isa ay parang hindi ko siya maramdaman. Hindi siya kumikibo at tanging paghinga la
Lia’s POVNo…Gusto ko siyang makasama pero hindi ko hiniling na sirain niya ang sariling buhay para sa akin, kahit gaano ko kagusto na ipilit ang kung meron kami ay hindi ako papaya na sobrang laki ng sakripisyo na gagawin niya.Maayos ang buhay niya bago pa ako dumating, hindi ko man ginusto na guluhin iyon ay ganoon na rin iyon.Ang kaya ko lang gawin ngayon ay yakapin siya ng mahigpit at hanggang maari ay huwag siyang bitawan ngayong gabi.“Tahan na, maayos din natin ‘to.” Bulong niyang muli, habang patuloy ang paghaplos sa aking buhok.Tama, hindi pa huli ang lahat. Pwede pa na maayos ito, tulad ni Darius ay kaya ko rin gawin ang lahat para sa kaniya.Sinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib, “Can we do it?” Nahihiyang bulong ko.Rinig ko ang pagbilis ng kaniyang paghinga, aminin man niya o hindi ay alam ko na malaking epekto ang tanong na iyon sa kaniya. Masaya akong malaman na ganito ang epekto ko sa kaniya, to the point na parang binubuhol ang mga bituka ko.“Are you sur
Darius’s POVNagising ako sa nakakasilaw na sinag ng araw, agad kong kinapa ang kabilang parte ng kama habang nakapikit. Malamig na iyon tanda na matagal ng bumangon si Lia, kahit ayaw ko pa ay dahan-dahan ko ng minulat ang mata ko.Sinuot ko ang boxer brief at tumayo mula sa kama, “Lia?” Pumunta ako sa banyo para tignan kung naliligo siya, pero wala siya doon.Agad-agad kong hinanap ang cellphone ko at tinawagan siya.“Sorry, the number you have dialed is no longer in service. Thank you!”Pagkapatay palang ng tawag ay agad kong tinignan ang numero kung nagkamali pa ako, pero pangalan niya ang nakasulat sa screen.Muli kong sinubukan na i-dial ito pero paulit-ulit lang ang sinasabi.“Where are you, Lia…” Kinakabahan na tanong ko sa sarili, at inabot ang telepono na nasa gilid. Ilang ring lang naman ay agad itong sinagot ng nasa front desk.“Good day, Sir! Are you going to extend your time today?” Iyon agad ang naging bungad niya sa akin.“Good day, can I ask if you perhaps see the wom
Craig’s POVPagpasok ko palang ng kotse ay sinubukan ko rin tawagan ang number ni Lia ng paulit-ulit, pero tulad ng sabi ni Darius ay hindi na nga ito available. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hampasin ang manebela, bakit kailangan na si Lia lagi ang agrabyado.Gusto kong magalit kay Darius, ngunit alam ko sa sarili ko na hindi rin naman niya gusto ang nangyayari. Lia and him are both victims of her, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pati love life ni Darius ay gusto niyang pakialamanan.It’s been too long since she left them, her own family. Kung kailan naman tumanda at kaya n ani Darius ang sarili ay saka siya lilitaw para guluhin ang buhay ng pinsan ko.Gusto ko man na hanapin si Lia ay wala rin naman akong alam na lugar kung saan siya pwedeng pumunta, bukod sa pangalan niya, tanging parents lang niya ang kilala ko.How can I confidently say those words to Darius earlier, kahit ako naman ay walang magawa para kay Lia ngayon.Dumiretso ako sa hotel para kumuha ng ila
FIVE YEARS LATER…“Honey, huwag kang tumakbo baka madapa ka!” Mabilis kong hinila ang maleta naming dalawa para pigilan sila sa pagtakbo.“Mommy, look there is a big rabbit there!” Pagturo niya sa nagtitinda ng lobo na mascot sa gilid ng daan, “pwede mo po ba akong bilhan ng lobo?”“B-But… Look, marami tayong dala mahihirapan tayong maglakad ng maglakad.” Nag-aalangan na sagot ko sa kaniya.Isang kamay naman agad ang humawak sa mga bitbit ko, “ako na ang magbibitbit ng mga ito, samahan mo na siyang bumili ng lobo.”“Yay, I love you po!” Sigaw niya at nagtatalon.“Careful, Daniel. Huwag kang masyadong malikot ng hindi nag-aalala sayo ang mommy mo, isa pa ay baka mawala ka first time mo palang dito.” Nag-aalala niyang pangaral sa bata.“It’s fine, Craig.” Hinawakan ko ang braso siya para pakalmahin, “masyado lang sigurong excited si Daniel.”Napahinga naman siya ng malalim, “kaya hindi rin talaga sya takot sayo,” umiling-iling pa siya at nauna ng maglakad papunta sa kotse.“Let’s hurry
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng coffee shop pagpasok na pagpasok palang namin, salamat sa lobo na binili namin ay agad ko silang nakita na nakaupo sa gilid kung saan malapit sa bintana.“Daniel!” Tawag ko sa kaniya at nagmamadaling lumapit sa kanila.“Mommy!” Nanlalaki ang mata niya pero hindi siya umalis sa kinauupuan, hindi rin niya binitawan ang hawak niyang tinidor.“Pinag-alala mo akong bata ka, bigla ka nalang nawala.” Niyakap ko siya ng mahigpit, “sa susunod ay huwag kang lalayo sa akin.”Naramdaman ko ang maliit niyang kamay na humaplos sa aking buhok, “Sorry mommy, nataranta kasi ako sa dami ng tao na pumaligid sa atin tapos nakita ko yung kotse akala ko ay atin.”Humiwalay ako sa kaniya at tinignan ang mukha niya, wala akong makitang takot doon kundi tanging mga cream mula sa kinakain niya. Mahina akong napatawa, “gosh, paano ako magagalit sayo kung ganiyan ka ka-cute.”Kinurot ko ang kaniyang pisngi at tumayo, tumingin ako sa babae na kasama niya at ngumiti. “Pasensya n