Share

Chapter 29

Maaga pa lang ay gumising na si Laila upang ipaghanda ng almusal ang kaniyang asawa. Ngayon din niya balak na magpasama sa lalaki para magpacheck-up sa isang OB doctor.

Nakapaglagay na siya ng mga plato sa mesa nang bumangon si Vincent. Messy pa ang medyo mahaba nitong buhok habang kinukusot ang mga mata nang pumasok ito sa kusina.

"Magandang umaga, Asawa! Nakapagluto na ako para sa almusal natin! Halika na, kumain na tayo!"

Hindi tumugon ang lalaki. Nilagpasan siya nito at dumiretso sa banyo. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya kahit na magkakaroon na sila ng anak.

Wala pa rin itong imik nang lumabas mula sa banyo. Dumiretso na ito sa mesa para umupo at kumain nang wala man lang pagbati sa kaniya.

Pinilit pa rin na ngumiti ni Laila para hindi masira ang araw nito. Mabilis mainis si Vincent kahit na sa napakaliit na bagay kaya ingat na ingat siya na makagawa nang pagkakamali.

"Oo nga pala ... Ngayon ang first check up ko para sa baby natin. Puwede mo ba akong samahan sa dok
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status